I - From US Balik to Pilipinas!

117K 1.6K 78
                                    

Beverly's POV

NAGMAMADALI akong umuwi sa aking nirerentahang apartment dahil nakatanggap ako ng hindi magandang balita mula sa aking nakababatang kapatid na si Alice. Nasa kalagitnaan ako noon ng aking morning shift dito sa The Good Shepherd Home, isang nursing home dito sa Chicago. Nang makarating na ako sa apartment ay agad kong tinawagan si Alice na nasa Maynila via Skype. Hindi na nga ako nakapag-dinner dahil sa labis na pag-aalala, and knowing Alice, alam kong tuliro na naman ito.

Tinadtad ko ito kaagad ng mga tanong tungkol sa nangyari at kung ano na ang kalagayan ng aming ina. Ni hindi ko man lang ito nakamusta.

Habang ikinukuwento niya ang detalye ay hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili. Kung nandoon lang sana ako, baka hindi ito nangyari.

Ayon sa kaniya, napagod si Mommy sa pagtulong sa aming kasambahay nang maglinis sila ng bahay. Nang bandang gabi ay sumikip ang dibdib nito at nang uminom ng tubig sa may kusina ay bumagsak ito sa sahig.

Tinanong ko rin kung anong resulta ng blood test at ECG.

"Sabi ni Dr. Galvez meron daw MI si Mommy. Myocardial Infection...something?" nabubulol nitong sabi.

"INFARCTION?!" Nanlaki pa ang mga mata ko sa pagkagulat kasi hindi pa naman ganoon katanda si Mommy at wala sa kanilang family history ang sakit sa puso. Fifty eight pa lang naman siya at tamang-tama lang ang pangangatawan nito.

Tinanong ko ulit siya ng sunod-sunod at pinagpaliwanag ko pa kung bakit niya ito pinabayaan.

"Di ba nga, nasa kabilang door kami ng apartment mo? Alam mo naman din napakamasikreto no'n." Pinaikutan ba naman ako ng mga mata nito.

Tama nga naman si Alice. Masikreto ang aming ina. Ganoon talaga daw tayong mga Pinoy, stoic type. Napabuntung-hininga na lang ako.

"Bakit Ate, seryoso ba 'yan?" tanong ni Alice na tumabingi pa ang ulo sa screen.

"Traydor na sakit ang sakit sa puso, nakakamatay!" Hay, wala talagang kaalam-alam itong si Alice. Pag-aaralin ko sana ito noon ng Nursing kaso nagpabuntis naman.

"OMG! Hindi tutuo yan Ate, nagbibiro ka lang!" Nagulat pa ako ng biglang nitong sinipa ang upuan sa tabi niya. "Diyos ko! Bakit naman siya pa? Ako na lang po sana!" Pagtakatapos nagmukmok at nanahimik ito. Sandali pa nang bigla siyang tumayo. "Kailangan kong maging matatag para kay Mommy. Di ba Ate, kaya naman natin 'to?"

Imbes na maawa ako, sinabi ko na lang, "Hoy Alice h'wag ka ngang mage-emote diyan! Nag-DABDA ka pa!" At natawa ako nang malakas. "Pasalamat na lang tayo kay Lord at naagapan kaagad siya!" Napatingala ako at bigla kong naalaala si Lord at napa-thank you. Kailan ba ako huling nagsimba?

"Dabda? Ano 'yon 'Te?" Napakamot ito sa kaniyang ulo.

"I-Google mo kaya." Tumawa ulit ako. Pinapagaan ko lang ang pakiramdam naming dalawa.

"Nakuha mo pang magbiro! Alalang-alala na nga ako dito!"

Tama nga naman siya, di biro ang kundisyon ni Mommy.

"Anong plano mo Ate Baby? Uuwi ka ba?"

"Aba naman, siyempre!"

---
TWO weeks after...

Heto sakay na ako ng Philippine Air Lines, ang ating flag carrier. Nasa Premium Economy Class lang ako. Ang importante, makauwi na ako, ASAP.

While we were up on the air, I couldn't help but to contemplate on many things. Ano nga ba ang ginagawa ko dito sa...

AMERICA. The Land of Milk and Honey, The Greener Pasteur, The Land of the Free. Yan ang ilan sa mga bansag natin sa America. Hindi ba karamihan sa ating mga Pinoy sa bansang ito gustong pumunta para makapagtrabaho at manirahan? The so called The American Dream para sa ating mga Pilipino, maging sa ibang lahi na rin. Bakit nga naman hindi? Considered by many as a first world country with state-of-the-art technology, sagana dito sa foods, ang ganda raw dito kasi malamig ang climate at may snow pa, samantalang sa Pilipinas naman mainit at maalikabok. (Hay, kung alam lang ng iba kung gaano kahirap ang winter season dito.) Kapag nagkataon pa baka maka-jackpot ka ng isang blue-eyed baby o higit pa sakaling makapangasawa ka ng puting lahi.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon