Beverly's POV
PAGKATAPOS nang matagumpay na operasyon ay inilagay muna si Mommy sa ICU ng dalawang araw. Mula sa ICU ay inilipat naman siya sa isang private room ng limang araw habang nagpapalakas. Salamat naman sa Diyos at wala namang naging kumplikasyon, kaya after one week ay pinayagan na siya ng kaniyang attending physician na makalabas ng ospital.
Habang nasa ospital noon si Mommy, as I promised, ako ang naging private nurse niya. Marami rin kaming naging mga bagong kaibigan doon. Maganda naman ang trato sa amin ng iba pang mga hospital staff. Nakita ko kung gaano siya kasaya dahil nakaraos na rin siya sa operasyon, kahit na nga nahihirapan pa ito sa sariwa niyang sugat. Kailangan din niyang magtiis ng two to three months para sa kaniyang full recovery.
Sa huling araw niya sa ospital, ako na rin ang nag-asikaso ng kaniyang billings na umabot ng halos kulang-kulang isang milyon. Kahit mabigat sa bulsa ay ok lang dahil ang kapalit nito ay ang pananatili niya sa amin.
Habang naglalakad ako pabalik sa private room ni Mommy, napadaan ako sa nurse station. Napahinto ako nang makita kong may isang duktor na pinapagalitan ang mga nars. Mabuti na lang at wala pang gaanong tao ng mga oras na yon. Nagtatatalak ito, pero hindi naman ganoon kalakas ang kaniyang boses.
"Sino ba sa inyo ang nagbigay nitong gamot dito sa pasyente ko? " tanong ng galit na duktor habang hawak-hawak ang chart na nakataas.
Nagpatuloy ang babaeng duktor. "Nagbabasa ba kayo ng chart? Pinapa-hold ko itong antibiotics niya bago siya i-dialysis, give only after, ang order ko! Ang linaw, di ba? Pa noted-noted pa kayo diyan di naman ninyo sinusunod ang order ko. Tira na lang kayo ng tira ng meds! Asan na naman ba si Sir Carlo, yong head nurse niyo? " Walang umiimik sa mga nars na nasa station.
Inilapag niya ang chart sa mesa nang padabog. "Ayan, magbasa kayo ng chart at palitan niyo sa pasyente 'yong binigay niyong gamot! Hay naku! Alam niyo naman na mahal yon!"
Kinuha na lang ng isang nars ang chart.
Nilapitan ko ang galit na duktor na nakatalikod sa akin. "Is that how you treat your nurses here. Wow! Ang harsh niyo naman po, Dok! Alam niyo naman na tadtad ng trabaho ang mga yan. Konting kunsiderasyon naman po, Dok. Maaring na-overlook nila dahil siguro sa sobrang pagod din," sabi ko sa kaniya.
Pagharap niya, "And who are you to..." nanlaki ang mga mata nito. "Babes, ikaw ba yan? Beverly Llamado. Good to see you here. Pakialamera ka talaga kahit kelan!"
Nagtinganan sa amin ang mga nars habang ang iba sa kanila ay naghahanda ng mga gamot na ibibigay sa kani-kanilang pasyente.
"Rosana Castillo? So, you're a doctor now?" Dati kasi itong nurse na nakatrabaho ko.
"Yup! Nephrologist, actually!" pagmamayabang pa nito. May kayabangan din kasi itong kaibigan ko.
"Ang bampirang duktor! Kaya pala dumoble ang kasungitan mo!" biro ko.
"At nagsalita ang malditang santa ng mga nars. Hoy, kahit kelan palasagot ka ever sa mga duktor." Nagtawanan kami. "Eh ano naman ang ginagawa mo dito 'tsaka ang taba-taba mo na, bruha ka?"
Ouch naman! Wait ka lang at hihirit ako sa'yo!
"Na-bypass si Mommy, pero ok na siya...Trabaho-kain lang kasi ako doon, no time for diet kaya ayan jondat!" Napalakas tuloy ang tawa ko.
"Oh my golly!" Reaksiyon niya ng pagkabigla para kay Mommy. "At least ok na ang Mommy mo." Napangiti na ito. "Actually, parehas lang naman tayo kataba!"
"Mas mataba ka kaya, 'no?" pang-aasar ko. Nag-iba ang hitsura niya. "O siya, di na ako magtatagal. Mag rounds ka na at tanghali na." Hinawakan ko ito sa braso. "It's good to see you again, Doc Rose!" sabi ko nang nagmamadali. Naglakad na rin ako papalayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/33321051-288-k666991.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...