Pampa-Good Vibes Advice #1

85.8K 1.1K 67
                                    

Beating the Blues of Living Solo

Hello sa mga readers ko lalung-lalo na sa mga kaedadan ng ating bidang si Ms. Beverly, na sa hanggang ngayon ay naghihintay at naghahanap ng kanilang makakasama sa kanilang pagtanda. Marami sa mga taong nageedad na trenta at kuwarenta pataas at single pa rin ang nag-aaalala kung anong kahahantungan nila sa kanilang pagtanda. Very common ito sa mga babae. Kung bakit ba naman kasi madalas silang biruin ng mga taong may mga asawa na. Kung iisipin, kahit na ang may mga asawa ay may mga worries din. Anyway, kung isa ka sa mga nakakaranas ng ganitong kalungkutan sa iyong solo life, para sa iyo ang advice na ito.

Here are some tips on beating the blues of living a solo life (lalo na sa mga walang kasama sa tinitirahan nilang bahay).

1. Focus your attention sa mga taong kasa-kasama mo sa ngayon. Sila yong pamilya mo o mga kaibigan, kapatiran, office mates, at higit sa lahat si LORD (kung ikaw ay may pinapanampalatayaan). Bisitahin mo sila kung hindi mo sila kasama and jam with them. Oo, masaya nga pagkasama mo ang isang someone very special, pero kung wala ka nito sa ngayon because you haven't captured the man or woman of your dreams, hindi ibig sabihin katapusan na ng mundo mo. Marami pa ring tao sa kapaligiran mo ang tapat at nagmamahal sa iyo. Give them a hug!

 Give them a hug!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2. Mag-alaga ka ng pets. Usually, aso o pusa. Masaya na magulo silang kasama, but beware they need your time, attention, enough budget, at higit sa lahat, pasensiya. Puwede mo silang kausapin, nakikinig naman sila minsan, yon nga lang hindi ka nila naiintindihan. Sa maniwala ka o sa hindi, nararamdaman ka nila. Pag masaya ka, masaya rin sila. Pag malungkot ka, malungkot din sila. Sila ang best alternative natin dahil sila rin ay mga good companions. Ang ku-cute pa nila!

 Ang ku-cute pa nila!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3. Maging masaya ka. Seize the moment. Kung anong meron ka ngayon, maging masaya ka na lang. Huwag mong isipin kung anong wala sa iyo o sa mga mangyayari sa pagtanda mo. The more you worries about what's gonna happen to you in the future, the more you become anxious. Tatanda kang lalo sa ka wo-worry mo. Kala mo pag may pamilya na ang tao, hindi sila maiiwang mag-isa. Although our loved ones will be there for us, pero uunahin pa rin nila ang sarili nilang needs lalo na pag nagka sarili na silang pamilya. Ang dami kayang matatandang magulang na iniwan o pinabayaan na lang ng kanilang mga anak. Yon ang masaklap!

 Yon ang masaklap!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4. Be nice to other people. In other words, h'wag kang masungit sa pamilya mo, sa kapitbahay mo, o sa ibang tao. Nag-iisa ka na nga lang sa buhay tapos ganiyan pa ang iyong attitude. Sa halip, kaibiganin mo sila at pakisamahan. Preparasyon mo ito kung sakaling tumanda ka ngang mag-isa. Simple lang kung bakit. Ganito yon, kung ano ang iyong itinanim, siya ang iyong aanihin. Kung masama ang trato mo sa mga taong nakapaligid sa iyo, sa tingin mo tutulungan ka nila kapag nagka-emergency ka? Think about it.

 Kung masama ang trato mo sa mga taong nakapaligid sa iyo, sa tingin mo tutulungan ka nila kapag nagka-emergency ka? Think about it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

5. Spend your time in positive things. Kung iisipin, marami kang oras para sa sarili mo dahil wala ka namang gaanong responsibilidad, unless sa iyo nakaasa ang pamilyang kinalakihan mo. Kung wala naman, mag-aral ka ng mga bagay o mga abilidad na hindi mo pa alam, or find some interesting hobbies that you can enjoy. Malay mo, sa hindi inaasahang pagkakataon ay doon mo makita ang iyong magiging hubby o wify. Naks!

Actually, marami pang puwedeng gawin ang isang taong nagsosolo sa buhay, ilan lang ito tulad ng maging aktibo ka sa kumunidad mo, o sa church mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Actually, marami pang puwedeng gawin ang isang taong nagsosolo sa buhay, ilan lang ito tulad ng maging aktibo ka sa kumunidad mo, o sa church mo. Kung kailangan nila ng volunteer, why not join? Try mo rin ulit makipag-date sa iba, and so on, and so forth. Huwag mong pabayaan ang sarili mo because you can still have the best time of your life. Don't compare yourself to those who are married or living with their partners kasi sila rin ay may mga worries. Look on the bright side, ika nga. Hindi ka naman papabayaan ni LORD. Kung ang mga ibon nga sa parang hindi Niya pinababayaan, ikaw pa kaya? Have faith in God and have a blessed life.

 Kung ang mga ibon nga sa parang hindi Niya pinababayaan, ikaw pa kaya? Have faith in God and have a blessed life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung gusto mong dagdagan ang tips na ito, just write it on the comment box. Until next time!

Back to the story.

-BalatSibuyas

___

Nag-enjoy ka ba? Vote o comment na! Now na!!!

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon