VIII - A Mother's Wish

40.9K 749 19
                                    

Beverly's POV 

INIHATID ko na si Mommy sa kaniyang kuwato. Damamg-dama ko ang labis na kaligayahan nito. Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng ganitong kakaibang okasyon. 

Nang makapagbihis na siya ng damit pantulog ay umupo muna ito sa kaniyang kama. "Salamat anak sa masayang salu-salo. Ang saya-saya ko dahil nagkaroon tayo ng ganitong pagtitipon. Mabuti at naisipan niyong magkapatid na magpasalamat sa ating Panginoon. Nagpapasalamat rin ako sa Diyos dahil ang babait ng mga anak ko kahit na nga kinuha niya kaagad sa atin ang Daddy mo."

Umupo ako sa tabi niya. "Salamat din at napakabait ng nanay ko at makakasama pa rin namin kayo ng matagal! At kay Papa God dahil hindi ka niya kinuha sa amin God is good." Nagkangitian kami na nauwi sa yakapan. Yinakap ko siya ng mahigpit at napapikit pa ako.  Ang sarap talaga sa pakiramdam na maramdaman ang init ng yakap ng pagmamahal ng isang magulang. Nawalang bigla ang pagod ko.

Pagbitaw niya, "Isa na lang ang kulang, anak."

Napatingin ako sa mga mata niya. That kind of look, alam ko na ang ibig ipahiwatig ni Mommy. Pag-aasawa na naman ang gusto niyang iparating sa akin. "My, huwag mo na pong ituloy. Alam ko na ang sasabihin mo." Sa isip-isip ko, heto na naman kaming dalawa. "Kayo ang pamilya ko at masaya na ako sa ganitong setup. Alam niyo naman po na inalis ko na yang pag-aasawa sa vocabulary ko?" Nag-iba kaagad ang hitsura ko, but I'm trying to compose myself, ayokong masira ang aming moment na dalawa.

"Iba pa rin anak kung may asawa ka at sariling pamilya. Hindi maganda ang mag-isa sa buhay. No man is an island nga, di ba?" At medyo pinagbulatan pa ako ng kaniyang mga mata.

Pabagsak kong inalapag ang aking mga kamay sa aking hita. "Magsisimula na naman po tayo sa ganiyang usapan. Ang pag-aasawa My, hindi yan para sa lahat. Kung saan masaya ang isang tao, do'n siya dapat! Hindi yong nakikigaya ka lang para maging masaya ka. Masaya naman po ako kahit kayo at nila Alice ang kasama ko."

"Alam ko na masaya ka, pero maganda kung may karamay ka din sa buhay." Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.

"Ikaw nga My, di ka na din nag-asawa ulit pero masaya ka naman. Ang bata mo pa noon, four years old pa lang ako, tapos buntis ka kay Alice noong mamatay si Daddy sa engkuwentro. Napagtapos mo ako dito sa Manila kahit mag-isa ka lang, kahit hindi ganoon kalaki ang pensiyon ni Daddy. Nagtinda ka rin ng mga kung anu-ano para lang mabuhay mo kami. Hindi mo na kinailangan pa ng isang lalaki. Don't tell me, gusto mo pang may katabi sa pagtulog, My?" Medyo natawa ako sa sinabi ko.

Gusto ko pa sanang siyang biruin kaso mukhang nagseryoso na siya.

''Puro ka biro. Seryoso ako! Ako nakapag-asawa at nagka-anak. Di na ako nag-asawa ulit dahil sapat na kayo sa akin! Ikaw, paano ka na? Pag tanda mo?"

"Sino ba naman ang magkakamali sa akin. I'm over the hill na. In other words, lampas na ako sa kalendaryo, nasa kalagitnaan ba nga ako ng pangalawang buwan sa kalanedaryo." Natawa na naman ako. "Di na nga siguro ako magkakaanak. Kung sakali mang mabubuntis pa ako, nasa high risk pregnancy na ako niyan. Baka yon pa ang ikamatay ko."

Napakunot noo ito. "Ang problema sa iyo, hindi ka na nakabangon sa nakaraan mo. Kalimutan mo na ang nakaraan. It's time for you to move on."

Kung hindi lang si Mommy ang nagsasalita, nag walk-out na ako. "My, sino pong nagsabi na di pa ako nakapag move on. Nakita niyo naman po na tagumpay na ako sa career ko, marami na akong napundar, puwede na nga akong mag-retire kung tutuusin." Hinawakan ko ito sa baliikat. "Huwag niyo na pong problemahin ang pagiging soloista ko. I like living my life this way. Tahimik, walang pinagseselosan, wala rin akong alalahanin kung nasaan na ang mister ko. May kasama ka nga tapos yong kasama mo di mo alam kung nasa kanan o nasa kaliwa. Ayoko ng ganoong buhay! Sasaktan ka pa ng pisikal o kaya emotional." Ibinaba ko na ang aking kamay.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon