XVII - Mr. Hopeless Romantic Stephen

34.2K 565 11
                                    

Beverly's POV

DUMATING ako sa bahay nang bandang  tanghali na. Pinahatid ako ni Stephen sa driver nilang  si Mang Ben  gamit ang sasakyan ni Tita Kaye. Pagdating ko sa amin,  naabutan ko ang  magkakapatid na si Alvin, Sam, at RJ. Tuwing Sabado,  dito sila sa amin  nagsasama-sama. Naabutan kong nag-aasaran ang tatlo at  pinipikon nila  ang bunsong si RJ.

Si Alice naman ay kaaalis lang.  May beauty pageant daw sa aming baranggay para sa mga kadalagahan at  meron daw ilang kumuha sa kaniya. Tuwang-tuwa nga ito sa mga pasalubong  kong cosmetics. Ang gaganda raw, imported kasi, kaya maraming kumukuha sa  kaniya. Di man ganoon kalaki ang kinikita niya ay masaya na ako. At  least, hindi na siya masyadong umaasa sa tulong namin ni Mommy. Nagiging  abala rin siya, dati kasi wala na siyang ginawa kundi ang pagselosan  ang mister.

"Tita Baby, kumusta na po si Tita Kaye?" tanong ni Alvin.

"Hayun, mahina pa rin. Inwian ko muna tutal nandoon naman si Stephen at 'yong duktora niya!" sagot ko nang may pagka-inis. Naupo muna ako sa sofa katabi si RJ.

"Uy, may nagseselos sa syota ni Kuya Stephen!" biro ni Alvin.

"FYI lang po sa inyong mga pamangkin ko, neva akong magseselos dahil lang sa lalaki!"

"Defensive si Tita!" sabi ni Sam.

"Hindi  nga! Ikaw talaga  Sam!" palusot ko. Binato ko pa ito ng throw pillow. "Yong Sophie na yon di pa nga  duktor, pero kala mo  kung makaasta duktor na! E ano kung family of  doctors sila. Ipasa muna  niya ang board exam bago siya magyabang, hmp!"

"O, nandito ka na pala?" tanong ni Mommy na palapit sa amin. "Anong balita kay Sophie?"

"Wow naman My? Si Sophie kaagad ang kinumusta mo?" takang tanong ko. "Hayun, bati na sila."

"O ba't napabuntong hininga ka, nabanggait ko lang si Sophie?" tanong ulit niya sa akin. "Suwerte ni Stephen, no?"

"Suwerte  kamo si Sophie!" bigla kong sagot. Napatanga si Mommy sa sinabi ko. "I mean, parehas  silang suwerte." Baka kasi isipin ni Mommy na naiingit ako dito. Mukha  kasing nawiwili rin siya kay Sophie dahil naging magiliw ito sa kaniya.

Para  hindi na ako mapakuwento ng kung anu-ano ay naligo na ako at nagbihis.  Nagdala na rin ako ng ilang damit. I think I'm gonna spend there for a  week. Nagmamadali nga ako, nag-aalala kasi ako baka kung mapaano ang  pasyente ko habang wala ako, tapos sa akin isisi kung sakali mang may  mangyari. Huwag naman! Mahirap nang mawalan ng lisensiya. Just kidding. I  dunno, basta kailangan kong makabalik  kaagad!

___

HINDI  ko na nadatnan si Sophie pagdating ko kina Tita Kaye. Salamat naman!   Naabutan ko si Stephen na nagla-laptop sa may sala ngunit bigla niya   itong isinara nang makita niya ako.

"Nakakasawa na rin mag-Facebook. Iba pa rin yong personal na nagkikita kayo ng mga friends mo."

Ewan ko kung nagpapalusot lang siya dahil parang namutla ang mokong, pero hindi na ako nag-usisa. Sino kaya ang tinitingnan niya?

"Tutuo  yan. May  advantage at disadvantage nga ang social networking sites.  Siguro dapat  h'wag lang nating iasa sa mga yan ang buhay natin. On the  other hand,  malaking tulong din naman yan lalo na sa mga malalayo. Saka  sa business,  ok yan!"

Tumango siya. "In-add pala kita? Paki  accept na lang. Ang cute pala ng profile pic mo."  pangiting biro niya.

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Matagal-tagal na rin akong hindi active sa Facebook. Di  naman kasi ako mahilig magpo-post. "Talaga,  cute? Medyo bata pa kasi ako sa profile pic kong  'yon. Actually, field  trip namin 'yon sa Ellis Island noon, kasama  namin yong ibang pasyente. Ang saya nga ng mga  pasyente namin, para silang  mga bata na nakawala sa hawla. And that was one of my happiest moments with the  elderlies. "

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon