Kabanata 13Companion
Paulit-ulit ang pagpindot ko sa back space sa bawat salita. Mariin kong nakagat ang pang-ibaba kong labi. Nalasahan ko pa ang kaunting dugo roon. Matapos ang ilang segundong pagtatalo ng pride at isip ko, napindot ko na rin sa wakas ang 'send'.
"Ate! Ang aga-aga... Gumugulong ka pa riyan sa kutson. Alam mo namang may natutulog pa..." napapaos na sinabi ni Nadia, nakanguso, at masama ang tingin sa 'kin.
Naitikom ko na lang ang aking bibig at mabilis na lumayo sa kinaroroonan ng aking kapatid dahil iba sumpungin 'yon.
Nanlaki na lang ang aking mga mata nang makita ang incoming call mula kay Chester.
I just... saved his number the moment I woke up earlier. Napakaaga kong nagising sa hindi malamang dahilan. Pagod naman ako kagabi, bakit gano'n?
I just didn't save his number. I also... texted him. Hindi ko naman mawari kung bakit. Parang may nagtutulak sa loob ko na gawin 'yon. Siyempre, ako 'tong uto-uto, ginawa ko rin ang utos ng isip ko.
Bumuntong-hininga ako nang makalabas ako mula sa maliit naming tahanan. Tiningnan ko muna ang paligid kung may tao bang nakatingin; wala naman.
Sinagot ko na ang tawag, nanginginig ang mga kamay, at naghuhuramentado ang puso.
Pucha! Ano'ng ginawa sa 'kin ng lalaking iyon? Ang aga-aga, ganito ang puso ko!
[Hello... Good morning.]
Iyon ang kaniyang unang sinabi nang sagutin ko ang tawag. Napalunok ako nang paulit-ulit para mabawasan ang kaba na namumuo sa 'king dibdib.
I lowly chuckled. [Napatawag ka?]
Sandaling namutawi ang katahimikan mula sa kabilang linya. [Sabi mo, tawag ako kasi wala kang load,] bakas ang pagtataka sa tono ng pananalita niya.
Huh? Sinabi ko pala 'yon? Kanina?
Nakagat ko na naman ang pang-ibaba kong labi. "Oo... Kasi-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may bumusina sa kabilang linya. I pursed my lips, slowly going back in our house. Pinatay niya ang tawag. Hindi siya nagsabi. Walang paalam.
Ako ang nagluto ng tanghalian namin ni Nadia. Wala si Papa, kaya dating gawi; ako ang gagawa ng gawaing bahay. Wala naman ako masyadong ginawa bukod doon dahil ginawa yata ni Papa ang iba kaninang madaling-araw.
Hindi maalis-alis sa isipan ko kung ano'ng nangyari roon kay Chester. Tinawagan ko siya pero sabi ng bwisit kong phone, wala raw akong load para roon.
Tang inang buhay 'to. Nakaka-badtrip! Nabuhay na lang yata ako para mairita.
Ilang beses na akong nag-chat sa kaniya kanina pero ni isa ay wala man lang siyang reply. Naka-off din siya ng active status sa Facebook. At malabong mag-online ang lalaking 'yon. Hindi niya bina-base ang kaniyang buhay sa social media, e.
To: Chester
Putangina Chester
Hindi nag-send.
Nangalumbaba ako sa harap ng kapatid kong nag-aaral. Ngayon, ayaw niyang turuan ko siya. Panoorin ko na lang daw siyang mag-aral at ilalahad niya raw sa 'kin ang lahat ng natutuhan niya. Siyempre, kapatid ko 'to; pinakikinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.
"Ate Rianne, pa'no 'tong math?"
Napaawang ang aking mga labi sa naging tanong niya. Ako? Ako pa ang tinanong niya tungkol sa math? E, pinaka-hate ko nga 'yong subject na 'yon!
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...