Kabanata 11Needed
"Ches... Salamat ulit," habol ko sa kaniya nang akmang lalabas na siya, nakahawak sa kaniyang braso. Bumaba ang tingin niya ro'n samantalang ako naman ay pinasadahan ng tingin ang porma niya. He was wearing formal attire and I didn't even know where was he heading to. His hair was fixed, too. At ngayon, lamang ang mamahaling pabango sa damit niya.
"Para saan nga? Puro ka ganiyan, wala namang sapat na rason. Hindi naman ako manghuhula."
Napalunok ako nang mariin. Unti-unting lumuluwag ang paghawak ko sa kaniya. Paulit-ulit akong suminghap at natulala na lang sa anino niya. Hindi niya man lang hinintay ang sasabihin ko.
Madaling-araw nang umalis siya at gising pa ako. Pinilit kong makatulog. Iniisip ko ang tanging naaalalang turo ni Mama sa tuwing hindi ako makatulog. Magbilang lang daw ako nang isa hanggang isang daan na tupang tumatalon sa bakod.
"Nakatulog ka ba nang maayos?"
Tanghali na nang magising ako. At talagang epektibo ang itinuro ni Mama! Kung hindi naman para roon ay hindi ko siya maiisip. Ayaw ko nang maisip pa si Mama. Dahil ano pa ba'ng magiging epekto no'n sa 'kin? Malulunod lang ako sa sarili kong pag-iisip. Mas gugustuhin ko na lang isipin pa si Nadia.
"Sino'ng mas magulo sa 'tin ngayon?" Umayos ako ng higa at hinarap siya. Nakaupo si Chester sa dulo ng kama kung nasaan ang paa ko. Nakahubo na siya ngayon at akala mo'y bagong gising lang. "Nagte-thank you lang naman ako sa 'yo!" dagdag ko at inirapan siya. Napatitig na lang ako sa kaniya nang umangat ang gilid ng kaniyang labi dahil sa aking sinabi. Umiling-iling siya. Hindi na siya nagdadalawang-isip na ngumiti o hindi kaya'y tumawa sa harap ko!
"Chester, thank you sa... pag-alaga sa 'kin kahapon, ah?" pagbubukas ko ng pag-uusapan. Doon kami nakitulog sa kakilala niya. Hindi ko naman alam kung paano ako nakatulog nang maayos gayong dapat ay nahiya muna ako. Dahil sa alak, mas kumapal ang mukha ko!
Napangiwi naman si Chester bago sumimsim sa hawak niyang tasa. Nakaupo siya sa upuan, samantalang ako naman ay nakahiga pa rin sa foam sa sahig. "Sinukahan mo ako," mahina siyang natawa at napailing na lang.
Namilog naman kaagad ang mga mata ko, sabay takip ng unan sa mukha. Paulit-ulit ko itong hinampas sa mukha ko. Gusto ko na lang maglaho bigla na parang isang bula!
"Kung ano-ano pa'ng pinagsasabi mo kagabi. Ngayon mo pa nagawang magtakip ng unan diyan? Tanggalin mo 'yan."
Ang sungit talaga nito! Pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng yakap sa puso ko. Ngayon niyang sabihin ulit sa harap ko na hindi siya mabait!
I knew that it was a bare minimum but I couldn't help but to thank Chester. May nag-uudyok kasi sa akin na gawin 'yon. Bumuntong-hininga ako para hindi na matawa pa ulit.
"Salamat kasi hindi mo pinagsamantalahan ang kalasingan ko kagabi." Tipid ko siyang nginitian. Saglit siyang natigilan at bahagyang napatagilid ang ulo, mukhang nagtataka sa biglaan kong sinabi.
Napailing na lang ako sa isipan ko. Baka iba ang isipin niya! Hindi ko siya pinag-iisipan nang masama pero hindi ko rin maiwasang mag-isip nang ganoon dahil... lalaki pa rin siya.
Alam kong hindi iisa ang mga lalaki. Pero karamihan kasi ay ganoon.
Nilapag niya ang tasa sa lamesa sa kaniyang gilid. Katulad noon, seryoso ang mukha niya na para bang may kaaway.
"Women shouldn't thank men for doing the bare minimum. And consent is imporant. Iyon ang tama. Pero kung naa-appreciate, salamat na lang."
Dahan-dahan akong tumango sa naging pahayag niya. Parang gusto ko na lang makipag-away sa kaniya dahil may laman ang mga sinasabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/231155559-288-k602768.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...