ABALA ang lahat sa tahanan ng mga Llamado dahil sa paghahanda papunta sa kasalan ng kanilang kasambahay na si Inday. Nagtatatalak naman si Beverly dahil hindi handa at organisado ang kaniyang mga kasamahan. Para sa kaniya, kahit kasal lang ito ng kanilang kasambahay ay gusto niya itong maging maganda at masaya. Hind man kasi niya ito nakasama ng matagal ay nakagaangan naman niya ito ng loob. Niloloko nga siya ng kaniya mga pamangkin na kaya raw siya masaya ay dahil makakasama nila si Stephen. Kahit na nga hndi niya ito aminin ay nahahalata naman sa kilos niya na gusto nga niya itong makita.
Para matigil si Beverly sa walang tigil niyang pag-iingay ay pinauna na siya ng kaniyang ina sa kanilang sasakyan. Mayamaya pa, nagmamadali nang lumabas sila Alice dala ang kambal na karga-karga nila Sam at RJ.
Nang iaabot na ni Sam ang bata kay Beverly ay hiniling nito na siya na lang ang kakanlong sa kapatid. Ito rin kasi ang unang pasyal ng kambal.
Napailing si Beverly. "Hindi puwede, sa harapan ka di ba uupo?"
Tumango si Sam. "Hahawakan ko naman po siya nang maigi at magsi-seat belt ako." Umiling ulit si Beverly. "Sige na po, Tita. Diyan lang naman tayo sa kabilang kanto," sabi pa nito na kakamot-kamot.
"Kahit na, hindi p'wede! Alam n'yo ba na---"
Biglang sumingit ang tatlong lalaki, "Sa America!" Nagtawanan pa sila.
"Hoy makinig kayo. Sa America bawal ang bata sa frontseat, lalo na ang mga baby. They have a special car seat for children. Makakaupo lang sila sa car seat pag naabot na nila yong tamang bigat o taas o kaya 12 years old na sila, pataas. Car seats are not designed for children. Yan ang Child Car Seat Law ng US!"
Napa-ah ang lahat.
Nagpatuloy si Beverly. "Tama naman di ba, for safety reason? Kasi tayong mga Pinoy, kulang sa disiplina. Disiplina lang talaga ang kailangan nating mga Pinoy kung gusto nating umasenso." Wala nang umimik.
Nang makaupo na ang lahat, "Let's go Vin, at naghihintay na si Wonderinday natin." Yan ang tawag niya minsan kay Inday dahil sa taglay nitong lakas magbuhat.
"Si Wonderinday ba talaga o si Wonderboy mo?" biro ni Alice.
Nagtawan sila.
ISA sila sa mga maagang nakarating na mga bisita. Halos mapuno ang maliit na chapel ng kanilang parokya kung saan idinaos ang kasal. Sunod-sunod na ring nagsisidatingan ang iba pang mga ninong at ninang. Mayamaya pa ay dumating na si Philippe na agad naman niyang nilapitan. Huling duumating ang mag-inang Kakay at Stephen. Agaw pansin naman ang magarbong pananamit ng senyora, ang pinakamayaman sa lahat ng mga bisita.
Bigla namang nasabik si Beverly nang makita si Stephen. Gusto man niya itong lapitan, ngunit naging abala siya sa pag-iistima ng iba pang bisita. Hindi na rin sila nagkaroon ng panahon para magka-usap sila dahil agad nang nagsimula ang seremonyas.
Magkasabay sa entourage si Bevely at si Philippe. Si Stephen naman ay halatang hindi mapakali lalo na nang makita nitong kumapit siya sa braso ni Philippe. Buti na lang at katabi niya si Alvin na kausap-usap niya.
Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa isang maliit na kainan na pag-aari naman ng kaibigan ni Bitoy.
"Mukhang pinaghandaan ito ng dalawa," sabi ni Kakay kina Beverly at Nacion.
"Oho," sabi ni Beverly. Tulad nang naipangako niya ay sinagot niya ang handaan.
Lumapit si Kakay sa mga kinasal at muli niya itong binati. Tuwang-tuwa naman si Inday nang batiin siya nito. Maraming beses na rin kasing nakahalubilo ni Inday ang senyora, ngunit ni minsan ay hindi siya nito napag-sungitan kahit na nga may pagka-stikta ang dating ng senyora. Naging magiliw din naman si Inday sa tuwing pumapasyal ito sa kaibigan nitong si Nacion.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...