Kabanata 43

495 18 3
                                    


Kabanata 43

Passer

Birthday na ni Jaryllca. June 14.

Hindi ko alam, pero wala na akong maramdaman nang makita ko siya sa kaarawan ng aking kaibigan. Hindi na tumitriple ang tibok ng puso ko... Hindi ko na naaalala ang lahat sa nakaraan sa tuwing nakikita ko siya... At hindi ko na rin hinahanap ang pagmamahal sa kaniyang mga mata.

At hindi lang iyon. Naroon din si Harvey! Ni isa sa dalawa ay wala akong pinansin. Bakit, at para saan pa, hindi ba? Wala na silang parte sa buhay ko.

"Ate Arianne!"

Nilingon ko si Chance na ngayon ay isang matangkad, at katamtaman ang katipunuan ng kaniyang katawan. Lumalim din ang kaniyang boses, lalo na at bata pa naman siya noong huling beses na nagkita kami.

Napakaraming tao, at laking pagtataka ko kung paano ako nahanap ng batang ito. Kung puwede lang takbuhan! Baka kung ano pa'ng itanong sa akin na hindi ko rin masasagot... O hindi kaya ay hindi pa talaga ako handang sagutin.

"Chance!" tawag ko pabalik sa kaniya sa pasigaw na paraan dahil malakas ang musika na kumakabog sa buong mansiyon.

Tumakbo siya papalapit sa akin. Nasa harapan ko na siya ngayon.

"What's up?!" Chance raised his hand.

I tapped my palm on his hand. "I'm doing fine! Ikaw ba? Grabe ang career, ha!" I chuckled, feeling a bit proud of him.

"Medyo kinikilig lang ako ngayon, tinanggap kasi ni Jaryllca 'yong regalo ko para sa kaniya. My fear disappeared!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. "Crush mo si Ja?! Bestfriend ko 'yon, uy!"

Ngumuso siya. "Age does not matter naman, 'di ba? We both are on legal age already. So... yeah."

Nagkibit-balikat ako. "'Yon ay kung papatol 'yan sa 'yo. Masyadong focus 'yan sa buhay. Sa tatlong bagay lang naman umiikot ang buhay niyan. Kain. Tulog. Trabaho." Ngumiti ako.

Mas lalo siyang ngumuso. "21-year-old lang naman ako..."

Humagikgik ako at ginulo ang kaniyang buhok na para bang siya pa rin iyong batang si Chance na nakilala at nakasama ko noon sa Gapan.

"Loko ka talaga! Wala ka bang natitipuhan sa modeling and acting industry?" tanong ko.

Mabilis siyang umiling. "Ayaw ko! Gusto ko ng non-showbiz girlfriend."

Tumango-tango ako. Bago pa man ako makapagsalita ay nanlaki na lang ang mga mata nito, nakatingin sa likuran ko. Para siyang nakakita ng multo! Dalawang beses niya munang tinapik ang aking balikat bilang pagpapaalam, nagmamadali at kinakabahan.

Ano'ng nangyari roon? Sayang naman! Nag-mature na talaga ang batang iyon. Kaso iyong kakulitan niya, nanatili!

Lumingon ako sa aking likuran upang malaman kung bakit naging ganoon ang reaksiyon ni Chance. At nang mapagtantong nakaupo sa highstool chair si Chester kung saan hindi ganoon karami ang tao ngunit matatanaw mo siya, kaagad akong nag-iwas ng tingin at tumalikod.

Kaya pala ganoon na lang din ang kaba ni Chance. Takot pa rin yata siya sa kaniyang kapatid.

Iyon na rin ang huling beses na nagkita kami ni Chester. Hindi naman na big deal sa akin. Nakauusad naman na ako, at hindi ako nagmamadali. Pero, minsan, nakasasawa ring mahalin siya. Para akong umaasa na maging buhangin ang isang bato. At ang asin, ay magiging matamis.

Pero, si Harvey... Wala naman pala ang naramdaman ko sa kaniya noon kumpara kay Chester. Para bang more than a fling, but less than lovers. Nagkita na naman kami dahil sa selebrasyon sa bagong bukas na photography exhibit ni Jaryllca.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon