Beverly's POV
"DARLING, I will be loving you 'til I'm seventy...Baby, my heart could still fall as hard at twenty three.... Well, I'll just keep on making the same mistake. Hoping that you'd understand...Take me into your loving arms. Kiss me under the light of a thousand stars. Place your head on my beating heart. I'm think----"
"Manay, huni na tabi su kurtina mo," sabi ng kasambahay naming si Inday habang sinasabayan ko ang kanta ni Ed Sheeran na Thinking Out Loud.
Damang-dama ko pa naman ang lyrics ng kantang ito na para bang ginawa para sa akin. Ganoon naman talaga ang love songs, it was meant for people who can relate to it. Napilitan tuloy akong tanggalin ang earphones ko. Kung sabagay, nananakit na ang mga tainga ko sa kakapakinig.
"Sige Day, paki kabit mo na diyan sa may bintana."
Pagkatalikod ko, nakita ko si Alvin galing sa banyo na nakatapis ng tuwalya, pangiti-ngiti sa akin.
"O, anong nginingisi-ngisi mo diyan?"
"Ed Sheeran pa more!" Tuluyan na ako nitong pinagtawanan."Tita, ilan ba ang laman ng Ipod mo, kasi parang isa lang ang kinakanta mo? Simula nang naligo ako, hanggang sa natapos, yon lang po ang kinanta mo."
"So, what's wrong with that? E, sa feel ko yong kanta!" Dinuro-duro ko pa ito ng gamit kong duster.
"Ang dami kayang kanta ni Ed Sheeran. Gusto mo pasahan kita ng songs niya?"
"Lokong bata ka, halika nga dito." Tumakbo ito papuntang hagdanan dahil hahatawin ko sana ng duster. "Hoy, Mr. Patpating Alvin, kaya kong magdownload sa Itunes ng marami. Palibhasa kayo, download lang kayo nang download sa torrent. Naku sa America, bawal yan. Pag nnahuli ka, siguradong pagmumultahin ka o kalaboso ang bagsak mo."
"Tita, nasa Pilipinas ka na." Tumawa pa ulit ito.
"Mabuti pa sabayan mo na lang ako sa pagkanta." Marurunong din kasing kumanta ang mga pamangkin ko, puwera lang sa nanay nila.
"Next time na lang po. Magbibihis na ako. Enjoy na lang po kayo diyan kay Sheeran." Umakyat na ito. Tumalikod naman ako para ipagpatuloy ang paglilinis ng bahay.
Mayamaya lang. "Tita, ano po palang breakfast natin?" tanong ulit nito na nakausli ang ulo sa hagdanan.
"Akala ko ba ayaw mong mag-breakfast, bakit ngayon gusto mo na?"
"Wala lang. Di na po ninyo kasi ako nilulutuan."
"O, ano na-miss mo na?" Tumango ito. Hindi ko nga naman ito naasikaso simula nang mamatay ang ama niya. Tuliro kasi ang isip ko noon, but not anymore. "O sige, magpapaluto ako kay Inday, yon lang pala."
"Thanks po, Tita Babes." Napatitig ito sa mukha ko. "Ba't parang blooming ka po ngayon?"
"Talaga?" Napahawi ako ng buhok. "Blooming ka diyan?" Palihim naman akong ngumiti.
"Di ba Day, blooming si Tita?"
"Iyo po Manay, ang ganda-ganda mo po ngayon."
"Hoy kayong dalawa, huwag niyo nga akong pinaglololoko!" saway ko.
"Uy si Tita blooming!" sigaw naman ni Alvin habang paakyat.
Gusto ko mang sabihin sa kanila kung bakit, ngunit hindi pa puwede, sa ngayon.
INABOT na ako nang hapon sa paglilinis ng bahay. Hindi kasi ako makuntento sa resulta kaya nakailang ulit kami nang lipat ni Inday ng mga furnitures, nainis na nga ito sa akin. Buti nga at malaki ang katawan nitong si Inday. Napabilib nga ako dahil sa lakas nito ay nakayanan namin na kaming dalawa lang ang nagpalipat-lipat nang mga mabibigat na gamit.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...