Chapter Thirty Three
Painting
***
Tulad nang naging plano naming magkakaibigan ay nagkita-kita kami sa The Fall. Agad nila kong niyakap at binati nang makalapit ako sa lamesa namin.
"Congratulations, babe! We are proud of you!"
Napangiti ako sa mga kaibigan ko. Niyakap ko sila ng mahigpit. "Salamat girls. I love you..."
Humalakhak sila.
“Let’s party! At dahil tapos ka na sa mga unang designs mo… ihahanap ka na naming ng bago mong pagkakaabalahan.”
Natawa ako sa sinabi ni Luisa. “Pupunta si Caiden kaya pass muna ako,” sabi ko sa kanila.
Sabay sabay silang ngumisi sakin. “Pupunta si boyfie huh?”
Umirap ako sa kanila. Alam nilang close ako kay Caiden at dahil nga close kami ini-issue ako ng mga kaibigan ko kay Caid total pareho naman daw kaming single.
“Alam mo kung kaya ko lang talagang akitin si Caiden. Inakit ko na.”
Natawa kami kay Carla. “Tse! May CEO ka na nga eh. Akin na lang si Caid.” sabi naman ni Luisa. “Kung ayaw mo, Lucila, bigay mo na lang sakin.”
Natawa ako sa kanila. “Walang panahon sa love life iyon kaya huwag niyo nang asahan si Caiden.” sabi ko sa kanila.
Tumawa sila sa sinabi ko. “Sus! Madamot! Gusto mo lang siyang i-keep eh.” sabi ni Luisa.
“Anong i-keep? Ayaw ngang magpaakit nun!” natatawang sabi ko.
Nagtawanan sila. “Haplos haplusin mo kasi….”
I cringed at Luisa kaya mas lalo siyang tumawa.
“I cannot imagine myself being romantic with Caiden…” sabi ko sa kanila. “Boyriend material si Caiden pero para na kaming magkapatid.”
“Parang magkapatid? Sus! Baka mamaya magulat na lang kami kayo pa ang ikakasal!”
Nagtawanan kami sa sinabi ni Denise. Alam nilang tatlo na talagang magkaibigan lang kami ni Caiden. Na hindi lalagpas doon ang relasyon namin kahit gaano pa kami ka-close ni Caiden. Para kasi talaga sakin, si Caiden ang lalaking ayaw mong mawalan ng parte sa buhay mo.
He is my best friend. Kaya hindi ko gustong mawala sakin si Caiden.
Sagot ko ang inumin namin ngayong gabi kaya naman nagpakasaya kami sa pag-inom. Kahit wala akong plano maglasing ay malakas ang loob ko na uminom dahil darating si Caiden. Nagtext siya sakin na hahabol siya.
And true enough, dumating siya.
“Caiden!”
Tumayo ako para yakapin siya. Nahihinto siya kanina sa mga table na may mga nakakakilala sa kanya. Muntik pa kong matumba kung hindi lang niya maagap na nahawakan ang baywang ko.
“Ilan na ang nainom mo?”
Sumimangot ako sa kanya dahil iyan ayan na naman siya sa pagiging tatay ko. “Kadarating mo lang sinusungitan mo na ko. Hindi kaya kita tatay.”
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Billionaire (Billionaire Series #2)
General FictionLucila Anika Sandoval. Babaeng mahal na mahal si Lucian Griffin simula pagkabata pa lang. She fell in love with her guy best friend na kaibigan lang ang turing sa kanya. Until she met Brandall Nicolai Dela Torre. Isang bilyonaryo. Isang gabi... A...