Kabanata 24Flare
Lumingon ako sa tabi ko nang may sumitsit sa akin. Nag-angat ako ng kilay nang mapagtantong si Eion 'yon, mukhang nanghihingi ng sagot.
"Test 5, number 9," he mouthed.
Luminga-linga ako upang masiguradong walang nakatingin. Umikot ang mga mata ko nang pasimple kong sinagot ang tanong niya sa akin.
Mabuti na lang at nag-aral ako kahit papaano! Hindi naman ako katalinuhan pero sana pasado. Kung hindi, lagot ako kay Lola Dominga. Mas takot pa akong malaman niya ang grado ko kaysa kay Papa.
Malapit na rin palang matapos ang 1st semester namin. Prelims namin noong Septyembre, at ngayong bago matapos ang buwan ng Oktubre, midterms naman. Sa Disyembre, malamang ay finals na. Patayan na naman.
Kunot-noo kong tiningnan nang buo ang bawat pahina ng exam ko sa History of Art & Architecture.
May mga blangko; iyon ang mga sagot hindi ko na maalala pa. Wala naman akong notes at inaasa ko lang sa stock knowledge ko. 'Yon nga lang, out of stock. Last minute na rin kasi nang manghiram ako ng notes kay Shyler.
Halos dadalawa lang yata ang exam namin at ang ibang natirang subjects ko ay puro output na. Puro plates na. Hindi naman ako nagrereklamo sa bagay na 'yon, mas gusto ko pa nga kung tutuusin. Hindi ko lang maiwasan magtaka kung para saan ba ang Undas break namin. Para sa paghahabol ng plates o para ipagdasal ang mga namayapang kaluluwa?
Nasa sa akin din naman kung gagawin ko kaagad. Palagi naman akong natatambakan ng plates lalo na't kapag natapos mo ang isa, may panibago na naman. Walang paawat lang?!
4th-year college na rin pala ako next year. Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiya ngunit tila bakit pakiramdam ko, gusto kong mag-shift sa engineering? Hindi 'yon puwede!
Malapit na talaga ang huling dalawang taon ko sa kolehiyo. Malapit-lapit na rin ang thesis at internship o apprenticeship ko.
Mas pipiliin ko naman ang apprenticeship kahit mas matagal. Kaysa sa internship, walang naka-attach na instructions sa classroom. Parang hindi ko yata kaya no'n. Kailangan ko pa ng gabay; hindi ko pa kaya nang mag-isa.
Tumayo ako at lumapit sa instructor, dala-dala na ang bag. Naglakad na ako patungo sa daan palabas. Bago pa tuluyang makaapak ang mga paa ko sa labas ng pinto, nilingon ko si Shyler na mukhang matatapos na at si Eion na mukhang nauurat na.
Nang makalabas na ako ay kakaunti lang ang nakikita kong mga tao sa pasilyo. Ngunit tanaw ko naman ang karamihan sa kabilang department, mukhang nagsasaya na dahil tapos na sa midterms.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa labas upang hintayin ang dalawa.
Mukhang halos isang linggo ko rin hindi makikita ang pagmumukha nila. Wala naman akong ibang gagawin sa mga susunod na araw kundi ang paglaanan ng oras ang mga padagdag nang padagdag na plates at kung mayroon pang ibang pagpipilian, ang magpahinga.
Inilabas ko ang phone ko upang mag-reply kay Aya. Napangiti naman ako nang mapagtantong hindi naman pala nila ako nakalilimutan. Sadyang may kaniya-kaniya lang talaga kaming buhay at kapag may oras para kumustahin, gagawin naman nila.
Sana nasa mabuting lagay sila at masaya. Kahit 'yon lang. Kahit ang kapalit no'n ay ang paghiwalay ko sa kanila.
Conyo girl: Hey, I miss you na
Nagkadikit ang dalawa kong kilay nang mabasa ang chat ni Aya, nakangiwi, sinusubukang alamin kung siya ba talaga ang kausap ko.
Parang siya na hindi. Ewan! Wala talagang katamis-tamis sa katawan ang babaeng 'yon! Pero 'yong chat niya, tunog conyo, eh.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...