Kabanata 12Bond
Parang katulad lang ng dati, tahimik sa bahay nang salubungin ako nang masalimuot na paligid. Ransak ang mga labahan. At kung hindi ako ang naglalaba no'n, sinusubukang tumulong ni Nadia sa 'kin. Pinipigilan ko siya pero tinuturuan ko nang tamang paraan. Dahil tulad ko, ayaw kong umasa siya sa kakayahan ng iba.
Mayroon pa naman akong natitirang mga damit dito, hindi dinala ni Papa lahat dahil mukhang tancha na niyang dito ako matutulog nang ilang araw. Ang gusto ko lang sana ngayong kauuwi ko lang ay ang magpahinga, pero iba ang sinasabi ng isip ko. Gusto kong linisin ang bahay o hindi kaya'y makipagkita kina Aya at Jaryllca katulad lang nang dati...
"Ate, paano 'to?"
O hindi kaya'y turuan sa pag-advance reading ang kapatid ko.
Kaya imbis na magpahinga, sinabihan ko muna ang kapatid ko na maglilinis muna ako ng bahay at mag-isa muna niyang turuan ang kaniyang sarili. Tinext ko rin sina Jaryllca at Aya na narito ako ngayon sa Maynila. Si Papa naman, pagkahatid sa 'min ay kaagad na dumeretso sa pamamasada.
Wala akong pinalampas sa dumi sa bawat sulok sa bahay. Matapos ko ring hugasan ang mga kubyertos ay sinalinan ko naman nang mainit na tubig. Habang sa mga labahan naman, ibinababad ko pa sa Downy.
Hapon na nang matapos ako kaya naman doon ko lang din natutukan si Nadia. Pero wala pang 30-minute ay bumabagsak na ang talukap ng kaniyang mga mata, kaya naman hinayaan ko na munang magpahinga.
"Tang ina..." bulong ko nang maalala na naisingit ko sa shorts ko ang papel na ibinigay ni Chester kanina. Baka nabasa 'yon! Naglaba pa naman ako, at hindi malabong nabasa 'yon!
Pagkapa ko, hindi nga ako nagkamali. Pagkabuklat ko naman ay nababasa pa rin. 'Yon nga lang, nagkalat ang tinta ng ballpen. Mapagtatiyagaan namang basahin lalo na't galing sa kaniya.
Kunot-noo kong binabasa ang sulat ni Chester. Hindi iyon gaano kahaba; hindi rin gaano kaikli. Sakto lang. Ngunit may laman.
09** *** ****, ayan ang number ko. Hindi ako active sa FB ko, at hindi mo rin sineen 'yong unang chat ko sa 'yo kaya mag-text na lang tayo. Baka sakaling may kailanganin ka o hindi kaya'y emergency. Hindi ka na ba talaga babalik?
Sinubukan kong hindi matawa sa kaniyang isinulat. Pero at least, nag-effort! Balak naman pala niya 'kong gawing textmate, e! Hindi niya ba kayang sabihin 'yon sa personal at talagang dito niya pa idinaan? At saka... anong 'hindi ka na ba babalik?' ang sinasabi niya riyan? Makikibalita na lang, wrong information pa!
Kinuha ko ang phone ko at kaagad na sinave ang kaniyang number, hindi ko nga lang siya tinext. Babalik din naman ako roon sa mga susunod na araw. Sa ngayon, magpapa-miss na lang muna ako.
Nahiga ako sa kutson kung saan nakahiga si Nadia. Inalis ko ang buhok na humaharang sa kaniyang mukha, kaagad namang umaliwalas ang mukha niya. Napangiti naman ako, inosente pa nga talaga ang kapatid ko... Kung puwede nga lang talagang isama siya sa Nueva Ecija ay ginawa ko na.
Chineck ko ang messages ko. Hindi pa ako nakatatanggap ng reply mula kay Jaryllca pero isang incoming call naman mula kay Aya ang nakuha ko.
[Okay, first of all, hindi kita na-miss,] bungad niya pagkasagot ko.
Napairap naman ako at napailing na lang, nakangisi. "Hindi ka ba nasabihan na ako rin, hindi?"
Aya groaned in frustration because of the answer she got. [Fine! But kailan ka pa nakauwi? Can I go there sa inyo?]
Kaagad naman akong napaisip at tipid na ngumiti. "Kaninang tanghali lang... Bukas. Puwede ka? Kasama rin si Ja kung papayag siya. May aasikasuhin lang."
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...