To the person reading this, thank you! You made it to the last chapter. This book was hard to write, but I am glad that I'm finally here. This story felt heavy yet comforting to write at the same time. Because I felt the connection with my characters.
___Trigger Warning: Suicidal Thoughts
___Kabanata 50
World
Everything fell into place. All the clueless memories I remembered before. All of the questions had been answered.
Accepting facts don't equate to accepting what happened, right?
Wala akong ibang gustong gawin sa puntong iyon kundi ang maglaho na lamang. Wala ako sa tamang huwisyo kaya naman hindi ko na alam kung saan kami papunta. Ang alam ko lamang ay nasa loob ako ng sasakyan, at umaandar ito.
Nagkaroon na ako ng maayos na trabaho. May college degree ako. Nakausad na rin ako ukol sa mga nangyari sa buhay ko. Hanggang dito na lang ba ako? Papara na ba ako?
Malayo pa, pero malayo na.
Pero bakit iisa pa rin ang tingin ko sa sarili ko? Isa lamang akong kabiguan... Isang pagkakamali ng aking mga magulang, na walang ibang pagpipilian kung hindi ang buhayin ako sa kabila ng kahirapan nila sa kanilang mga buhay.
Having a baby costs so many expenses. And it's your parents' responsibility. Children were not supposed to be their parents' retirement plan.
Family planning. They did not think of what kind of household their child would grow up in. Physically, emotionally, mentally, and financially unstable to raise a child. They all lack that. Lahat ng responsibilidad ng aking mga magulang ay ipinasa nila sa ibang tao. Ipinasa nila kay Dominga Flores. Oo, malaki ang galit ko sa kaniya. Ngunit hindi ko ipagkakaila na halos siya na ang bumuhay sa akin-sa amin dati.
At halos maging kapalit na noon ang buhay ko.
Hindi ko matanggap 'yong mga sinabi ni Papa... Paano niya nasabi na ang sarap-sarap ng buhay ko sa Nueva Ecija kung wala siya sa mga sapatos ko? Ni hindi niya nga ako magawang puntahan doon para malaman niya ang kalagayan ko!
Sa kabila ng mga pinagdaanan ko, maiisip ko pa ba sila? Matutulungan ko pa ba sila kung mismong ako ay hindi na makaahon mula sa pagkalunod?
Kasalanan ba ang maging makasarili?
Kasi kung oo... Handa akong harapin ang mga kahihinatnan ng mga ito.
"Saan tayo pupunta? Hindi ako pamilyar rito," naiiyak kong sinabi kay Chester. "Ibaba mo na ako. Ayaw kong kumausap ng tao ngayon."
Nag-iwas ako ng tingin, nakaharap na sa bintana. Tuloy-tuloy lamang ang pagpatak ng mga luha ko. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga ulap sa paningin ko.
"Sabihin mo sa akin ang tumatakbo sa isip mo..." Chester's voice broke. "Hahabulin ako ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama sa 'yo, kapag hinayaan kitang mag-isa."
Natawa ako habang umiiyak. Paulit-ulit akong umiling kasabay ng pagkagat ko sa aking mga labi. Parahas nang parahas ang pag-iling ko hanggang sa napasabunot na lang ako sa buhok ko.
"Ayaw ko na! Tangina... Ano'ng ginawa ko para maranasan 'to? G-Gusto ko na lang matulog... Iyong tipong wala nang gising?" Tuluyan na akong napahagulgol.
"I-I was sexually assaulted by three men when I was still a child. I-Isa sa kanila ang Papa mo, C-Chester..." Humikbi ako. "B-But before all of that... my mother died. S-She was killed by my grandmother. N-Nakita ng mga mata ko... N-Nakahiga siya s-sa kama... W-Wala nang m-malay at... n-naliligo sa sarili niyang... dugo."
![](https://img.wattpad.com/cover/231155559-288-k602768.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...