Kabanata 18Chances
Jaryllca just recently liked my post about her birthday 2 weeks and 2 days ago.
Grabe! Ilang linggo pa ang nakalipas bago niya makita iyon! Mukhang busy na ulit siya. Ano kaya'ng pinagkakaabalahan ng babaeng 'yon? Hindi naman na siya parte ng banda. Sabagay, kailangan pa rin niyang mapanatili ang pagiging DL.
Siguro kung pagtatapatin kami no'n ni Jaryllca sa isang away, aba, back out na 'ko! Hindi ko talaga kaya 'yong talino niya. Baka hindi pa siya nagsasalita, luluhod na 'ko kaagad.
Tinitigan ko ang pictures namin ni Jaryllca na pinost ko noong birthday niya. Anim na litrato: apat na kaming dalawa lang at dalawa na kumpleto kaming apat.
Arianne Flores
June 19 at 12:02 AMHbd, Jaryllca! Stay what you are, sana magbago ka na. Mbtc. Gbu. Tc. Ily!
Comment:
Aya Villegas: Arianne wtf
Von Cuyler Ledres: Happy birthday.
Harvey Ordoñez: HELLO ALAIN 'TO HEHE HAPPY BIRTHDAY, JA!!! MWA MWA
Jaryllca Maristella: Thank you! Sayang wala ka. Nabasa ko na rin pm mo. Bakit ang sweet mo roon? Tapos dito ang gago mo hahaha
Ngayon lang siya nag-reply sa post ko. Purong kagaguhan nga ang nasa post ko pero sa message ko sa kaniya sa Messenger, naroon lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Naiintindihan ko naman ang pagiging late reply niya pero ipinagtaka ko ay ang comment ni Von na wala man lang kabuhay-buhay.
Lumitaw ang chat ni Jaryllca.
Ilang segundo pa bago ako bumalik sa tawang huwisyo dahil sa nabasa. Nasagot din kaagad ang tanong ko.
Ilang buwan na rin daw silang break ni Von! At ang sabi niya, 'wag na raw akong magtanong kay Von. 'Wag ko raw sabihan ng kung ano-ano.
Napangiwi naman ako dahil doon.
Ayaw kong usisain si Jaryllca dahil kapag gusto naman niya ay magsasabi siya. Si Von... Ano'ng ginawa no'n kay Jaryllca? Kaya pala... Kaya pala ang tamlay tingnan. Matapos ko siyang ireto?
Nag-angat ako ng tingin kay Lola Dominga.
"Hindi ba talaga makauuwi sina Papa at Nadia, Lola?"
Nilingon ako ni Lola Dominga'ng pansamantalang tumigil sa pagseselpon para lingunin ako. Pinanlakihan niya ako ng mga mata, sabay baling kay Chester na nakahalukipkip sa may office table niya.
Ngayon ko na lang ulit nakitang nagtatrabaho si Chester. O sadyang hindi ko lang napapansin.
"Hindi raw. Ikaw, baka mapilit mo. Hindi ka ba masayang kasama mo ang Lola mo ngayon?"
Napatungo na lang ako sa tanong ni Lola.
Bakit? Kung sasabihin ko bang hindi ako masaya, pauuwiin niya ba ako? Hindi naman, 'di ba?
"Birthday na birthday mo, nakasimangot ka," dagdag pa ni Lola Dominga.
Alangan! Birthday ko, hindi kasama 'yong mga dati ko pang kaibigan. Wala si Nadia. Si Papa, wala rin. Paano naman 'yong mga dati kong nasanayan? Paano naman 'yong pansarili kong kagustuhan?
"Kumusta ang kolehiyo? 3rd-year ka na, Arianne. Nagtitino ka naman na? Pinagbigyan kita, ha." Tinaasan niya ako ng isang kilay.
Napanguso lang ako kahit na ang totoo, gusto ko nang sumagot. Palagi naman siyang ganiyan! Sila ni Papa! Palagi nilang pinararamdam na hindi sapat iyong kaya ko dahil gusto nilang higitan ko pa. Pero ano'ng gusto nilang mangyari sa 'kin? Hanggang doon lang kaya ko, e. Iyon lang ang kaya ko.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
DragosteSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...