Kabanata 47
OddHindi ko alam kung paano ako naging kalmado sa mga susunod na nangyari. Iyong patay na pag-asa sa aking loob ay biglang diniligan ni Chester.
Parang kanina lang, galit na galit ako nang malaman ko ang ibinalita sa akin ng tauhan ko. Ang mga mukha nila ay hindi na maipinta, tapos bigla ko silang kauusapin sa isang masiglang tono?
"Magpapadagdag ho ba ng life guard?" tanong ni Omar.
Napanguso ako dahil doon. Nilingon ko si Chester na magkakrus ang mga braso sa aking tabi, nakatingin sa paligid. Kinalabit ko siya para makuha ang kaniyang atensiyon.
"Oh?" tanong niya nang humarap siya sa akin.
"Ano sa tingin mo?" Napakagat-labi ako matapos noon.
Natawa siya nang mahina. "Bakit opinyon ko ang hinihingi mo? Pero, sige... Hindi naman masamang ideya 'yong pagdaragdag ng life guard, kung ano'ng mas ikabubuti ng kalagayan ng mga tao."
Napairap na lang ako bago harapin ang mga tauhan kong nakaupo sa harapan namin. Iyong unang pagkita nila sa akin kanina ay tila kinakabahan sila, ngunit nang mapagtanto nilang nag-iba ang timpla ko kumpara sa phone call, naipinta naman kaagad ang kanilang mga hitsura, mga nakangiti pa noong sinalubong kaming dalawa ni Chester.
Baka naman kaya napangiti ang mga ito ay dahil sa kasama ko at hindi sa akin? Mga traydor!
"Paano ba nalunod? On hands naman kayo palagi, ha." Minataan ko ang mga life guards ng Ahon. "At kahapon lang hindi?"
"Ma'am, ilang beses na ho naming tinawag at pinuntahan. Noong huli, akala namin ay wala na roon, iyon pala ay nalulunod na!"
Umiling-iling ako. "Kaya nga dapat ay sinisigurado ninyo, 'di ba?" Pumaywang ako't nasapo ang noo.
Sabay-sabay silang tumango, hindi nag-abalang sumagot.
"Bawat pool, may life guard, hindi ba? Saang area ang hindi kaya nang isa lang?" Sinusubukan kong huminahon.
"S-Sa main."
Madali akong kausap. Matapos ng pag-uusap namin ng mga staffs ko ay pinabalik ko na sila sa kani-kanilang mga area. Nag-post din ako sa page ng Ahon na hiring kami ng isang life guard, at nakalagay na roon ang requirements na kailangan nilang dalhin.
Kasama ko ngayon si Chester sa office rito sa Ahon, iyong para sa akin. May aircon kaya sigurado akong hindi naiinitan si Chester.
"Baka hanggang mamayang gabi pa ako. May gagawin ka ba?" tanong ko habang nagtitingin ng mga message sa page, nakaupo sa swivel chair. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, kaharap ko lang siya.
Tumango siya. "Daraan lang siguro ako sa bahay."
"Wow... Umuuwi ka pa pala roon?" Hindi ko na napigilan ang pagkabigla.
"Hindi. Matagal nang hindi," mahina niyang sinabi.
Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa biglaang pagkatulala niya. Pumikit-pikit muna siya bago bumalik sa tamang ulirat. Sa huli, kumunot-noo siya.
"Puwede mo ba 'kong samahan?" biglaan niyang tanong.
Napakagat-labi ako, pinag-iisipan ang tamang sagot.
Sa mansiyon iyon ng mga Dela Fuente... Paano kung ma-trigger ako dahil maaalala ko ang dahilan kung bakit ako nagpakonsulta? Madaraanan at makikita ko ang lugar na 'yon. Lalong-lalo na ang bakanteng lote.
"Ah, shit... 'Wag na pala, Arianne." Sapilitan siyang ngumiti. "Hintayin mo na lang pala ako rito, puwede?"
"Yeah, sure. Mas mabuti nga kung ganoon."
![](https://img.wattpad.com/cover/231155559-288-k602768.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...