Kabanata 30
Freedom
Tinitigan ko lang ang kumakain na sina Shyler at Eion.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung alin ba ang pakikinggan ko. Naiintindihan ko ang punto ni Eion, oo. Pero magkakaiba naman silang lahat, 'di ba? Puwedeng sa iba ay nangyari iyon, pero sa akin, hindi. Depende talaga.
Ngunit malaki ang tiwala ko kay Chester. Hindi niya iyon magagawa.
"Hindi naman ako magpapamanipula."
Tanging iyon na lang ang nasabi ko. Naguluhan din kasi ako bigla. Pero hindi naman puwedeng manaig ang sinasabi ng iba dahil may sarili akong pag-iisip para magdesisyon. Iyon din naman ang sinabi ni Eion kanina.
Nagkibit-balikat si Eion. "Paano mo malalaman kung minamanipula ka kung nasa ilalim ka na ng pang-uuto?"
Kumunot-noo ako nang kaunti dahil sa narinig.
Ano ba'ng gusto niyang sabihin at palabasin?
"Hindi ko alam, Eion. Ayaw ko ng ganiyang usapan." Nginitian ko sila nang tipid. "Kain na lang tayo, puwede? Alam ko naman ang mga ginagawa ko kaya wala kayong dapat na ipag-alala."
Nag-iwas ng tingin si Eion, sabay tango. "Alright. Sorry."
Akala ko ay magiging awkward kaming tatlo matapos ang usapan kanina ngunit hindi naman kami natigil dahil lang doon. Isinantabi ko ang mga iniisip ko. Ang daming bagay ang puwedeng pag-usapan!
Inikot ko ang tinidor sa palabok at isinubo bago kinausap ang dalawa.
"Ano'ng balak n'yo? 4th-year college na tayo next year."
Shyler immediately shook her head. "Kayo lang."
Nagtagpo ang mga mata namin ni Eion.
Alam kong parehas kaming gustong makatulong ngunit hindi alam kung saan at paanong paraan. Ako, wala akong maitutulong sa mga kaibigan ko kung sa pinansiyal. Pero kung sa mental support, kaya ko naman. Hindi man ako malalapitan sa tuwing may problema ang mga kaibigan ko sa pera, kaya naman nila akong sandalan sa mga panahong pasan-pasan na nila ang mundo.
"Pero gusto mo pang mag-aral?"
Nagulat ako sa tanong ni Eion kay Shyler. Mabilis at malakas kong tinapik ang kaniyang braso. Natapon pa nang kaunti ang coke sa kaniyang damit dahil may hawak pala siyang baso.
"Malamang, gusto niya! Ano bang klaseng tanong 'yan?" May bahid ng kung anong inis ang aking boses.
Naramdaman ko ang pagpatong ng palad ni Shyler sa ibabaw ng aking kamay. Tiningnan ko iyon. Ngumiti lang siya.
"Ayaw ko naman talaga ng Archi... Hindi naman talaga ako para roon."
"Hoy, gago, ano ka ba? Ikaw nga yata palagi ang isa sa pinakamataas na grado sa plates natin! Sa 'yo pa ako nagpapaturo sa pagsukat-sukat! Akala ko talaga noong una, puro drawing lang ang Architecture. Biggest mistake and lie." Pumalatak si Eion.
Mahina naman akong natawa. "Akala ko rin."
But Shyler remained silent. She then let out a sigh.
"Kung mag-aaral man ako ulit, gusto ko, Agri na ang kukuhanin ko."
Tumango ako. "Push mo 'yan, ha! Naniniwala ako sa 'yo na maaabot mo ang pangarap mo. Ikaw pa ba?!"
"Thank you," she mouthed.
Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng mga yabag, tawanan, at sigawan patungo rito sa kubong kinauupuan naming tatlo. Akmang tatayo sana ako nang bumukas ang pinto; iniluwa noon ang dalawang batang lalaki na mukhang nasa elementarya pa lamang.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...