Kabanata 3

1K 30 5
                                    

Kabanata 3

Comfort

I just let the wind blew my hair. Pinanonood ko ang mga magsasaka na magtanim ng palay habang ang magkapatid nama'y titig din doon.

Kunot-noo akong napahalukipkip nang makitang naghubad ng pang-itaas si Chester. His lean body muscle goes beyond toned muscle structure and verges into defined. His biceps flexed when he crossed his arms as if it was already a big thing that made them bend. My eyes went to his abdomen and that's when I found out that there were 6 pack abs, too!

Dali-dali akong nag-iwas ng tingin bago mariing pumikit.

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Pagdilat ko, nasa tabi ko na si Chance. Sumisingkit-singkit ang mga mata niya babang nakatingin sa akin. Nagtataka man, parang may hula na ako kung bakit gano'n ang reaksyon niya.

Napahagikgik si Chance. "Laway mo."

"Ano na naman?" Tumawa ako. "Alam ko 'yang iniisip mo..." Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Makulit nga talaga ang batang si Chance. At kung hindi ako nagkakamali, spoiled din.

Kaagad namang nanlaki ang mga mata niya, namimilog ang mga labi, sabay wiksi ng kamay bilang pagtanggi.

"Hala! Hindi, ah!" depensa niya sa sarili niya.

"Wala pa nga akong sinasabi!" Napasinghal ako.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Chester. Medyo napakunot ang noo ko nang makita ang ginagawa niya.

Nagtatanim siya ng mga palay!

Mukhang bihasa na siya sa ganoong gawain at sa mga gawaing-bukid. Sa tingin ko rin ay maraming taon na rin niyang ginagawa iyon.

Ang layo ng kulay ni Chance sa kaniya. Kaya hindi naman malabong nabilad sa araw si Chester gayong magsasaka rin naman pala siya. Si Chance, fair skin. Si Chester, dark skin.

Moreno, hmm.

Parang kasabayan niya nga ang ibang magsasaka. Iyong sa tingin kong mga beterano. Wala, gano'n talaga, nasa karanasan ang pagtatrabaho at wala sa edad.

Muli na namang kumunot ang noo ni Chester nang lingunin ko ang direksyon niya. Pero ngayon, sa tingin ko'y dahil iyon sa sinag ng araw na tumatama sa kanila.

Ang isang kamay niya ay hawak ang maraming palay, habang ang isa nama'y pansuksok sa lupa. Tagaktak na ang pawis niya ngayon. Nag-angat siya ng tingin sa direksyon ko. His stares didn't last for seconds because he immediately looked at his co-farmers.

Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. Sa bawat pagtanim niya ng palay sa lupa ay may kasamang diin. 'Yong totoo? Sama ng loob yata ang tinatanim niya at hindi palay!

I giggled by myself before playing with my hands.

Ang boring. Akala ko ay sasamahan niya kaming maglibot ni Chance?

Pero, okay na rin naman dito, 'no! Refreshing ang bawat hampas ng hangin sa mukha ko. Parang may galit pa nga sa paghampas. At saka... mainit, pero nasa may lilim naman kami sa ilalim ng mga puno. Katabi ko si Chance ngayon, mukhang buryo na rin. Siyempre, tanaw lang namin sila Chester.

Sa isang iglap ay nasa harap ko na ito.

Shuta! Isa pa talaga at iisipin kong may talent siyang mag-teleport! Nag-isip lang naman ako ng kung ano, narito na siya kaagad sa harap ko!

Pinagtaasan ko siya ng kilay kahit na may kung anong kabang namumuo sa dibdib ko. Inayos ko ang takas ng buhok ko sa likod ng aking tainga, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon