Kabanata 27

440 12 1
                                    


Kabanata 27

Saccharine

I woke up with a strange feeling in my head inside, and even outside, too. It was like a rock kept on tapping it.

Hindi ko pa iminumulat ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid.

Alam kong wala ako sa kuwarto ko. Sigurado ako dahil iba ang amoy. Hindi ko kaamoy, miski ng pabango ko. 

"Wala talaga akong alam, pare. Kahit ipa-rewind pa natin ang cctv sa canteen ng school namin." Bumuntong-hininga ang lalaki.

Hindi tumugon ang kausap ng lalaking nagsalita.

Naramdaman ko na lang ang isang kamay sa akin. At pamilyar ang mga daliri ko roon. Para bang nakahanap ako ng ginhawa dahil doon.

Naging isang manipis na linya ang aking mga labi dahil kumirot ang ulo ko nang gumalaw ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata.

Bumungad sa akin ang puting kisame na naging dahilan ng kaunting pagsingkit ko sa aking mga mata dahil nakasisilaw iyon para sa akin. Hinayaan kong maging komportable ang mga mata ko sa paligid hanggang sa unti-unti na itong nasanay.

Inangat ko ang aking kamay upang malaman ang nasa ulo ko. 

Head bandage pala 'yon.

Sinubukan kong umupo sa hospital bed na hinihigaan ko ngunit dalawang pares ng kamay ang naramdaman ko sa aking mga braso, pinipigilan ako.

"'Wag muna kung hindi pa kaya." Boses 'yon ni Mavi kaya nagtaka naman ako.

Bakit narito 'yon? Ano'ng mapapala niya sa akin?

"A-Ano'ng nararamdaman mo?"

Nag-angat ako sa lalaking nasa harapan ko. Tinitigan ko ang kaniyang mga matang halos magmukha nang kulay itim dahil sa kayumanggi nitong taglay.

Purong pag-aalala, pagsisisi, galit, at lungkot ang nabasa ko roon.    

Bumalik ako sa tamang pagkakahiga. "Ayos lang naman," walang emosyon kong sinabi.

Wala naman akong maramdaman bukod sa sakit sa buong ulo ko at katawan. Hindi ito 'yong tipo ng sakit na dahil sa puyat, kundi iba. Hindi mapapawi sa isang tulog lamang.

"Tatawagin ko ang doktor."

Hindi ko na pinansin pa kung sino'ng nagsalita sa dalawa. Wala namang mangyayari. Narito pa rin ako sa ospital.

Maya-maya lang ay wala na ang dalawang lalaki dahil pinalabas sila ng doktor. Nagtanong lang ito ng kung ano-ano na siyang sinasagot ko rin naman kaagad, at in-explain nito kung ano ba'ng natamo ko.

"Are the 2 boys outside your related with you?" asked the doctor.

I shook my head gently. "Close friends of mine."

Yeah, friends. 

May kung ano-ano pa siyang pinaalala at sinabi sa akin na hindi ko naman mapagtuunan ng pansin. Ang utak ko ay nasa nangyari pa kanina... Pero sabi raw ay isang araw akong tulog, eh. 

Kahapon pa pala 'yon.

Umuwi na muna si Mavi dahil may klase pa raw siya. Hindi naman ako sumagot ng kahit ano bukod sa 'salamat'.

Bumuntong-hininga ako at tuluyan nang hinarap si Chester nang kaming dalawa na lang sa kuwarto. Nakaupo siya sa tabi ko, kanina pa nakatitig sa akin.

Ang weird niya ngayon.

"Ano pala'ng nangyari? 'Yong buo?" pagbubukas ko ng topic.

Hindi siya sumagot at sa halip ay nanatili lang sa aking mga mata ang tingin. 

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon