Kabanata 33

437 18 1
                                    


Kabanata 33

Flex

I couldn't hide my smile when we were finally at our house; because if I would do it, my teeth were showing.

"Masyadong mabulaklak ang mga salita mo kanina, Chester, ha. Tinatangay ako masyado." Umiling-iling ako.

"Totoo naman lahat ng 'yon, Rianne. It's up to the both of us if you'll trust me. Basta ako, you have my words." Nginitian niya ako.

"Ate! Ate!"

Napalingon ako sa kaliwa ko nang marinig ko ang sigaw ng kapatid kong galing sa labas. Magulo ang kaniyang buhok, at nakasuot siya ng daster.

"I miss you, Ate Ri!" masigla niyang salubong sa akin, nakayakap sa aking balikat. "Ate, tumangkad ako! Matatangkaran din kita!"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa wakas, nasa harap ko na ang kapatid ko. Sa halip na magsalita ay paulit-ulit kong hinalikan ang kaniyang noo.

"Kumusta ang Nadi ni Ate?" malambing kong tanong nang magkalayo kami.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay kumaripas siya ng takbo patungong kusina. Nilingon ko saglit si Chester na nakangising nanonood sa akin bago ako muling nagbaling ng tingin sa kapatid kong mabilis ding nakabalik sa sala.

Inilapag niya ang timpladong juice sa maliit na mesa sa harap namin pati na rin ang dalawang baso. Mukhang katitimpla lang din halos.

"Okay naman ako sa acads, Ate! I'm doing good like you!" Nginitian niya ako. "Sinusubukan kong hanapin 'yong sarili ko sa ibang bagay. 'Yong pag-drawing, gano'n. Ang galing mo kasi talaga, Ate. Promise!" Nag-cross my heart sign pa siya.

Nilingon ko si Chester. "Doing good like me raw, eh, hindi hamak na mas masipag at matalino 'yan sa 'kin," bulong ko sa kaniya, medyo natatawa.

Bumutiki siya. "Shh... Magkaiba kayo." Ininguso niya ang kapatid ko, sinesenyasan ako na harapin ko si Nadia.

Nilingon at nginitian ko ang kapatid ko. "Padayon lang! Alam kong may mararating ka sa bawat daanang nilalakaran mo. Mahahanap mo rin ang sarili mo, okay? Basta, 'wag kang matatakot na sumubok at bumagsak."

Ganoon naman talaga ang buhay, hindi ba?

Iniabot niya ang tig-isang baso sa 'min ni Chester na siyang tinanggap naman namin kaagad. Lumapad ang ngiti niya at hindi na sumagot pa. Nakiupo siya sa tabi namin panandalian, nakatingin lang sa amin. Maya-maya lang ay tumayo na rin.

Sumimsim ako sa hawak kong baso. "Napa'no ka?"

Umiling siya at hinawi ang buhok na humaharang sa kaniyang mukha. "Usap muna kayo, Ate. Sa kuwarto muna ako. Katukin n'yo lang ako kung may kailangan kayo sa 'kin, o kung may iuutos man."

Sa isip-isip ko'y nakangiti ako sa kaniya noong nasa harap ko pa siya. Niyukuan niya kami parehas ni Chester, tanda ng paggalang bago niya kami tuluyang tinalikuran.

Tahimik kong sinalinan ng juice ang baso ni Chester, nag-iisip. Alam kong nagmamasid lang siya sa kilos ko.

Unti-unti na ring umuunlad at nagbabago ang pag-iisip ni Nadia. At bilang isang kapatid, bilang isang nakatatanda at nag-iisang kapatid niya, wala akong ibang maramdaman kundi ang kagustuhan kong ipagmalaki na napalaki siya nang maayos at tama.

"Ilang taon na ulit ang kapatid mo?" tanong ni Chester na nakapagpabalik sa akin sa realidad.

"14... Next year pa ang birthday niya," sagot ko naman.

"Mhm." Tumango lang siya, mukhang may iniisip. "Ba't mag-isa lang ang kapatid mo rito?"

Napakunot-noo rin ako sa naging tanong niya, napaisip din.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon