Kabanata 6

627 22 4
                                    


Kabanata 6

Worried

Nagitla ako sa bigla niyang paghakbang palapit sa 'kin. Nang dahil sa ginawa niya, napaataras ako at muntik nang matumba ngunit naramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking baywang. Kaagad ko ring inalis iyon, naiirita sa paraan ng paghawak niya.

"Layo, gago!" Bumilis ang paghinga ko habang nakatingin sa kaniya. At mas lalong nagpakunot sa 'king noo ay ang ngising hindi maalis-alis sa kaniyang mga labi.

"Hindi ka mabiro-"

"Chester!" Tanging iyon na lang ang naisigaw ko nang makita ang paglapat ng kamao ni Chester sa panga ni Harold.

Ang nakasalampak sa sahig na si Harold ay hindi maalis-alis ang ngisi, nagpupunas ng dugo gamit ang kaniyang palad dahil pumutok ang labi niya.

We were all catching our breath because of the sudden action of Chester.

Sa tingin ko'y miski siya, nagulat din sa ginawa niya. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakarating kaagad! At hindi rin namin napansin ang presensya niya, baka kanina pa siya.

"Uy, Ter, nagbibiruan lang kami ng pinsan mo-"

Kaagad niyang pinutol ang dapat na sasabihin ni Harold. "Wala akong tropang manyak. Tandaan mo 'yan, gago."

Nagtatagisan sila ng tingin. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Chester.

Alam kong napipikon siya sa tropa niya, miski ako! Pero wala akong magagawa kung paiiralin ko iyon dahil mas lalala lang. Baka manapak na naman 'to bigla!

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Chester. Kita ko ang panginginig noon.

Binalingan ko ng tingin si Harold na ngayon ay nagpapagpag na ng damit, nakatayo na. Nasa likod ko si Chester at hinaharangan ko ang pangangatawan niya gamit ang aking braso.

Kung iisa pa si Chester, tangina, matatangay ako!

Nagbitaw ng buntong-hininga si Harold.

Hindi hamak na mas maliit siya sa 'min kung kaya't nakatingala siya sa 'min. Wala nang dugo sa kaniyang mga labi ngunit pansin mo pa rin ang putok doon.

"Pasensiya na sa pinsan mo, ha? I-add na lang kita sa Facebook. 'Yong naka-peace sign, ha? Works at Edi Sa Puso Mo. Baka malito ka." Tinapik niya ang balikat ko bago minataan si Chester.

Hindi ko na rin alam ang ginawa ko nang mapansin ko na naman ang pagbigat ng buntong-hininga ni Chester sa ginawa ng lalaki. Basta, ang alam ko lang ay hinawakan ko ang pulso niya at hinigit siya papalabas doon bago pa kami maunahan ni Harold.

Hindi ako magaling pagdating sa pagkabisado pero sa abot ng makakaya, inalala ko kung saan kami dumaan. Iisa lang naman. Iyon ang pagkakatanda ko. At saka tatawid lang naman ng batis.

Hawak-hawak ko ang braso ni Chester sa mga minutong tinahak namin bago makarating sa may batis. Wala na 'yong mga naliligo kanina.

Sayang! Ang pogi pa naman nang isa.

Hinila ko ang laylayan ng damit ni Chester, dahilan para lingunin niya 'ko.

"Upo," utos ko sa kaniya.

Hindi ako nakarinig ng reklamo. Bagkus ay kaagad niyang sinunod 'yon. Naupo siya isa sa may malaking bato roon kung saan hindi kami mababasa ng tubig.

Nakiupo ako sa kaniyang tabi. Walang maririnig kung hindi ang pagdaloy ng tubig. Walang kaingay-ingay sa pagitan naming dalawa.

Saka ko lang napansin ang kahoy na may sign na 'Carolina Batis'. Siguro kung mas maaga kaming naglagi rito ay may magugustuhan ko pa lalo ang ginhawa rito. Kaso, halos pagabi na rin.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon