Note: I don't need stereotyping in soft girls here.
___Kabanata 7
Forced
"Arianne, bumangon ka na riyan at tanghali na!"
Pagkadilat ko ng mga mata ko, hindi ko maintindihan kung bakit narito si Lola Dominga sa kuwarto ko, nakatayo sa harap ng cabinet at parang naghahalungkat. Nasisinagan ng araw ang buong katawan ko dahil katapat ng kama ang malaking bintana. Pinaglayo pala ni Lola ang kurtina!
Napakamot na lang ako sa ulo ko, ngayon ay nakaupo na. Umagang-umaga ay nakabusangot ang mukha ko!
Tiningnan ko naman ang pinto sa gilid ko. Kaagad kong tinanggal ang kumot sa aking binti nang mapagtantong nakabukas ang pinto, kaya naman pala mainit!
Nakakainis! Hindi ba ako puwedeng magkaroon ng privacy rito? Mabuti kung nasa Maynila ako, talagang walang privacy dahil iisa lang ang kuwarto namin doon.
Napanguso na lang ako. Nakaka-miss sina Papa at Nadia, ang nakababata kong kapatid. Sana lang ay natututukan 'yon ni Papa sa pag-aaral ngayong wala na ako roon. Ayaw kasing ipasama sa 'kin ang batang 'yon at magkukukulit lang daw rito!
"Jusmiyo, Arianne, hindi ka pa babangon diyan?!"
"Lola, kanina pa po ako gising!" sambit ko pagkalingon niya sa 'kin. Para namang nag-uusok ang ilong niya habang nakatingin sa 'kin.
Ang aga pa lang. Parang si Papa lang. May dagdag na dalawang oras kapag ginigising. Sasabihin, alas dies na nang umaga, iyon pala, alas siete lang naman pala!
Napaungol ako bago napakagat sa pang-ibabang labi. My tantrums wouldn't work on her. Baka kung ano pa ang marinig ko kung sakali man.
"Kumilos ka na at tumulong ka roon! Kanina ka pa hinihintay, hindi ka ba nahihiya?!"
My lips became protruded when I stared at her. Wala akong nabasang pagbibiro roon, dahilan para mapatayo ako nang tuwid. Dumeretso ako sa banyo at kaagad na naghimalos at nagsipilyo. Iniayos ko rin ang aking buhok at ginawang messy bun. Naglagay rin ako nang kaunting lip tint sa 'king labi.
Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha naman na 'kong presentable pero halata mong bagong gising.
Nagpalit ako ng pang-itaas at ginawang oversized white t-shirt. Masyadong maikli ang suot ko kanina at sa tingin ko'y hindi iyon komportable kung tutulong ako sa baba.
Pagkalabas ko pa lang ng kuwarto ko, kalalabas pa lang din ni Chance na mukhang napilitang bumangon. Nang magbaling siya ng tingin sa 'kin ay ngumiti siya nang labas ang mga ngipin. Sa isang iglap ay nabuhayan siya.
"Ate Arianne! Ngayon na lang ulit kita nakita!" Tumakbo siya patungo sa harap ko at nakipag-apir sa 'kin. Hindi na maalis-alis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi tulad kanina, parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Ikaw rin! Nagpapakita naman ako, ah? Ikaw ang wala rito... Nasa arawan ka parati!" I giggled.
Napanguso siya, sabay hawak sa kaniyang batok. Namilog naman ang mga mata niya nang makita ang Nanay niyang paakyat sa hagdan sa bandang kaliwa ko.
Mrs. Dela Fuente looked haggard. Tagaktak ang pawis niya sa mukha. Hindi ako nilingon nito.
Mahina na lang akong natawa sa iniisip ko nang nawala na sila sa paningin ko. Kaagad akong sumunod sa kanila. Nang makababa ako, halos naging speaker na rin ako sa lakas ng kalabog dahil sa tugtog.
Dinaanan ako ng isang katulong. At iyong iba, nanatili naman ang mga atensyon nila sa ginagawa.
My nose wrinkled when I saw the housemaids cleaning every part of Dela Fuente's mansion. Hindi ko naman alam kung bakit ganito at ano'ng ganap ngayong araw. Hindi ganito ang madalas kong naaabutan sa umaga. Sa katunayan, ngayon lang 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/231155559-288-k602768.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...