Kabanata 35Risks
"Kapag nakalabas ka, wala kang sasagutin na mga tanong galing sa mga tauhan ko kung sakali. Kapag pinilit ka, na sa tingin ko naman ay hindi nila gagawin, ang sabihin mo ay maghintay sila sa paglubog ng araw."
Tumango ako't walang-salitang iniangat ang hoodie sa aking ulo na para bang may krimen akong nagawa kung makapagtago. At bago ko pa man tuluyang maihakbang ang mga paa ko, naramdaman ko ang mga bisig na pumalibot sa aking mga balikat.
"Tatakbuhan o tataguan ko lang ang lahat ng mga 'to..." Binitiwan na ako ni Lola Dominga.
Nang makalabas ako, ang ulo ko ay nakayuko lamang at ang mga kamay ko ay nakasilid sa bulsa ng hoodie. Ang mga paa ko naman ay nag-uunahan sa paghakbang, 'wag lang makasabay at mahintuan ang kahit na sino mang tao.
Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga nabasa ko noong unang linggo ng Enero. Hindi naman bago sa akin ang kaalaman na 'yon ngunit tila sampal sa akin ang mga nakalagay roon. Isang hampas ng alon ng katotohanan ng realidad ang tumama sa pagkatao ko.
"Justice for the victims of Hacienda Flores Massacre! Ang mga Carvajal at Flores ay matagal nang dapat nabubulok sa kulungan!"
Habang palayo ako nang palayo mula sa tahanan kanina, palakas naman nang palakas ang sigawan at tila nagmamakaawang boses ng mga tao. Hinagpis, paghahanap ng hustisya, pagkamuhi, at pighati ang mga nasa likod ng kanilang mga anino.
Ingungudngod ko talaga ang sarili ko sa paghahanap ng reliable sources ukol sa likod ng Hacienda Flores Massacre; ang mga Carvajal at Flores. Awtomatikong sangkot pa rin ang mga ito sa politika.
Hindi naman kasi maaari na opinyon ko lamang ang basehan sa politika lalo na't dapat ito'y nakabase sa katotohanan.
Ang mga mata ko lang yata ang kita ng mga tao sa paligid dahil nakaangat ang hoodie ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng hoodie at dinial ang numero ni Chester. Kaagad niya rin naman itong sinagot.
[Napatawag ka?] tanong niya.
May narinig akong busina sa linya niya kaya naman sa tingin ko ay nasa biyahe siya.
Napairap ako sa isip-isip ko. "Kailangan ba ng rason para tawagan ka? Hindi ba puwedeng na-miss ka lang? Nasaan ka ba?" Hindi ko na siya pinagsalita pa.
[Papunta sa inyo...]
Napaangat ako ng isang kilay at napalinga-linga. Wala namang kumakausap at bumabangga sa akin kaya kampante na ako kahit papaano sa paglalakad. 'Yon nga lang, hindi ko naman maalis-alis ang kaba sa namumuo sa dibdib ko.
"Totoo ba? Ngayon lang sana kakapal ang mukha ko para sana magpasundo sa 'yo! Kailangan ko lang talaga!"
Mahina siyang natawa. [Naaalala lang ako noong may kailangan... Medyo masakit.]
Mas binilisan ko ang paglalakad ko, nakangiti't nakayuko. "Aangal ka ba kung magpapasundo ako?"
[Pupunta ako nang walang-alinlangan. Dalian mo na, baka kapag dating ko sa tapat ng Hacienda ay wala ka pa rin. Malapit na ako. Love you.]
Hindi na ako nakasagot pa at isinilid na lang ang cellphone sa bulsa dahil ibinaba niya rin naman kaagad ang tawag.
Hindi man lang binuo ang 'I love you'?! Mahirap bang bigkasin ang letter i?!
Lakad-takbo ang ginawa ko dahil naalala ko ang huling sinabi niya. Ayaw ko namang maghintay siya kaya naman nagmadali na ako.
Maong shorts at black hoodie lamang ang suot ko na terno naman ng black flip flops. Ang buhok ko naman ay naka-messy bun dahil hindi na ako nakapag-ayos pa nang mabuti kahit pa na alam ko naman sa sarili ko na gusto kong kitain si Chester. Mabuti rin at hindi ko naiwan ang salamin ko.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...