Beverly's POV
DUMATING na ang araw ng operasyon ni Mommy. Kinakabahan kaming lahat ngunit hindi lang ako nagpapahalata. Keep calm, ika nga. Ganyan ang mga nars. Kailangan kalmado sa mga ganitong sitwasyon. Lumliit kasi ang focus natin kapag nagpa-panic tayo. Ang isang magbisang technique para mawala ang nerbiyos ay tamang breathing at tiwala sa Panginoon.
Habang inihahanda sa operasyon si Mommy, kinausap ko ulit siya, to give her an assurance that it's going to be just fine. Magagaling naman din ang mga Filipino doctors natin dito, at siyempre pa, ang ating mga nars.
"Huwag kang mag-alala Mommy, nasa tabi mo lang ako. Ako din ang mag-aalaga sa iyo paglabas mo sa OR. Magagaling ang surgeons dito at ipagdadasal ka namin."
Napangiti lang siya habang hawak ko ang kamay niya. Nang tuluyan ng tumalab ang gamot na pangpakalma, dahan-dahan na itong napapikit. Mayamaya, dinala na siya sa Operating Room.
Dahil matagal ang bypass surgery, na tumatagal naman ng tatlo hanggang anim na oras, nagpunta muna kami ni Alice sa hospital chapel para mag-dasal. Na-upo kami sa isang isang pahabang silya. Sa harapan namin may isang malaking cross ng kahoy na naka-fix sa harap na at nasa kalagitnaan ito ng dingding. May isang table ito at may nakalagay na plorera at mga bulaklak. Nagkataon na kaming dalawa lang ang nasa loob kaya pagkatapos mag-dasal nag-usap kaming magkapatid.
"Natatakot ako Ate. Ayoko pang mawala ang Mommy."
Kahit kinakabahan ako at nag-aalala, hindi ako nagpahalata sa kapatid ko.
"Huwag mo nga 'yang isipin. Hindi naman siguro 'yan gagawin ni Lord sa'tin. Magtiwala tayo sa Kaniya." Hinagod ko ang likod nito. Kahit ako, nakakapag-isip ng kung anu-ano, pero pilit ko itong inaalis sa isip ko.
"Tama ka nga Ate. Sorry po Lord nag nega na naman po ako. Buti na lang at nandito ka, Ate. Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Alam mo naman ako tatanga-tanga at nerbiyosa, kaya nga nakapag-asawa ako ng isang tambay lang."
"Hay naku naman, stop blaming yourself! Nangyari na yan! At saka, lahat naman tayo may mga pagkakamali dahil walang perpektong tao."
"Salamat Ate sa panguunawa, at sa lahat ng tulong mo sa akin, pati na rin sa pamilya ko. Sorry kung naging pabigat din ako sa inyo ni Mommy."
"Naman! Nag-iisang sister kita. Pababayaan ko ba ang missis beautiful sister ko." Napakindat ako.
"Kaya nga ikaw ang pinakapaboritong sister ko dito sa WWW!" Inikot-ikot nito ang daliri niya sa harapan namin.
Napakunot ako ng noo. "WWW, ano yun?"
"World Wide Web, Ate naman kala ko ba magaling ang pick up mo?" Napabuntuong hininga siya. Ginawa pa akong engot nitong sister ko.
"'Ba't, may choice ka pa bang iba?" tanong ko sa kaniya sabay ngiti na rin.
"Meron, si sister Stella L"
"At sino naman 'yon?"
"Si Ate Vi! 'Yong paboritong pelikula ni Mommy kay Ate Vi. Gotcha!" Natawa siya.
"Kaw talaga puro ka kalokohan!" Sinakyan ko na lang ang mga jokes ng kapatid ko kahit corny, kahit papaano, nakakabawas ng kaba namin.
"Namimiss ko na kasi 'to, Ate. Yung kulitan natin." Ngumiti siya.
Kahit nga rin ako.
Na-realize ko na nasa chapel pala kami. "Dito ka pa nangulit! Mamaya mapagalitan pa tayo dito. Tara na nga! Kain na muna tayo sa canteen!"
Niyaya ko na si Alice dahil kumakalam na ang sikmura ko, at dahil na rin sa niyerbiyos. "Lets eat something. You know me naman, food is also my comfort!" Natawa kami ni Alice.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...