Trigger warning: Physical assault
___
Kabanata 26Strange
Napag-usapan na namin ni Chester na kapag wala siyang trabaho sa umaga ay ihahatid niya ako sa GCC. At sa uwian ko naman, depende pa kung masusundo niya ako lalo na at napapadalas na rin daw ang pagtulong niya sa palayan nila. Madalas naman na akong ginagabi kaya ang sabi niya, siya na raw ang bahalang magbalanse sa oras niya, kaya naman daw.
Ewan ko ba roon! Hindi ko talaga maintindihan kung nanliligaw na ba siya o hindi. Mayroon kasing walang pasabi, eh. Mayroon namang hihingiin ang permiso mo.
Ayaw ko namang mag-assume pero nakahahalata na rin naman ako. Mahirap siyang basahin, oo. Pero ibang-iba na ang mga aksiyon niya noong unang buwan pa lang kaming magkakilala, at kumpara sa ngayon.
Mabilis akong nawala sa iniisip ko nang mag-ring na ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Mabilis kong nilunok ang tinapay sa bunganga ko at uminom sa baso ng iced coffee bago ko sinagot ang tawag ni Chester.
[Good morning... Nasa harap ako ng Hacienda Flores.]
Tumayo na ako at mabilis na inilagay ang pinagkainan sa lababo.
Napangiti ako. "Okay. See you!"
Akala ko ay ibaba na niya ang tawag ngunit kaagad siyang nagsalita.
[Kasama ko si Beverly. Naaalala mo pa siya? 'Yong... kaibigan ko mula noong high school.]
Naitikom ko na lang ang bibig ko, hindi alam ang sasabihin hanggang sa ibinaba ko na lang ang tawag nang walang-salita.
Bakit? Wala naman siyang sinabi sa akin na isasama niya si Beverly... Balak ko pa naman sanang magkuwento sa kaniya ng kung ano-ano.
I sighed.
Bestfriends sila. At mukha namang hanggang doon lang talaga sila.
Pero labis ko namang ipinagtaka kung bakit taliwas ang nararamdaman ko noong una kong nakita kung gaano ka-close ang dalawa sa ngayon. Hindi naman ako apektado noon. Ngunit ngayon? Akala mo ay karapatan ako para maramdaman ko ito.
Ako naman ang gusto niya, hindi ba?
Kinuha ko na ang bag ko sa sofa sa may sala at inilagay ang t-square sa loob noon bago isinukbit sa balikat. Inilibot ko ang paningin ko upang masiguradong wala akong naiwang kahit ano. Wala si Lola parati kaya halos ako na lang din ang nakatira rito.
Ewan ko ba roon kung ano'ng pinagkakaabalahan! Para namang imposibleng trabaho lang? Bihira ko na lang talaga siya makita. At huli na noong nalasing ako; noong inuwi ako ni Chester sa kanila.
Baka naman may bagong lalaki si Lola Dominga? Byuda na kasi iyon! At wala naman akong pakialam kung magkaroon man ako ng bagong itatawag na lolo.
Hindi ko na naabutan pa ang asawa niya. Maaga yatang kinuha ng Diyos.
Ni-lock ko ang pinto at inilagay sa bulsa ang susi. Ibinaba ko ang jalousie bago tuluyang naglakad paalis doon.
Katulad ng nakasanayan, lilingunin lang ako nang saglit ng mga tauhan ni Lola Dominga sa sugar land plantation. Ang sabi sa akin, nasa 4, 915.75 ektarya ito. At sa dinami-rami ng mga nakikita kong farmer rito, sigurado akong ilang libo rin sila. Mga nasa anim na libo. Sigurado ako roon. Lagpas pa nga dapat sa bilang ko, eh.
Lakad. Takbo. Titigil at hihinga nang malalim. Patuloy.
Halos 30 minutes ko iyong ginagawa hanggang sa makalabas ako sa Hacienda Flores.
Mabuti na lang at maaga akong nagising! Mas mabilis pa akong kumilos kaysa sa lalakarin ko, makalabas lang sa pinanggalingan ko!
Naningkit ang mga mata ko habang nakapamaywang, hinahanap ang sasakyan ni Chester. Ilang saglit pa bago ko iyon mahanap, nasa bandang dulo!
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...