Kabanata 5Companion
Halos dalawang linggo na ako rito at buryong-buryo na ako. Kasisimula pa lang ng Abril at katulad noong nakaraan, hindi pa rin kami gaanong nag-uusap ni Chester.
Siguro mas maraming beses kaming nakapag-usap noon. 'Di tulad ngayon, madalas kaming hindi nagtatagpo. Sa tuwing umaga at kakain ako, wala siya sa office table niya. At kapag gabi naman, hindi ko alam dahil hindi ako bumababa.
Baka abala siya sa trabaho. Iyon lang ang naiisip kong dahilan. I have no contact with him. Hindi naman kami nagkahingian ng number noong araw na kinausap kami ni Lola Dominga. At saka... para saan naman?
Pero... siya lang naman ang maari kong kausapin dito. Hindi ako pinapayagan ni Lola Dominga na lumabas kung hindi si Chester ang kasama ko. It sounded unfair, though! Wala naman sa kaniya ang mga paa ko. Kainis!
Madaling-araw na at ngayon pa lang ako kakain. Buong araw akong hindi kumain. Kapag hahatiran ako ng pagkain ay sinasabi ko na busog pa ako, kahit ang totoo nama'y wala pang laman ang sikmura ko.
Pagkababa ko ay patay na ang mga ilaw kaya naman ginamit ko na lang ang flashlight ng phone ko. I bit my lower lip and tried to walk with no noise.
Dumeretso ako sa hapag-kainan. Walang naroon. Nagpakawala ako nang mabigat na buntong-hininga dahil sa kaginhawaan nang makaupo ako sa high stool chair sa tabi ng lamesa.
Binuksan ko ang takip ng kaldero at tiningnan kung mayroon pa bang laman. Kaunti na lang iyon at mukhang hindi pa ako mabubusog.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Kakain pa ba ako o maghihintay na lang ako hanggang sa mag-umaga para paniguradong may pagkain na?
Pinalibot ko ang aking paa sa stool na aking inuupuan habang pinag-iisipan ang gagawin. At habang lumilipas ang mga segundo, ramdam ko ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko.
Matulog na lang kaya ako?
Pero kasi... hindi ako makatutulog hangga't walang laman ang tiyan ko. Nakakapangsisi pala na hindi kumain. Ano'ng magagawa ko? Unstable ang mental health ko kaya wala rin akong gana sa mga bagay-bagay, miski sa pagkain.
Nakarinig ako ng tunog ng tsinelas papalapit sa kung nasaan ako. Napakagat na lang ako sa pang-ibaba kong labi.
Hindi ako puwedeng makita ng kahit na sino!
Tumingin ako sa paligid, iniisip kung saan ako maaaring magtago. Paulit-ulit ang pagkalabog ng aking puso sa dibdib ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko!
Sa sobrang taranta ko ay hindi ko naalala na nakapalibot ang mga paa ko sa high stool chair nang tatakbo sana ako nang mabilisan, dahilan para naunang bumagsak ang noo ko sa sahig, kasunod ng aking katawan.
"Ahh! Puta naman!" pasigaw na ungol ko nang bumagsak ako. Naramdaman ko ang pagtinis ng aking pandinig, habang ang paningin ko ay unti-unting nanlalabo.
Nakarinig naman ako ng mabilis na takbo papunta sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng uunahin ko. Iindahin ko ba ang sakit, o kaagad na tumayo para hindi ako maabutan ng papunta sa akin.
Fuck... My forehead was aching so badly.
Nakakainis! Hindi naman ako lampa. Sadyang nataranta lang talaga ako! Takot talaga ako kay Lola, kahit noon pa man.
"Bumalik na kayo sa tulog n'yo, ako na'ng bahala! Walang makaalam nito, naiintindihan n'yo ba?" bakas ang awtoridad sa kaniyang boses. Hindi naman ganoon ang nakasanayan kong pananalita niya, pero alam ko na agad kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...