Kabanata 10

562 17 0
                                    


Kabanata 10

Sway

Hanggang sa maggabi ay nasa akin pa rin lahat ng sinabi niya. Hindi maalis. Hindi madaling pawiin nang basta-basta. Pero dapat ay inaasahan ko na ang sinagot niya, 'di ba? Ano pa ba'ng aasahan ko na isasagot niya?

Madilim ang paligid kung wala ang ilaw na nagmumula sa buwan. Pero higit pa roon, mayroon namang puting Christmas lights na nakapaligid sa amin. Malamig ang simoy ng hangin na dumidikit sa 'ming mga balat. Sa ilalim ng mga puno, may lamesa't upuan na okyupado ng mga pamilya at mga magkasintahan. Hindi tulad kanina, mas kaunti na lang ang tao ngayon.

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa at kumuha ng video para i-IG story sana kapag uwi. Nang panoorin ko ang video, nasama roon si Chester. At nakatingin pa siya sa gawi ko!

Nilapag ko 'yon at walang emosyon siyang tiningnan. Ganoon din siya sa 'kin. Para kaming yelo na naghihintay matunaw ang isa't isa. Walang nagsasalita. Tanging ang kantang 'Can't Help Falling in Love' at bulungan lang ng mga tao ang maririnig.

Bumuntong-hininga ako at umiling. 

Hindi ko naman alam kung bakit ko ginawa 'yon. Parang nagkusa ang ulo ko para sa nararamdaman kong pagkadismaya sa narinig kanina. But why was I too disappointed? I shouldn't care, though. It wasn't kind of a big deal at all.

I suddenly stiffened when I felt Chester's palm on my hand. He was gently rubbing it on mine. No one bothered to talk. It was just our eyes staring at each other that were communicating, which made me shiver from the corners of its frigid. 

Hindi ako nag-atubiling alisin ang tingin ko. Ngunit maya-maya lang ay sabay kaming napaayos sa upo nang may marinig kaming kumpol ng magtotropa na nagtatawanan. Grupo iyon ng mga kalalakihan at mga nakasuot lang ito ng pambahay. Mukhang mga nasa kinse-anyos.

"Bakit narito si Chance?!" halos pasigaw na bulong ni Chester. 

Tumayo siya at kaagad ko namang sinundan. Ang mabilis niyang lakad ay naging kapalit ng limang malalaking hakbang para sa 'kin. Sa tangkad niya ba naman kumpara sa 'kin, hindi na ako magtataka pa.

Tumigil kami sa harap ng mga lalaki. Isa-isa ko silang tiningnan at ang una kong napansin ay ang batang kaedaran ni Chance na nakaakbay sa kaniya. May katangkaran ang lalaki at kaagad naman itong nagpunas ng ilong dahil tumulo ang kaniyang sipon!

Kaagad silang nagtawanan. Si Chance naman ay napanguso dahil sa kaingayan. Padarag niyang inalis ang braso ng kaibigan niya na nakaakbay sa kaniya. Kinalabit siya ng isa niyang kaibigan, sabay nguso sa direksyon namin. Kunot-noo siyang humarap sa 'min na kalaunan ay biglang nawala sa pagkunot, at nanlaki na lang bigla ang mga mata, nakaawang ang mga labi.

"Si Kuya Chester! Takbo!"

Iyon na lang ang narinig namin. Alam kong napalingon sa 'min ang iba dahil sa lakas ng boses ni Chance.

Jusko, ang batang 'yon, ang sakit sa ulo! Gabi na, paano sila nakarating dito?

Akmang hahabulin ko sila kahit pa nakasuot ako ng dress nang mabilis na hinawakan ni Chester ang aking braso. Nilingon ko siya at inalis 'yon nang mabasa ko ang pagkairita't pagkabalisa sa mukha niya.

"'Wag ka nang sumunod." Tumalikod siya at kaagad na kinuha ang de-keypad niyang cellphone. 

Sinundan ko siya pero hindi ako nanguna sa paglalakad.

"Bakit n'yo pa kasi sinama? Delikado..." Saglit siyang natigil. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero dahil hindi naman siya gaano nalalayo sa kinauupuan ko, naririnig ko pa rin ang mga pinagsasabi niya. 

Nakabalik na kami sa puwesto namin kanina at prente na 'kong nakaupo ngayon. 

Dahil sa mga pinagsasabi niya ay parang bigla akong nabalisa. 

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon