Kabanata 17

489 16 0
                                    


Kabanata 17

Confusion


Dahil sa mga naalala ko noong nakaraan, para akong nakagapos ulit. Muling bumalik sa akin ang katawan ni Mama na nababalutan ng dugo. Ang kaniyang dugo na nahahaluan ng luha ko.

Nakaka-miss si Mama. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas na loob na alamin ang lahat ng nangyari. Hindi ko kaya. Kasi sa tuwing susubukan kong tanungin, hinihila ako ng lubid pabalik. Paulit-ulit 'yon nangyayari hanggang sa hindi ko na ito nagawa.

Ni hindi ko na nga maalala pa ang boses ni Mama. Iyon ang masaklap.

Tiningnan ko ang repleksyon ko mula sa salamin. Hindi naman ako malanta tingnan. Pero malalaman mo ang tunay kong nararamdman kapag tinitigan mo ang mga mata ko. 

Nakasuot lang ako ng yellow chiffon tank top habang ang buhok ko naman ay hinahayaan ko lang sa 'king balikat. Naglagay rin ako ng light makeup sa mukha ko ngayon para kahit papaano ay magkaroon naman ng kulay ang mukha ko.

"Matagal na 'yon," pagpapagaan ko sa sarili ko.

Napabuntong-hininga ako nang akmang lalabas, nakahawak ang kamay sa doorknob at ipipihit na sana.

Hindi kami nagkakausap ni Chester. Ako, hindi ko naman siya iniiwasan. Hindi rin ako galit. Pero nagulat at nairita lang ako sa pagsigaw niya sa 'kin noong nakaraan. Iyon kasi ang pinakaayaw ko sa lahat.

Unang hakbang pagkabukas ko ng pinto, nawala kaagad ang kaba sa 'king puso. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong walang tao roon miski isa. Bitbit ang phone, nagpatuloy ako sa paglalakad.

Tahimik ang isang deretsong pasilyo. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Para bang may sariling buhay ang mga paa kong papunta na sa may rooftop. Sa bawat yabag ko inilalabas ang bigat sa loob ko.

Kahit ilang taon man ang lumipas, narito pa rin iyon sa akin. May mga sugat na kailanman ay hindi nahihilom ng oras. Nananatili. At panghabangbuhay mo nang dala-dala.

Lilingunin pero hindi babalikan. Ngunit paano kung sa tuwing pumipikit ako at naaalala ko ang madilim kong nakaraan, mas nagiging malinaw ang lahat?

I wasn't playing with the cards of heart, but why did I have to hurt like this? Why did I have to go through that? Of all the sinful people, why did they have to do that to an innocent kid who just wanted to play and learn about the things I wasn't familiar with?

Why me?

If we are rich, will we be able to meet the justice we all deserved?

"Tang ina talaga," idinaan ko na lang sa pagmumura ang bigat na aking nadarama.

Tuluyan na akong nakaakyat sa itaas kung saan walang tao. Payapa katulad noong unang beses kong naiapak ang aking mga paa rito. Niyakap ng malamig at malakas na hangin ang aking katawan na para bang ipinararamdam sa 'kin na hindi ako nag-iisa. Na may kasama ako sa kalungkutan ko ngayon.

Minsan, hihilain ka na lang talaga ng mga nangyari sa nakaraan. But what's in the past should stay there. 

May liwanag pa mula sa mga ulap ngunit hindi na katulad noong summer dahil Hunyo na ngayon.

Bagsak ang mga balikat, dahan-dahan kong isinara ang pinto. Tahimik lang din ang mga yabag ko na para bang may makaririnig sa 'kin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, nakayakap sa sarili habang naglilibot ang mga mata.

Napaayos ako sa tayo nang may sumagi sa mga mata ko. Paulit-ulit akong kumurap nang makita ang lalaking nakasuot ng black jeans at walang pang-itaas. Nakasandal ang kaniyang mga braso sa railings, nakatalikod mula sa akin. Tumataas-baba ang kaniyang likod dahil sa mga mabibigat na buntong-hiningang pinakakawalan niya.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon