Trigger Warning: Sexual Assault; Physical Assault
___Kabanata 40
Imprisoned
Gabi na nang magising ako. Pagkauwing-pagkauwi ko kasi ay dumeretso kaagad ako sa kuwarto ko at humiga sa kama. Hindi ko alam kung ilang minuto ang ginugol ko sa pag-iyak bago ako tuluyang nakatulog dahil sa nadaramang pagod sa panloob at sa buong katawan ko.
Tila nangangapa ako sa kung ano'ng dapat sunod kong gagawin. Hindi naman ako bagong silang, pero bakit parang nakalimutan ko ang lahat kung papaano gawin ang isang bagay?
Kinuha ko ang laptop sa gilid ko at binuksan. Ito iyong galing kay Chester, 'yong regalo niya.
I was attempted to open my Twitter account but I stopped myself to refrain from absorbing another negativity, which I was not sure if I could handle. I could not stand getting hatred from people I do not know... They really are too quick to judge, aren't they?
I went to my Gmail and check all the inboxes. At first, I didn't find anything related to my passion and was about to close the tab, but then I saw an e-mail that was sent from someone I do not know. My brows knitted and my lips parted as I read the mail.
'Greetings!
I am Johanna Tirazona, one of your clients. If you could still remember me, I am your client from Canada, and I have received your charcoal portrait a few days ago. The transaction was smooth and you really are very accomodating. The quality of your work was very nice, I am speechless, indeed. But what bothers me is that, why is your name circling around Twitter? I have seen tweets about you, saying that you are a scammer where in fact, you are the best artist I've commissioned. I hope you are going to clean your name! Do not let them destroy you, Miss Arianne. I know you will suppress the noise with your voice. Thank you for exerting the time to read this mail! Do not mind me, I am just fangirling.'
Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maging reaksyon sa nabasa. Halo-halo kasi.
Una sa lahat, masaya ako na natuwa siya sa kagandahan ng obra maestra ko. Pero hindi ko magawang magbunyi sa kabila ng nangyayari sa akin... idagdag mo pa iyong sinasabi niyang kalat ang pangalan ko sa Twitter? At ang gusto niya pang gawin ay linisin ko ang pangalan ko?
Gusto ko, pero... wala akong lakas ng loob. Hindi naman puwedeng panghinaan na lang ako palagi, lalo na at pangalan ko iyon. Paano na lang kung sa future, kung sakali mang magiging successful ako, ay maalala nito ang pangalan kong nasira noon?
Kaya naman sa huli, sa kabila ng mga nanginginig kong kamay, sinara ko ang laptop at kinuha ang cellphone ko. Mabilis kong binuksan ang Twitter. At ni hindi ko pa man nakikita ang nasa new tweets, kaagad na kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makitang sabog ang notifications at direct messages ko.
I bit my lower lip as I stopped myself from crying when I opened the notifications.
#CancelRiart @aintloved
'Bring my money back, miss riart!'
Unang tweet pa lang na nabasa ko patungkol sa akin ay kaagad na akong nalunod sa pagtataka. Umurong ang kanina pang nagbabadyang luha dahil sa nabasa.
Anong pera ang ang pinagsasabi nitong putang 'to? Wala naman akong nakuhang pera sa kanila! Hindi ako nagpapa-payment first! Lahat ng mga tinanggap ko, kapag halfway na ng ginagawa ko ang commissioned artwork, saka lang ako nagpapabayad! Ano'ng pinagsasabi nito?
Hulaan mo @manokkaba
'Putak nang putak, wala naman palang nanakaw na pera sa inyo??? Ayos lang kayo??? In-accept lang 'yong commissions n'yo pero wala namang nakuhang pera sa inyo! Gigil n'yo 'ko ang aga-aga!!!'
BINABASA MO ANG
Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)
RomanceSaudade Series #2 How can you win if you won't play along with the game of heart? Would you take the chance, and risk just to have no regrets? Chances. Risks. Regrets. Since then, Arianne Flores instilled in her mind that in every chance, you should...