Kabanata 9

570 16 0
                                    


Kabanata 9

Glimpse


Isang araw lang ang nakalipas matapos no'n ay sinabihan ako ni Chester na mag-ayos ako ng gamit ko dahil ilang araw kaming mawawala rito sa kanila. At dahil wala naman siyang eksaktong binanggit kung ilang araw, halos panglimang araw ang mga dala ko. Para sigurado.

Hindi ko alam kung nasaan kami mismo ngayon. Pero ang alam ko ay sa Rizal, Nueva Ecija na ito. Iyon kasi ang nakita ko kanina bago kami makababa ng sasakyan. 'Yong Ruptor ang gamit nina Chester ang gamit namin patungo rito. Naki-parking siya roon sa isang bahay kanina at marami'ng nakikipagkamay sa kaniya. Hindi ko naman maiwasang magtaka.

Kilala pala talaga ang mga Dela Fuente? Akala ko ay roon lang sa Gapan dahil kanila ang 28 ektarya ng palayan. Gusto ko pa siyang makilala... Pero hindi ko alam kung paano. Siguro, magkukusa rin siyang sabihin kung ano'ng nasa likod ng pangalan niya.

Alam kong malabong magsabi siya tungkol sa sarili niya. Ngunit kahit na ayaw ko man, umaasa pa rin ako. 

Si Chester na nangunguna sa harap ko ay hawak-hawak ang aking braso na para bang isang batang mawawala sa gitna ng alon ng mga tao. Kaliwa't kanan ang pagbati nila sa 'min at ganoon din ako sa kanila kahit naman na hindi ko alam kung ako ba ang binabati nila. 

Hindi ko alam kung ano'ng piyesta ang sine-celebrate nila ngayon dito. Malalaman ko rin 'yon kapag mayroon nang live band mamayang gabi dahil paniguradong nakapaskil iyon sa stage!

"Chester! Ang sama ng tingin ng iba sa 'kin!" pagmamaktol ko dahil ilang beses ko nang sinubukang tanggalin ang kamay niya sa pulso ko pero hindi talaga siya bumibitiw at mas lalo lang humihigpit sa bawat segundong dumaraan.

Muli kong sinubukang magsalita pero nang unti-unting humupa ang realisasyon sa utak ko, hindi ko na ulit binuka pa ang bibig ko. Na kahit ano man'g lakas ng boses ko ay walang tyansang marinig niya 'yon dahil sa ingay ng paligid.

Nang malampasan namin ang kumpol ng mga tao ay saka niya lang ako nilingon. Tagaktak ang pawis niya pero kahit na gano'n, hindi pa rin nabawasan ang kapogian niya. Tumaas-baba ang balikat niya dahil sa bilis ng kaniyang paghinga.

Nagbaba ako ng tingin sa shoulder bag ko at mabilis na kinapa ang loob kung mayroon ba akong dalang bimpo. Kaagad ko iyon inabot sa kaniya nang maramdaman ito. Hindi ko inaasahang may dala ako!

Tinanggap naman niya iyon at dumampi naman ang kamay niya sa palad ko. Hindi ko na lang pinansin ang kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. 

Tumingala ako at bumuntong-hininga sa hindi malamang dahilan. Ang kulay asul at kahel na kalangitan ay nadepina ang guhit-tagpuan. Ilang oras na rin ang nakalipas matapos umangat ng araw. And I guess it was the right decision to put lip and cheek tint because the heat would dissolve my makeup.

 "Magsisimula na, hayan na!"

Napalingon ako sa mga nakasuot ng dilaw na long sleeves at pajamas, nakapalibot ang kung anong crepe paper na berde sa mga baywang, at mayroon ding berdeng sumbrero sa mga ulo. Wala silang suot-suot na tsinelas. May kaniya-kaniya silang hawak na stick kung saan nakasabit ang iba't ibang kulay ng crepe paper. At ang panghuli, ang makeup sa mga mukha nila.

Dalawa sa likod ang may hawak ng dalawang flag na yari sa tela. Kulay berde at pula iyon. Sa likod nila ay may malaking kahoy kung saan may disenyo ng mga bundok, triangle banner, at ang 'Palay Festival' sa gitna. 

Napaawang na lang ang mga labi ko nang mabasa iyon. Kaya pala kami narito! Dahil dapat lang kasi isang magsasaka si Chester. At malaki ang gampanin niya. Baka siya rin ang nagre-represent ng apelyido nila.

Nilingon ko si Chester na nakatingin pala siya sa akin. Hindi siya nag-iwas ng tingin na siyang kinaangat ng kilay ko. Umangat lang ang gilid ng kaniyang labi, sabay tingin sa baba. 

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon