Kabanata 42Eyes
Wow... He was this far already?
Napakurap-kurap ako, sinusubukang iproseso sa aking isipan ang nabasa. Sinubukan ko pang i-refresh ang feed niya ngunit iyon pa rin ang lumalabas. At habang tumatakbo ang oras, parami rin nang parami ang reacts sa profile picture niya.
Topless siya sa kaniyang profile at nakasuot ito ng khaki shorts. Plain beige background. Nakatingin siya sa kaliwang gawi habang ang dalawa niyang palad ay magkapatong, nasa ere, sa harap ng kaniyang dibdib. He looked more mature now, but he was still the same person I had loved since then.
Nagtungo ako sa comment section. Hindi ko iyon binasa isa-isa ngunit iisa lamang ang pinupunto ng mga ito.
'Look at his tatts, guys! Ang hot, kainis.'
'Ang wish ko sa susunod kong buhay ay maging isang tattoo ink."
'Ano po'ng meaning niyan? 'Di ko gets, pero ang ganda!"
Bumalik ako sa pagtingin sa kaniyang profile. Ngayon ko lang napansin ang tattoo niya sa may bandang dibdib dahil sa comment section. Wala siyang tattoo noong nagkakilala kami, kaya alam kong bago lang ito.
'trés saint'.
Nang mabasa ko iyon ay nagtungo kaagad ako sa Google para i-translate sa English. Very holy. Iyon daw ang ibig sabihin no'n.
"Fan ka rin niya?"
Nagulantang ako sa nagsalita sa gilid ko. Nakitingin na pala sa akin 'yong kasama ko rito sa kuwarto!
Kaagad kong pinatay ang cellphone ko. Kunot-noo akong umiling.
Tinusok-tusok ni Gem ang tagiliran ko. "'Wag kang mag-alala! Crush ko rin kaya 'yan!"
Mahina lang akong natawa, sabay iling. "'Di ko siya bet."
Apat na taon. Apat na taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng 'yon... At tapos na rin ako sa training years na dalawang taon ko ring pinagpaguran.
Ubos na ubos na ako... Hindi ko alam kung dapat na ba akong pumara dahil baka naliligaw na pala ako, o magpatuloy pa rin dahil kahit papaano, may nag-uudyok sa akin na magpatuloy; na malapit na ako sa aking paroroonan.
Kaunting tiwala lang, Arianne. Malapit-lapit ka na sa pangarap mo.
"May bago raw ba sa menu?"
Nilingon ko ang katrabaho kong si Edrian, bago lang. Nakasuot siya ng hair net at itim na apron tulad ng akin. Hindi pa tapos ang shift ko dahil hanggang umaga ako. Pinakiusapan ko kasi ang manager ko noon na baka puwedeng ilipat ako sa madaling-araw dahil hanggang gabi ang training ko. Titingnan ko pa kung papayag ba siya na malipat ako sa hapon, hanggang gabi.
"Uhm... 'Yong pares, 'di ba?" naguguluhan kong tanong dahil alam niya naman 'yon.
Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Gano'n ba?" Sapilitan siyang ngumiti, at bumalik na sa customer. Nang makabalik siya sa akin ay iniabot niya ang isang maliit na papel kung saan nakalagay ang order. Nagpasalamat ako sa kaniya.
'2 beef pares with rice'.
Mabilis akong kumilos at sinunod ang nasabing order. Kumuha ako ng dalawang plato at nilagyan ng tig-isang cup ng kanin, at naglagay na rin ako ng pares at sabaw sa mga mangkok. May isang table sa labas kung saan nakalagay ang isang lagayan ng mineral water, baso, at kutsara at tinidor kaya hindi ako kumuha no'n dahil self-service ito.
Lumabas na ako upang i-serve ang order. Tinuro sa akin ni Edrian ang table kung saan ko ito dapat i-serve. Kahit papaano ay mas marami ang mga taong kumakain kumpara nitong mga nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...