XXX - Monthsary (Revised)

30.9K 588 9
                                    

Beverly's POV

NIYAYA ako ni Stephen sa bahay nila na magturo ng baking, of course with Tita Kaye. Sa pamamagitan nito ay maipagtatapat na namin sa kaniya ang tinatago naming relasyon lalo na at isang buwan na rin pala ang itinagal namin. Kabadao ako sa magiging reaksiyon ni Tita. Paano kung katulad din nila Mommy at Alice ang maging reaksiyon nito? Kahit na nga magaan ang loob niya sa akin ay hindi ko maalis ang pag-aalala na baka ito pa ang maging dahilan nang hindi namin pagkakasunduan. Diyos ko po, huwag naman po sana!

Pagdating ko sa bahay nila ay agad naman akong sinalubong nang halik sa pisngi ni Stephen. Nasurpresa pa nga ako nang makita kong suot-suot niya ang dilaw na polo na binilli ko noon. Nagsimula naman ulit akong kabahan nang makita kong bumababa na ng hagdanan si Tita Kaye. Napansin ito ni Stephen at sinabihan niya ako na huwag mag-alala dahil siya na ang bahala.

Sinalubong na naming dalawa si Tita. Nakipag-beso naman ako kaaagad. Napahawak pa ito sa kamay ko. "Nanlalamig ka ata, Baby?" tanong nito. "Gusto mo bang pahinaan ko ang air-con?"

"Huwag na po. Mainit lang po kasi sa labas kaya po ako biglang nilamig, pero mamaya po ok na ako." Kung alam lang niya na nanlalamig ako sa niyerbiyos.

Tumango ito. "Finally, you are going to reveal to us the secret of your so yummy cheesecake, di ba, Iho?" sabi niya na pangisingisi kay Stephen. "Kanina pa excited yan! Para ngang bata!" biro pa nito habang napapatawa naman ako. Tumingin ulit ito sa kaniyang anak. "If I remember, you never like baking."

"Ma naman?" At binulungan ito ni Stephen. "Don't embarrass me, please."

Natawa ako sa kanila. "Halata nga po Tita na excited siya. Tawag nga po nang tawag siya sa akin."

"Really, Stephen?" tanong nito.

"Wala lang kasi akong magawa today, Ma." Sabay kindat niya sa amin.

"Ganiyan talaga 'yang batang 'yan pag na-e-excite. Ang kulit!" Napatingin si Tita sa leeg ko banda. "And you look lovely on that necklace! Bagay na bagay sa iyo, Iha."

"Pinasuot po talaga ito sa akin ni Mommy." Napahawak pa ako sa kuwintas. "Thank you nga po pala dito sa bigay niyo, Tita. Alam ko na mahal po ito."

Tinapik ako nito sa balikat. "Ano ba kayong mag-ina, that's a gift to our friendship. Besides, kulang pa nga iyan kung tutuusin sa dami nang ginawa niyo sa aming mag-ina." Sandali itong napahinto nang may naalala ito. "By the way, Iho, parang hindi ko na napagkikikita si Sophie. Kailan ba yong last visit niya here?"

Ouch naman. Concern din pala ito kay Sophie.

Nagkatinginan kami ni Stephen. Mukhang namutla pa siya. Nabigla rin ata siya. "Parang di mo kilala si Sophie, Ma? Masyado yong abala, graduating student siya kasi," palusot nito. "I think she's in Baguio right now. Doon kasi ang duty nila."

Napakunot ng noo si Tita Kaye. "Ganoon ba? Strange. Dati naman kasi umiinit na ang ulo mo pag ilang araw mo nang hindi nakikita si Sophie. Is there something you're not---"

Bigla itong pinutol ni Stephen. "Tara na po, Ma. Mamya na po tayo magkwentuhan."

"Shall we, Tita?" yaya ko rin.

"What are we waiting for? Let's do the baking!" anito.

HABANG nasa kusina kaming tatlo at naghahanda sa aming ibi-bake ay hindi gaanong kumikibo si Tita. Mukhang wala siya sa mood, kaya tuloy nag-aalala ako. Inaliw na lang kami ni Stephen. Ang kaso, kami lang dalawa ang nagtatawanan. Sa tingin ko, nakikiramdam lang ito sa aming kulitan.

Hindi ito nakatiis. "Ehem, I'm still here. Kala ko ba ako ang tuturuan ni Ate, ehem, Beverly mo?" biro ng matanda.

"Ito po kasi si Stephen Tita nangungulit na naman," sabi ko habang hawak ko ang isang bowl.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon