Chapter Sixty Seven
Need
***
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Kumusta kayo mga bb? Sorry po ulit sa hindi ko pag-a-update. Napakatagal na pala simula nang huli kong update huhu. Bawi ako ulit. Maikli na lang muna ito para lang makapag-update ako today. Bukas karugtong. So anyways. Impossible on the link, credit on the owner. I want the slowed version. Gusto ko makinig sa mga mapanakit na mga kanta kahit di naman ako sad and broken HAHAHA. Sa ayun po. This is a short update. Enjoy reading po <3 God bless <3 Salamat <3]
***
Nang pangalawang araw na namin simula nang makarating sa Quezon ay dumalaw ang mga magulang ko. Mahigpit ko silang niyakap. "Kumusta kayo rito?" tanong ni mommy nang bumisita sila ni daddy.
"We're fine, mom. I miss you... kayo ni daddy."
"You know we always miss you, darling. Kapag hindi na kami abala ng daddy mo sa pag-aayos ng lupain ay susunduin ka na namin dito."
Ngumiti ako kay mommy. "I understand, mom." Sabi ko sa kanya. "Hindi niyo naman po ako kailangang alalahanin. Inaalagaan po ako ni Caiden."
Napangiti si mommy at tinignan si Caiden na kausap naman ni daddy sa may labas ng bahay. Seryoso silang nag-uusap ni daddy. Pagkatapos naming mananghalian kanina ay nag-usap na sila sa may labas. Nasa may veranda naman kami ni mommy.
"I am so thankful that Caiden never leaves you, darling." Sabay tingin sakin ni mommy. Hinawakan niya ang kamay ko. "And I hope he could also take care of your heart, anak."
"Mom...." pinamulahan ako ng pisngi. Hindi pa rin nagsasawa si mommy na ireto ako kay Caiden. Pero we both know na hindi na kami pwede ni Caiden.
Caiden deserves someone who has no baggage na tulad ko. He deserves someone better, babaeng mamahalin siya nang buong-buo.
Mahinang tawa ang pinakawalan ni mommy kaya naman natuon na sa kanya ang isipan ko. Tinapik niya ang likuran ng palad ko sa masuyong paraan. "Alam kong makakaya mong makapagsimula ulit, anak. Sana matulungan ka rin ni Caiden sa bagay na iyon."
Napangiti ako kay mommy. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "I am fine, mom. Tanggap ko na po ang tungkol samin ni Brandall. I will never regret that I once had him in my life because I have my baby. Pero panahon lang mom ang makakapagsabi kung talaga bang makakalimutan ko siya."
And I hope... I will.
Hapon na nang magpasyang umuwi ang mga magulang ko. "Mag-iingat kayo rito. Tawagan niyo kami kung may kakailanganin kayo." Sabi ni daddy samin ni Caiden nang nasa tapat na kami ng sasakyan nila.
"Opo, dad." Sabi ko at niyakap sila.
"Huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko po si Lucila and the baby."
Tinapik ni daddy si Caiden sa balikat. "Ipinapaubaya ko ang anak ko saiyo, Caiden dahil pinagkakatiwalaan ka namin." sabi ni daddy. Gusto kong pamulahan dahil masyadong seryoso si daddy.
Ngumiti si Caiden at hinawakan ang braso ni daddy. "Leave it to me, tito."
Niyakap ni mommy si Caiden. "Thank you, hijo. Thank you."
Niyakap ko nang mahigpit ang mga magulang ko. "I'm gonna miss you, mom, dad. I love you po. Please take care."
"We will always call you. We always miss you, darling. Please take care of yourself." paalala sakin ng mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
Fiksi UmumLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...