Note: I haven't proofread this chapter yet.
___Kabanata 49
Harsh
I did not know that silence could be comforting as it could be. Revolving world. That was what I was always feeling when I'm with him.
"That's it?" I asked.
"That's it... And I thought of Chance. He would not grow up in good hands if he was with my parents. He would rebel, I bet." He smiled a little. "When I had the chance to take an opportunity, I included him with my plans. Because in every decision I make, he's part of it automatically."
"The things we do for our family talaga, ano?" Mahina akong natawa, idinadaan na lang sa ganoon upang hindi maluha. "Madaling-madali ka kanina, ah... Saan pala ang punta mo pagtapos mo ako maihatid?"
Although I already asked that, I still wanted to be sure.
"Photoshoot, last photoshoot with my loveteam. And... closure."
Nagkasalubong ang mga kilay ko. "Closure? Kanino?"
"Hershey. Iyong ka-loveteam ko."
Hindi maalis-alis ang tingin ko sa kaniya. "Nagka-something sa inyo?"
"No. Mula umpisa pa lang ng trabaho namin, kinlaro ko na sa kaniya na hindi ko siya gusto. Na trabaho lang. Kailanman ay hindi ako nagbigay ng mixed signals sa kaniya. O baka naman... nilagyan niya ng meaning ang mga aksiyon kong bare minimum lang naman," kibit-balikat niya.
"Siya ba 'yong nasa cafe last time?" Bigla na lang iyon pumasok sa isip ko kaya natanong ko.
Tanging pagtango lamang ang isinagot niya. Matapos noon ay wala nang nagsalita sa amin. Miski ako ay wala nang maitanong dahil halos lahat, nasagot niya naman na.
Sa gitna ng biyahe ay napalingon ako kay Chester nang tumikhim siya.
"Ike. You know him?"
Umiling ako. "Sino 'yon?"
Hindi na ako nakatanggap pa ng sagot sa kaniya. Hindi ko na rin iyon binusisi pa sa kaniya.
Pitong taon. Ni minsan ay hindi ako sumubok na pumasok pa ulit sa relasyon. Magagawa ko pa ba iyon? Maipapasa ko lamang sa iba ang bigat na dala-dala ko... Ni hindi pa ako naghihilom noon kaya hindi talaga maaari.
May mga sumubok, ngunit walang nagtagumpay. Dahil ang puso ko ay nakakandado na... At tanging siya lamang ang muling makabubukas.
Nang nasa Maynila na kami ay wala nang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung anong oras kami umalis pero tanghali na nang nakarating kami sa apartment ko. Tinuro-turo ko lamang ang daan sa kaniya dahil hindi niya alam kung saan ako nakatira.
Hawak ko na ang handle ng pinto ng kaniyang sasakyan nang nilingon ko siya. "Paano ba 'yan? Hanggang dito na lang?" Tinitigan ko siya, deretso ang tingin sa kaniyang mga mata. Ganoon din siya.
Hindi ko alam, tila dalawa ang ibig sabihin noon.
Panandalian niyang itinikom ang kaniyang bibig.
"Magkikita pa naman tayo, 'di ba?"
Tumango naman ako at napangiti sa kaniyang tanong. "Kung magkikita man, edi magkikita. I'll see you around, I guess? Makikita rin naman kita sa T.V... Kung gaganahan akong manood." Napahagikgik pa ako dahil sa huling sinabi ko.
"Ba't ba inaayon mo sa tadhana?" may bahid ng inis niyang tanong, medyo nakakunot pa ang noo.
Napaatras nang kaunti ang aking ulo. "Bakit? Wala naman nang plano, hindi ba? Para saan pa ang susunod na pagkikita natin?"
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...