Kabanata 4
Sketch
Hawak ng kanang kamay ko ang lapis na nagsisilbing pang-drawing habang nakapatong naman ang sketch pad sa binti.
Hindi ko alam kung sino'ng ginuguhit ko. Basta, sketch lang nang sketch ng itsura ng lalaki. Tinitigan ko ang gawa ko. It seems better than last time I drew.
Wala ako sa mood kaya hindi ko 'yon natapos. Sa huli, natulala na lang ako sa lapis ko at napabuntong-hininga.
Maya-maya lang, napaangat ako ng tingin nang may nakitang pares ng paa sa harap ko. Si Chester lang pala! The muscles strain against his light yellow shirt at the forearms, biceps, and chest. It was paired with grey sweatpants. His hand was in his pockets, too.
Katulad ng nakasanayan, hawak niya ang isang tasa ng kape. Sa halos isang linggo kong pamamalagi rito, nakasanayan ko na ang makita siya sa kahit anong oras na nagkakape.
Parang nagsisilbi na nga niyang tubig 'yon! Ako, hindi ako gaano nakararami lalo na't acidic ako... Pero sa softdrinks, hindi naman gaano, hindi tulad sa kape. At saka, too much caffeine isn't healthy, lalo na at nagpa-palpitate pa ako.
Kaagad kong binaliktad ang sketch pad ko para hindi niya makita ang lama no'n. As if naman may paki siya! Ayaw ko lang talagang ipakita. Mamaya ay sabihin na naman niyang boyfriend ko ang idino-drawing ko. At isisi na naman sa mga 'kabataan'.
Binalingan ko siya ng tingin. Nagkadikit naman ang mga kilay niya, mukhang nagtataka kung bakit ko ginawa 'yon.
"You're actually good at drawing... Bakit ka nahihiya?" tanong niya, ngayon ay nakaupo na sa upuan sa kabilang banda ng wooden table.
Kumpara sa kaniya, sa wooden bench siya nakaupo. Samantalang ako, nasa hanging chair.
Napaayos ako sa pagkakaupo. "Haha! Eme nga lang 'yan! Pero thanks?" patanong na sagot sa kaniya.
Tumikhim ako, sabay tingin sa kaniya. "Arki student ako, 3rd-year na sa pasukan," sabi ko kahit hindi niya tinatanong.
Tumango-tango siya at ibinaba ang tasa. He sat at the other hanging chair. Humalukipkip siya bago muling nagsalita.
"That's interesting."
Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya nang sambitin niya 'yon. Medyo sanay na rin ako sa gano'ng pakikitungo niya, hindi talaga siya palakibo. Hindi rin palangiti. Though he smirked at me once... pero hindi na 'yon nasundan pa.
Napangisi ako sa naging sagot niya.
Interesting pala, huh?
"Ikaw, ah! Interesado ka pala sa 'kin, hindi mo naman sinabi!" I giggled by myself, the side of my lips was still up.
"Ano na naman ang pinagsasabi mo?" he seems stressed whispering it. "'Your course is interesting. Iyon ang ibig kong sabihin, Arianne."
Napairap na lang ako sa narinig.
"Ako pa rin 'yon, 'no. Ano ka ba, Chester, ako lang 'to!" I teased more.
Umiling ako bago muling kinuha ang lapis para magpatuloy sa ginagawa.
"Ang galing mong mag-drawing."
Nag-angat ako ng tingin. Deretso lang siyang nakatingin sa sketch pad ko. Tila nalilibang siya roon.
Nang mapansin niyang natigil ako ay kaagad ding umangat ang mga mata niya sa akin.
"May magawa lang nga ako." Ipinagkibit-balikat ko ang sinabi ko.
It was the truth! It was just a random sketch out of boredom. Maybe a non-artist finds my sketches fantastic when the truth is, I'm just playing around.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
Storie d'amoreSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...