XI - The Matchmaker Moms

35.3K 757 18
                                    


Beverly's POV

NARINIG ko na humahagikhik mag-isa si Mommy sa kaniyang kuwarto.  Yon pala, nang sinilip ko ay nakita ko na may ka-text ito. Hinayaan ko na lang siya tutal mukha naman siyang nag-e-enjoy. Mga ilang minuto ay bumalik ako at iyon pa rin ang kaniyang ginagawa. Na-curious ako kaya tinanong ko na siya. 

Dumungaw muna ako sa may pinto saka ko siya tinanong. "My, sino po bang ka-text mo?"

Agad siyang napatigil at inilapag sa higaan ang cellphone ng pataob. Parang ayaw niyang ipabasa sa akin.

"Wala ito, Baby. Nakikipag-biruan lang ako dito sa ka-text ko," paliwanag niya.

Pumasok na ako sa kaniyang kuwarto. "May boylet ka na ba, My?" biro ko.

"Kung ikaw nga ayaw mong makipag-boyfriend, ako pa? Anong akala mo sa akin, cougar?" ngumisi siya.

"That's the point! Tapos ipapares niyo ako kay Stephen?"

"At least, ikaw hindi ka pa naman ganoon katanda tulad ko!" At tinawanan pa niya ako.

Napailing na lang ako. "Hay naku, My! Diyan na nga po muna kayo. Basta, mag-iingat kayo sa mga kabiruan niyo diyan sa text." Iniwan ko na ito.


BANDANG hapon, pumasok si Mommy sa kuwarto ko at bihis na bihis. Kagigising ko lang ng oras na 'yon. Siya naman ay excited na lumapit sa akin.

"Baby, puwede mo ba akong samahan, may pupuntahan lang tayo?" 

Bumangon ako sa aking pagkakahiga. "My, puwede kay Alvin ka na lang magpasama kasi wala po ako sa mood." Napahikab ako. "Masakit po ang katawan ko."

"Wala si Alvin. Gagabihin pa 'yon nang uwi. Si Alice naman, may pinuntahan din. Sandali lang naman ito at promise mag-eenjoy ka. Bilis na at baka gabihin kami sa labas."

"Kayo? Sinong kayo?"

"Ay basta! Kilos na! Hihintayin kita sa baba." Lumabas na ito at bumaba na rin.

Ang nakapagtataka, ngayon lang siya nagyaya. Usually, kapag niyayaya ko siya lagi niya akong sinasayumahan. I think she's up to something!

Pagbaba ko nakatayo na ito sa may pintuan. Nakakunot ang noo niya sa akin.

"Bakit naman anak ganiyan ang suot mo?" Naka black long sleeves na tinupi ko hanggang sa may siko at dark blue jeans ako. "Wala ka ba 'yong medyo maluwag sa dibdib o kaya off shoulder na blouse? Anak, biniyayaan ka naman ng Diyos ng hinaharap, bakit mo ba yan tinatago? Yong medyo sexy naman at buhay ang kulay. Para ka namang a-attend ng burol niyan?"

"Mommy, saan ba tayo pupunta? Sabihin mo lang at hahanapin ko 'yong mga lumang kong gown? Sana rin, inabisuhan mo ako ng maaga para nakapaghanda ako," painis kong sabi.

Lumapit ito sa akin at may dinukot na lipstick sa kaniyang bag. Umiwas ako pero mabilis na naidapo niya ang lipstick sa mga labi ko. Yong light lipstick ko, pinatungan niya ng bright red.

Ginalaw-galaw pa niya ang buhok kong nakalugay. Masyado raw flat ng hair ko, wala rin daw kabuhay-buhay. Kahit na naasiwa ako sa ginagawa niya ay pinakalma ko na lang ang aking sarili.

"O siya tama na yan! Maganda ka na niyan. P'wede na kay..."

"Kanino?" tanong ko ulit. "Sino ba kasi 'yang ka-eyeball mo at kailangan pa akong isama?"

"Basta! Halika na!" sagot niya nang mabilisan.

Paglabas namin sa gate, saktong pababa ng taxi ang mag-inang Alice at Sam galing sa grocery.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon