Hello everyone. ^_^ sana i-follow nyo ako sa wattpad at twitter.
and pabasa ng story ni Aria just click the external link na andyan below sa book cover.
sana basahin nyo ang iba ko pang ongoing.
i love readers.
chapter 35:
[KYLE'S POV]
Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari .palagi nalang ba ganito ang estorya ng buhay ko. At anong date ang pinagsasasabi nya. Wala naman akong naaalalang magdidate kami ah? At bat ba always misunderstanding lagi ang problema naming dalwa. hindi ko rin naman kasalanan na palagi kaming magkita ah.
Siguro galit sya dahil nakita nya kami ni Lily sa simbahan. Pero before pa nun galit na sya sa akin.
Coincidence lang naman ang pagkita namin ni Lily dun ah.
I decided to go to church para mag patulong sa panginoon na sana magkaayos na kami ni Cath.
[FLASHBACK]
Pumunta ako sa simbahan para humingi nang tulong sa panginoon. Habang pababa ako sa sasakyan ko nakita ako ni Lily.
“Kyle” tawag nya sa akin.
“hey, ikaw pala”
“magsismba ka?” tanong nya sa akin.
“ malamang nakita mo nga na andito ako sa simbahan diba? Tch”
Kainis din tong babaeng to lapit ng lapit sa akin kaya ayan pinagseselosan ni Cath kung hindi ko lang to kaibigan baka noon pa pinagsusungitan ko na to akala ba nya gusto ko ang presensya nya.
Tsk.. simula nung nagtapat sya sa akin dun sa States at panay ang sabi nya na kalimutan ko raw si Cath dahil she’s not worth the time. Kaya sobra ang galit ko sa kanya dat time nasigawan ko nga yan eh.
And look nag-ask pa sya sa akin ng dinner daw kami. Tch.
At nag I like you pa nga sya nung nagpahatid ako sa bahay. Anong problema neto di maka move-on.
As if naman magugustuhan ko sya. Isa lang ang babaeng mahal ko at si Cath lang ang nag mamay-ari ng puso ko.
Pumasok na ako sa simbahan at nakasunod sya sa likuran ko. Paano ko kaya to maliligaw parang aso sunod ng sunod sa akin.
“Kyle wait for me” tapos nyang sabihin yun pinulupot nya ang kamay nya sa braso ko.
“ialis mo nga yang kamay mo sa akin. Baka mapagkamalan tayong magjowa” I said it coldly.
Kainis kasi eh parang girlfriend ko kung makaasta. Panira. Gusto ko pa naman magdasal ng walang isturbo.
“kyle dito tayo maupo” umupo na sya sa upuan kaya sumunod na rin ako.
Habang nagmimisa naiirita talaga ako sa kanya dahil panay ang pakikipag-usap nya sa akin. Nung sa ama namin na ang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko. Ano kaya ang problema ng babaeng to na kung makahawak wagas.
Nakikipagplastikan na nga ako sa kanya at di nya pa ba na gegets na hindi ko sya gusto makasama.
BINABASA MO ANG
T.A.N.G.A. (ongoing)
Romance[BABALA: Ang kwentong ito ay may mga scenes na bastosin at makakaicounter kayo ng green words. kung hindi nyo hilig ang may ganung slice of words sa story huwag nyo itong basahin. feel free to leave. bow] READ AT YOUR OWN RISK! Si kyle isang super m...