Chapter Twenty Nine

2.1K 61 4
                                    

Chapter Twenty Nine

Letter









[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Sorry for not updating kaagad. Thank you for continue reading this. Malaking bagay po sakin. Maraming maraming salamat po. Ingat po palagi and God bless mga babes ❤ Saranghaeyo 💕]





***

[This is from the past po. Baka tapusin ko na po muna ang past before ako magpunta sa present. Salamat po. Enjoy 💕]







Lumabas na kaming dalawa ni Brandall sa opisina niya. "What was that?" naguguluhang tanong ko nang huminto kami sa labas ng opisina niya.




Umiling siya. "Nanunukso lang iyon. Huwag mong pansinin." sabi niya na ikinanoot pa lalo ng noo ko.




"Pinagtatawanan niyo ba kong dalawa?"




Mabilis siyang umiling. "Why did you say that?"




Sumimangot ako sa kanya. "Bigla na lang kayong dalawa na lang ang nagkaintindihan,"




"He's just messing around," sabi niya. "Pagpasensyhan mo na ang gagong iyon."




Sumimangot pa ko lalo sa kanya. Tumawa siya at pinisil ang baba ko. "Ihahatid na kita sa parking. Magkita na lang tayo mamaya."




Tumango ako.




Hinawakan niya ko sa braso ko. "I'm sorry. May meeting kasi ako ngayon hanggang gabi. You can stay in my office... nagkataon lang na ayokong makasama mo ang lalaking iyon."




Napalabi ako sa kanya. "He's your cousin."




"Kahit na. Babaero iyon." sabi niya na ikinataas ng kilay ko.




"At ikaw hindi?" I tilted my head on the right to see his face more.




"Hindi kita paglalaruan," sabi niya na seryoso ang mga mata na nakatingin sakin.




Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Umirap ako sa kanya. "Tss. Uuwi na lang muna ako," sabi ko sa kanya.




He chuckled softly. Bumaba ang kamay niya sa baywang ko.




Lumapit kami sa cubicle ni Aya. "I'll be back..." sabi niya kay Aya.




Kumaway ako kay Aya at ngumiti. "Bye, Aya! I'll see you again."




Ngumiti si Aya sakin. "Ingat po."




Ngumiti ako sa kanya. Naglakad na kami ni Brandall sa may lift. "I really like your secretary. Kaya siguro grabe ka makangiti sa kanya,"




Tumaas ang kilay niya sakin. "What?"




Umiwas ako ng tingin. Nang nasa lift na kami ay nagsalita siya. "Anong ibig mong sabihin?"




"You smiled to her." I pointed out. Wala naman talagang kaso sakin iyon dahil kilala ko si Aya. She looks very professional.




"I smiled to everyone." he said matter of factly.




Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Not the smile you gave us."




"What smile?"




"So genuine..."




Tumawa siya. Hinapit niya ko sa baywang ko. Hinalikan niya ko ng marahan sa mga labi ko. "I don't kiss her."




One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon