Prologue (Revised)

275K 4.2K 522
                                    


"A merry heart doeth good like medicine, but a broken spirit drieth the bones." -Proverbs 17:22

___

Beverly 's POV

To walk down the isle is the dream of every woman, while becoming a mother is the fulfillment of womanhood. Katulad ng karamihang babae ay nangarap din ako noon na magkaroon ng isang sariling tahanan. Pag dating kasi sa pag-ibig, wala akong pinangangambahan. Noon yon, hindi na ngayon.

Hindi ko kasi inakala na ang lalaking bubuo ng aking pagkatao ay bigla na lang tatalikuran ang pinapangarap kong pamilya. Marahil ay natukso siya sa ganda at nasilaw sa yaman ng babaeng ipinagpalit niya sa akin. Samantalang nagsisimula pa lamang ako ng mga panahong iyon. Ganiyan ba talaga silang mga lalaki, madaling matukso?

Daig ko pa ang namatayan nang maagaw ng iba ang munti kong pangarap. Dahil sa labis akong umasa, naging matindi rin ang aking pagsisi. Pati tuloy ang noo'y malambot kong damdamin ay nagmanhid na rin. Since then, I promised myself that no man is going to hurt me in that same manner again.

Ang kabiguan kong ito ay siyang ginamit kong lakas upang makapangibang-bansa para makaahon kami sa kahirapan at higit sa lahat ay makalimot. Minabuti ko na rin na ilaan na lang sa aking pamilya ang aking buong pagmamahal. Sapat na para sa akin ang makita silang masaya kahit na nga malayo ako't nag-iisa. Nangako naman
sila na hindi nila ako pababayaan sa aking pagtanda. Kung sakali mang makalimot sila, well, bahala na si Lord sa akin.

Friends told me that I should leave the past behind. Huwag ko raw idamay ang ibang tao dahil hindi naman pare-pareho ang mga lalaki. Bakit ko raw hahayaang maging isang matandang dalaga at maging malungkot kung puwede pa naman daw akong magkaroon ng sarili kong pamilya? Huwag daw akong mawalan ng pag-asa.

Aba, teka nga, bakit ba sila ang nagdidisisyon para sa akin? This is my life, and I will decide what's good for me. Minsan, hindi ko tuloy mapigilang taasan ng kilay ang mga taong wala namang dapat sanang pakialam sa akin.

Ang kaligayahan naman ng isang tao ay nasa kaniyang pagpapasiya at hindi galing sa kagustuhan ng iba. Huwag naman sana nating ipagpilitan ang hindi para sa kanila. To each his own, ika nga.

Hindi ko naman nilalahat ang mga lalaki. They are not the issue here. I know that there are still a few good men out there. The problem is that I can't trust them anymore. And trust is essential in a lasting relationship. Kaya kahit na anong pilit nilang makipag-date ako, walang nangyayari. Hindi ko rin maramdaman ang dating naramdaman ko sa aking naging ex. Ayoko namang makipaglokohan sa mga lalaki. I will not waste my time in that none sense.

Besides, marriage is not for everyone. Kaya nga siguro maraming failed marriages. I rather be a celibate and live a quiet life, than to be with a man in misery for a long time. I can't imagine myself losing my dignity in case I fell at the wrong hands. Kung Catoliko nga lang ako, nag-madre na sana ako noon pa. At 'yon ang ayaw kong mangyari. Hindi 'yong pagmamadre, kundi 'yong pagiging misis miserable. Please don't get me wrong.

I'm not bitter about marriage, in fact, I know several married couples who are happy living together and are also blessed. Biro ko nga sa kanila, sila ang susundan ko sakaling makahabol pa ako sa aking huling biyahe.

Or maybe, it's not really meant for me. Right now, I'm just enjoying the benefits of being a single lady, free from all the worries of a troubled wife.

Oh well, that's life. I am Ms. Beverly G. Llamado, RN, and this is my destiny.

---

Author's Note:

Hello sa mga bagong readers, maging sa mga umulit!

Maraming salamat sa pagbisita! I'm sure mag-e-enjoy kayo sa aking first novel, na sa biyaya ng Diyos ay na-feature sa Wattpad. Tuloy-tuloy lang po sa pagbasa. TO GOD BE THE GLORY!

Add niyo na po kaagad ito sa inyong Favorite Reading List! Dios mabalos sa saindo gabos!!!

VOTE!!!

COMMENT!!!

SHARE!!!

Revised: 100516 21:00

----

09-14-17

Abangan niyo po ang Pampa-Good Vibes Advice ko po dito on selected chapters. Sana magustuhan niyo. Comments are welcome here. Thanks! ;)

-BalatSibuyas

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon