Trigger Warning: Victim-blaming
___Kabanata 38
Hurling
I was already done with the 3rd year of my Architecture course.
Buong summer break, nilunod ko lamang ang sarili ko sa pag-accept ng commissions. Nagsimula akong mag-open ng commision mula nang matapos ang klase. Napagdesisyunan kong gawin iyon nang may mapagtanto; ayaw ko nang iasa kay Lola Dominga ang pag-aaral ko. At talaga nga namang nasaktuhan pang ayaw niya na akong pag-aralin!
Hindi ko naman ininda iyon dahil sa totoo lang, hindi naman niya ako kargo. At mabuti na ring natutuhan ko nang tumayo nang mag-isa. Sino pa nga ba'ng aasahan ko? Sarili ko lang naman ang kasangga ko hanggang sa huli. Paano na lang kung hindi ako nag-open ng commissions? Edi nganga ako niyan? Hindi ako papasa sa scholarship. Titigil ako sa pag-aaral no'n upang makapagtrabaho muna. O hindi kaya ay maging working student.
Nag-offer rin sa akin si Chester ng trabaho na siyang tinanggap ko rin naman. Alam niya kasi ang nangyari. Sa rancho lamang ako lalagi, babantayan ang mga kabayo't manok. Hindi na mahirap! Malaki pa ang sahod! Dalawa kaming nagbabantay roon at laking gulat ko nang mapagtanto ko noon na si Shyler ang isa roon! Hindi na rin kasi kami nagkakausap ng kaibigan ko na 'yon, at wala naman siyang cellphone para sabihan ako.
Isang taon na rin pala ang nakalipas magmula noong unang beses na nagkatagpo ang aming mga mata.
"Magkano naman ang price range mo? Nakaka-curious."
Nilingon ko si Shyler na pinapakain ang mga kabayo, katatapos ko lang pakainin ang mga manok bago ako muling nagpatuloy sa paggawa ng commission.
"Depende 'yong presyo, eh. Mas maganda nga ang pasok ng kita ko ngayong buwan dahil sa mga international clients! Ang laki nilang magbigay ng bayad, mapapaisip ka na lang talaga kung bakit hindi ganoon dito sa Pilipinas. Kasi, rito, mababa na nga ang presyuhan mo, may masasabi pa rin!" Umiling-iling ako.
Napanguso si Shyler. "Gusto ko rin tuloy magbukas ng commission. Nakakatakot nga lang..."
Kunot-noo akong tumango-tango. "Oh? Go! Ano naman ang kinakatakot mo? Magaling ka naman! At para rin dalawa na ang aasahan mong pera, 'di ba?"
Nagkibit-balikat siya. "'Di ko rin alam... Natatakot akong sumubok, eh. Hindi naman ako kilala. Kayo lang ni Eion ang kaibigan ko... Paano naman ako magkakaroon ng mga kliyente, 'di ba?"
Kaagad namang umusbong ang kalungkutan sa akin.
Iyong mga tumatakbo sa isipan niya ngayon, ay parehas sa mga salitang ginulo ako sa loob ng ilang taon noon. At mahirap takbuhan... dahil kumpyansa sa sarili ang kalaban.
"Gumawa at gumawa ka lang ng art hanggang sa mahalin mo na rin ang mga ito nang buo. Hindi naman kasi tayo agad-agad mag-e-excel sa isang bagay. Paunti-unti ring may magmamahal sa mga gawa natin... We have to be ourselves number 1 supporter."
Matapos naming mag-usap na kinain lamang ng halos sampung minuto, tinapos ko lang ang artwork at nagligpit na ako ng mga kagamitan dahil nilamon na ng kadiliman ang kalangitan. Ayaw pa naman ni Chester na nagpapagabi ako rito dahil malamok at saka delikado. Parehas kami ng ayaw; sadyang kailangan ko lang unahin ang priyoridad ko. Ipapadala ko na kasi ito bukas sa LBC.
Ibinaba ko na ang kahoy bilang pang-lock sa pinto ng rancho; iba pa roon ang padlock at kadena. Masasabi kong may pagbabago rin itong business ni Chester, habang tumatagal ay palago nang palago. And I could not help but be proud of my love's progress.
Inilabas ko ang cellphone ko na galing sa bulsa ng bag ko at binuksan ang flashlight dahil madilim sa dinaraanan ko, malabo pa naman ang mga mata ko!
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...