Kabanata 21Mare
Nagpakawala ako ng mahinang tawa, sinusubukang tabunan ang paglalahad ko ng pagkairita kay Chester kanina.
Dapat ay hindi ko na 'yon pinakita pa sa kaniya. O sinarili ko na lang sana. Hindi kasi talaga ako sanay na magsabi sa mga tao. Masyado akong nasanay na kikimkimin ko na lang 'yong tunay kong nararamdaman. O hindi kaya ay kapag sumobra na sila, roon lang ako magsasalita.
Ano pa'ng katuturan ng pagsasabi sa tunay mong nararamdaman kung hindi ka naman maiintindihan ng mga tao?
Pero sa totoo lang, nakaramdam ako ng pagyakap sa puso ko. Dahil hindi na nakipagtalo pa si Chester. Hindi na niya ipinaglaban ang parte niya dahil alam niyang mali siya.
Siya na rin mismo ang nagsabi na ang mga tao sa paligid ko ang insensitive at hindi ako, hindi ba?
Hindi na niya 'ko muling sinuyo pa. Ayos lang, hindi naman 'yon tatalab sa 'kin. Ayaw ko rin siyang kausapin dahil baka mapagsalitaan ko lang siya ng kung ano-ano.
Mag-iisang oras na rin kaming nasa loob ng sasakyan. Wala naman kaming ibang ginagawa kung hindi ang maupo lang.
Ewan ko ba rito kay Chester kung ano'ng trip, sinundo lang ako para sa wala. Kaunti na lang at iisipin kong may gusto na siya sa akin. Gusto akong makita kaya pumunta sa Hacienda Flores!
The time tamed my heart. I could not feel the irritation arousing inside me earlier when I glanced at Chester. Maybe I just showed him the side of me whenever I get mad at someone. Or I did not like the word that left their lips.
And at least, he already knew that he would not like me when I get mad.
Balak ko na sanang kausapin ulit si Chester nang tumunog ang cellphone ko. Nagkatinginan pa muna kami bago ko napagdesisyunang kuhanin iyon mula sa aking bulsa at mabilis na tinipa ang password.
Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Aling Marie, na naging dahilan ng pag-usbong ng tuwa sa loob ko dahil panigurado, nakitawag si Nadia o hindi kaya ay si Papa.
From: Aling Marie Smart
Neng ... C nDia us2 mkitAwag,,, bz kba raw ,,, ? hEhhE
Mabilis akong nag-reply, nakangisi nang kaunti.
To: Aling Marie Smart
Ay, hello po! Hindi naman, lol
Pinindot ko ang 'send'. Wala pang ilang segundo nang mag-reply siya pabalik.
From: Aling Marie Smart
cRaulO anung lol... ulol k rin bata k...
Nasamid naman ako sa sariling laway dahil sa nabasa, dahilan para tapik-tapikin ni Chester ang likuran ko. Natatawa at nakangiti pa ako nang lingunin at hawakan ko ang kaniyang braso para pigilan dahil hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa 'kin.
"Ayos ka lang? Nakangiti ka na riyan sa kausap mo," aniya, bakas ang pag-aalala at irita sa kaniyang mga mata.
Tinikom ko ang bibig ko at mabilis na umiling.
"Selos?" biro ko. "Si Aling Marie 'to! 'Yong nagtitinda malapit sa amin, gusto raw akong makausap ni Nadia!"
Nagkadikit ang mga kilay ni Chester, mukhang nagtataka kung sino si Aling Marie dahil ngayon ko lang naman nabanggit sa kaniya ang pangalan na 'yon.
Nagkibit-balikat na lang siya at hindi na nagsalita pero nakatingin pa rin sa akin.
Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng tawag. Hindi ko pa sana sasagutin nang makita ang pangalan. Si Aling Marie pa rin iyon ngunit iba naman. 'Aling Marie Globe'.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...