Trigger warning: Sexual assault; child abuse
___Kabanata 16
Chains
"Ayaw ko na."
Iyon ang ika-unang salitang lumabas sa 'king bibig. Naiwang nakaawang ang aking mga labi habang pinakatitigan si Lola.
"Ayaw ko na rito."
Kunot-noo niya akong tinitigan na para bang sinusuri ang bawat sulok ng aking mukha. At sa paraan ng kaniyang pananahimik ay naghatid sa 'kin ng pagkapikon.
Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? Ilang beses ko pa bang uulitin sa kaniya para lang maintindihan niya?
"Ano ba'ng dahilan, ha?!"
Naramdaman ko na lang ang kamay ni Lola Dominga na mahigpit na hinahawakan ang panga ko. Ngumuso ang aking mga labi dahil sa biglaan niyang ginawa, naiipit.
Napapikit na lang ako. Wala akong magawa. Ayaw kong pumalag dahil baka maulit ulit. Baka sa 'kin naman mangyari...
The sun seeped deep in my skin. I began chasing my breath, even more, until I went home. Lumapat ang aking mga palad sa aking mga tuhod, nakatungo. Nagmukha akong aso na hinihingal dahil halos lumawit na ang dila ko, makahinga lang nang maayos. Tagaktak ang aking pawis na nagmumula sa noo.
Hindi naman siguro ako pagagalitan nina Papa at Mama. Si Lola, panigurado ay magagalit 'yon sa 'kin gayong hindi na naman ako natulog nang tanghali. Deretso laro kaagad sa labas. Hindi ako makatulog, eh!
Tahimik kong binuksan ang pinto na yari sa kahoy sa bahay. Tumingkayad ako papasok sa loob para hindi marinig ang ingay na ginagawa ng tsinelas. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at doon inilabas ang kaba ko.
Baka mamaya, nariyan lang pala sila at hinihintay akong makapasok para paluin!
Akala ko ay tuluyan na akong makapapasok sa kuwarto namin dahil wala ako nakitang tao sa may maliit naming sala.
Tuluyang dinagsa ng mga kabayo ang puso ko nang buksan ko ang kuwarto.
Parang may... kakaiba.
I followed my gut in the end. Humakbang ako nang isa, nangangapa sa dilim. Ang mga maliit kong kamay ay hinahanap ang bukasan ng ilaw; nagtagumpay naman ako sa huli.
Pero hindi ko alam kung matatawag bang tagumpay ang nakita ng dalawa kong mga mata.
Ang makitang... ang iyong sariling ina na nakahiga sa kama; naliligo sa sariling dugo at walang malay.
"Mama!" I screamed at the top of my lungs. Ramdam ko ang pangangatog ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako papalapit kay Mama o hindi magpapatuloy dahil sa takot.
Hindi ko alam ang gagawin ko!
"'Pa! Lola! Si Mama!"
Humagulgol na ako dahil sa halo-halo kong nararamdaman. Tinakbo ko ang pagitan namin ni Mama at mabilis siyang niyakap, hindi inalintana ang duguan niyang katawan.
Ramdam ko ang malapot na likido na tumulo sa 'kin. Halos magmukhang ako ang walang malay dahil karamihan ng dugo sa katawan ni Mama, napunta sa 'kin.
Sa tiyan nagmumula ang dugo. Para siyang... nasaksak. O sinaksak! Sinadya!
Mariin kong kinagat ang pang-ibaba kong labi at inalog-alog ang katawan ni Mama, nagbabaka sakaling buhay pa siya. Nilagay ko ang dalawa kong mga daliri sa kaniyang pulso ngunit ilang minuto ko man iyon pakiramdaman, walang nangyayari.
Patay na si Mama...
Nakarinig ako ng pagtatalo mula sa labas ng kuwarto. Sigawan na nakabibingi. Hindi ako nag-abalang balingan 'yon dahil walang makatutumbas sa nakikita ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
Roman d'amourSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...