Chapter 73: Buntis Ako

756 30 17
                                    

Sana magcomment kayo at magvote.

***********************

T.A.N.G.A. by: myscarletletters

Chapter 73: Buntis Ako

THIRD PERSON’S POV

“saan mo ba kami dadalhin?!” naiiritang sabi ni Cath habang tinitignan si Lily.

“sa impyerno. Sama ka?” maanghang na utas ni Lily.

Naunang naglakad si Lily at sa likuran nya sina Cath at Kyle.

Matutuwa ka talaga sa sorpresang gagawin ko Cath and this will ruin your marriage. Sabi ni Lily sa isipan nya.

Seryoso si Kyle at kitang kita sa mukha nya ang kaba. Si Cath ay ramdam na nya ang pagkakahilo. Hindi nya alam bakit nahihilo sya.

Nung makarating na sila sa likod ng gymnasium nagsimula ng magsalita si Lily at hinarap nya si Kyle at Cath.

“Kyle…” utas ni Lily.

“bakit? Anong gusto mong pag-usapan natin Lily?” tanong ni Kyle habang nakatingin sa mata ni Lily. Naasar na sya pero itong si Lily tatawa tawa lang na parang baliw.

“naalala mo ba yung gabing nagbreak kayo ni Cath?” aniya sabay ngiting pang demonyo.

Kinabahan si Kyle at pati si Cath isinantabi nya muna ang pananakit ng kanyang ulo at puson. Namumutla si Kyle kaya dahan dahang gumuhit sa mukha ni Lily ang isang ngiting makatindig balahibo.

“hindi mo ba naalala ang ginawa natin sa bar?” tanong nya ulit and this time kay Cath na sya nakatingin.

Hindi alam ni Cath kung ano ang gagawin nya. kung aalis ba sya o mananatili. Ayaw nyang marinig ang sasabihin ni Lily pero na papako ang paa nya dahil at the same time nacucurious sya sa ginawa ng asawa nya.

“anong kahibangan ba yang pinagsasasabi mo?!” tumaas na ang boses ni Kyle at panay pa rin ang pamumutla nya.

“oh did you forget that….” She looked at Cath again.

Nakaramdam ng kaba at bigat ng pakiramdam si Cath. Alam na nya ang sasabihin ni Lily pero gusto nyang marinig mismo ito sa bibig ni Lily at gusto rin nyang malaman ang reaksyon ng kanyang asawa.

“tangina! Spill it out!” sigaw ni Kyle na nagpaatras kay Lily.

Punong-puno ng galit ang boses ni Kyle. Ramdam ang takot at panginginig nya.

“buntis ako Kyle! At ikaw ang ama!”

Parang tumigil ang mundo ni Cath at gumuho ito. Ang mga nagbabadyang luha nya ay tumulo na. nanlalaki ang mata nya sa gulat habang nakatingin sa kay Kyle na namumutla at halatang gulat na gulat.

Naramdam rin ni Cath ang panlalambot ng kanyang tuhod.  Nanginginig ang buong katawan ni Cath at namamanhid na ito.

Ang luha nya ang ebidensyang labis syang nasaktan sa kanyang narinig.

“hindi yan totoo!!” galit na galit na sabi ni Kyle. “Mahal don’t listen to her. Hindi sya buntis.” Nakita ni Cath ang guilt sa mata ni Kyle.

“m-may n-nangyari ba sa inyo Kyle?” nanginginig na tanong ni Cath.

“tanga! Mabubuntis ba ako if walang nangyari sa amin?!” mataray na banat ni Lily.

“SHUT UP!” sigaw ni Cath na nagpatahimik sa paligid.

“Kyle may nangyari ba sa inyo. Sagotin mo ako ng walang bahid ng kasinungalingan.” Natatakot man si Cath pero ginawa nya pa rin ang lahat para maging rational ang pag-iisip. She’s trying her best to not misunderstand anything.

T.A.N.G.A. (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon