Dahil hindi ako makatulog dahil sa thesis kaya gumawa ako ng update para maibsan ng kunti ang stress ko. Ang partner ko rin kasi nagkasakit kaya solo flight ako sa paggawa ng thesis.
Note: may mga tanong pagkatapos ng chappie na to. Mababasa nyo to mamaya. MUST READ PO. May Private chapter po to na kung saan mababasa nyo dun ang Complete na bed scene ni Cath at Kyle. pakiclick ang external link. dun nyo mababasa ang private chapter.
Sana mapaisip rin kayo.
T.A.N.G.A. by: myscarletletters
_
Chapter 68: The engagement part 4 ( Cath and Kyle)
(Cath’s POV)
Para akong tanga nakatayo lang DITO. tinitignan nila ako na pawang nagtatanong kung nasaan si Kyle. Ramdam ko ang hiya at nanlalambot ang tuhod ko. Kita sa gillid ng mata ko na nag-aalala ang mga kaibigan ko. Si mommy Lea rin halatang nagkakaproblema rin dahil wala pa si Kyle.
Ang sakit. Bat wala sya dito? Na realize ba nya na isang pagkakamali ang matali sa akin?
“we may call on again Mr. Kyle Madrigal kindly stay here beside Ms. Catherine Orianez.” Kung hindi lang siguro ako nalulungkot malamang kanina ko pa na batukan ang emcee. Para kasing sinasampal sa akin ang katotoohanang wala si Kyle every time tinatawag nya to.
Tinungo ko ang titig ko kay mama. She nod and yung tingin nya parang nagsasabing “don’t worry ako na ang bahala.”
Naglakad si mama papunta dito sa stage. She hugs me and whispered softly to my ear.
“ako na ang bahala. Meron sigurong big reason ang boyfriend mo bat late sya.”
I just give her a half hearted smile.
“Okay everyone Kyle’s currently on the way. It must be the traffic. We all know that it’s one of the reasons why people get late. Please do enjoy the night.” sabi ni mama.
Nagtawanan sila. Ewan ko kung bat natatawa sila. Or siguro ako lang talaga ang di nakakasabay kasi nasasaktan ako ngayon.
Ang bigat ng pakiramdam ko.
“are you alright?” sabi ni Sheila.
She hugs me. Alam na alam nya talaga kung may dinaramdam ako. I tried my very best to hide my expressions na nasasaktan ako pero ang babaeng to napansin pa rin.
“asan kaya ang lokong yun? Sh.t pag di yun sumipot susuntokin ko sya ulit!” bad trip na sabi ni Lucy.
“OMG! Na realize siguro ni fafa Kyle na ako talaga ang mahal nya.” Pagbibiro ni Apol.
“You’re not helping. Alam mo ba yun. Kita mong nasasaktan ang tao.” Concern na sabi ni Yohan.
He looked at me with a concern expression plastered on his face.
“Sorry.” Napahiya si Apol sa sinabi ni Yohan.
Sila kuya, Drake at daddy Robert busy sa pag-aaccommodate sa mga guest at bisita.
“halika nga usap tayo.”
Hinawakan ni Yohan ang kamay ko at lumabas kami sa botanical garden.
Di ko na pansin na dinala nya pala ako sa pavilion ng hotel. Walang tao dito at kami lang dalawa.
Tinignan ko sya. Nakatingin sya sa langit. Ang ganda ng gabing to. Ang gandang pagmasdan ng snow. Napa serene at calm ng paligid. Ang lamig lamig ng hangin. At ramdam na ramdam mo ang Christmas. Iba pala talaga pag may snow ang Christmas season kasi mafefeel mo. Kita rin sa paligid ang Christmas décor. Sa harapan nga namin may malaking Christmas tree sa entrance ng hotel with all the decorations pa, yung fountain bongga ang display. Yung mga street light my mga Christmas light na nakapalibot.
BINABASA MO ANG
T.A.N.G.A. (ongoing)
Romance[BABALA: Ang kwentong ito ay may mga scenes na bastosin at makakaicounter kayo ng green words. kung hindi nyo hilig ang may ganung slice of words sa story huwag nyo itong basahin. feel free to leave. bow] READ AT YOUR OWN RISK! Si kyle isang super m...