Kabanata 8

551 16 3
                                    


Kabanata 8

Feelings

Dali-dali kong niligpit ang mga lapis at sketch pad ko sa ibabaw ng kahoy na lamesa, sabay tayo nang matanaw si Chester na mukhang sa labas din magtatrabaho. Katulad ng nakasanayan, hawak niya ang laptop niya't tasa naman sa kabilang kamay. Nakasuot lang siya ng grey sweatpants at white sando.

Nagkasalubong kami, parehas kaming walang kibo. Hindi ko siya nilingon, na ipinagpasalamat ko naman kaagad dahil hindi siya namansin. Kinuha ko ang tyansang 'yon at binagalan ang lakad dahil kampante na 'kong magtatrabaho na siya. Pero laking gulat ko nang nakarinig ako ng mabibilis na yabag patungo sa 'kin.

My mouth dropped open. And I immediately closed it when he held my arm, making me face him. Parehas kaming mabilis ang paghinga at kunot-noong nakatingin sa isa't isa. Lumipas ang ilang segundo bago ko sinubukang tanggalin ang braso ko mula sa kamay niyang magaspang at malaki. Pero katulad ng inaasahan, hindi ako nakawala.

Mas lalong humigpit ang hawak niya. At mukhang hindi siya nakikipagbiruan dahil ngayon ko lang nakita ang inis sa kaniyang mga mata. 

Show me more of your emotions, Chester! I want to know you more!

"Iniiwasan mo ba 'ko? Mag-iisang linggo ka nang ganiyan. May nagawa ba ako? Sabihin mo, Arianne..." halos mapaos siya sa huli niyang sinabi.

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Hinayaan ko siyang ilahad ang saloobin niya. And I really do find it cute, knowing that he was already showing his emotions. Unti-unti ko na ring nababasa ang mga mata niya.

Ako muna si Elsa pansamantala! Pahiram muna ng ugali mo, Chester!

Umiling ako, nang-aasar. Umangat ang gilid ng aking labi. "Kung iniiwasan kita, ano naman sa 'yo? Why does it affect you, Chester?"

Natigilan naman siya sa naging tanong ko. Umangat ang noo niya. Unti-unting lumuluwag ang paghawak niya sa 'kin. Napaayos siya ng tayo pagkatapos. 

"Hindi ako sanay," agap niya.

"Masanay ka," saad ko at mabilis na naglakad paakyat sa hagdan at kaagad na pinindot ang doorknob. Napaupo ako sa sahig at ginawang pangharang ang sarili sa pinto kahit naman naka-lock iyon. Naninigurado lang!

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang sinabi ni Lola, halos isang linggo na ang nakalipas. Sa bawat pagkakataon na nakikita ko si Chester, nilalason ako ng konsensya. Paulit-ulit sa utak ko ang naging usapan namin ni Lola na parang isang sirang plaka. At hindi ko rin maiwasang isipin... para akong nanggamit ng tao.

Oo, pumayag ako sa gusto ni Lola. Pero napilitan lang naman ako! Dahil kapag humindi ako sa kagustuhan niya, baka may sinapit ako noong araw na 'yon. But I just have to forget about that. Sa loob ba ng buong Summer ay masusunod ko ang gusto niya?

Hindi rin yata nag-iisip nang mabuti si Lola, eh. Aalis din naman ako pagkasapit ng May o June. Basta bago magpasukan, dahil sa Manila pa rin ako mag-aaral. Iyon ang usapan.

Nawala ako sa iniisip ko nang umilaw ang phone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Tumayo ako't dali-daling tinakbo ang pagitan. It was a notification from Facebook. And to my surprise, Chester just accepted me! Ngayon pa talaga niyang naisipang gawin gayong nakokonsensya ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya.

Inaasahan ko, pero hindi ako nagulat nang mag-chat siya. Parehas kaming nasa convo dahil tumitibok ang sign ng video call. Hinayaan ko lang iyon. Magre-reply pa lang sana ako sa kaniya nang makita sa screen ang pagtawag ni Mavi.

Nag-aalinlangan man, sinagot ko rin ang tawag niya. Crush ko naman siya, kaya sige. Pero dalawa silang crush ko. Okay na rin, parehas namang guwapo. Kaso kung sakali mang pangit ang ugali... Atras!

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon