Author's Note:
My very first special chapter for this story. Kung feel niyong basahin, thanks, kung hindi, OK lang. Hope you like it. -EBM 12-22-17
---Dahil sa kahilingan ng iba na gumawa ako ng special chaper for this story, naisipan kong gawan ng kuwento si Beverly at Philippe. Itinaon ko na rin na Christmas para masaya. Si Philippe ang ginawan ko ng kuwento dahil wala naman akong ginawang sequel para sa kaniya. Oryt? I hope you enjoy this part. Ooops. Sumakto na naman ang music video para kay Ms. Beverly. ;-)
Thanks nga pala sa Wattpad sa Watty Award for Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly at Truly, Sophie. Congrats din sa ibang winners.
TO GOD BE THE GLORY!
___
Beverly's POV
Ang bilis ng panahon, Christmas na kaagad. Last year, masaya sana ang Pasko ko sa Pilipinas kaso nabulilyaso kasi naabutan kong magkayakap sila Stephen at Sophie sa higaan. Galing pa kami noon ni Tita Kaye mag-shopping at ang dami naming pinamili pang-regalo. Because of that, nasira ang diskarte ko. Hindi tuloy naging maganda ang Pasko namin. May Papa na sana akong yayakap-yakapin kaso illegal naman. Inaamin ko na nagkamali ako sa parteng'yon at hinding-hindi na 'yon mauulit pa.
Sabi ko kina Alice at sa mga bata na babawi na lang ako sa susunod. Tamang-tama naman dahil a week before Christmas natanggap na nila ang ipinadala kong Balik Bayan Box . Di naman sila nakalimot magpasalamat sa akin sa chat.
I over slept pa nga dahil sa puyat ng maka-chat ko sila Mommy. Yinaya ko na naman si Mommy na kung puwede next year, dito naman siya mag-Christmas. Ay naku, h'wag na lang daw at baka manigas siya sa lamig. Nag-Christmas na siya dati dito pero hindi niya kinaya ang lamig. Kaya ng mga sumunod na pasyal niya dito, kung hindi spring, summer. Gusto ko lang naman iparanas sa kaniya ang white Christmas.
I really miss them especially, Mom. Nag-iyakan pa nga kami habang nagcha-chat. Overall, naging masaya din kasi panay kulitan ng mga bata habang nag-iiiyak ang kambal. Kaya nga ang next goal ko ay dalhin silang lahat dito sa America, Lord willing.
As usual, ako lang mag-isa nag-Pasko apartment. Nataon pang day off ko. Mas maganda sana kung duty na lang ako dahil kahit papaano kasama ko ang ibang staff at mga pasyente namin. Anyway, naging masaya naman ang Christmas party namin. Ang dami kong natanggap na regalo. Marami rin naman akong niregaluhan. May mga inaanak din kasi ako dito. Ang gastos talaga pag Christmas, pero masaya lalo na diyan sa Pinas.
Maghahanda na sana ako ng aking pananghalian nang may nag-door bell. Laking surpresa ko dahil ang bumungad sa harap ko ay si Philippe, my ex. Sa sobrang tuwa ko ay yinakap ko ito.
"Merry Christmas Beverly!" bati niya habang yakap-yakap ko siya sa bandang leeg . Halos masakal ko na nga siya. "It's good to see you again, Babe!" Bigla ba naman akong hinalikan nito sa pisngi.
"Anong Babe?" Siniko ko nga siya. "Merry Christmas din!"
"Ok, Baby! Bakit ba ayaw mong tawagin kitang Babe. Pag yong ibang tao, ok lang sa'yo."
"Kasi naman, hindi ko sila naging ex. Understood!" Inirapan ko ito.
"Can I come in?"
"Ay, sorry! Sorry! Tuloy ka." Lamig na lami na kasi siya. Buti na lang at mainit sa loob ng apartment.
Pagkapasok niya ay tinulungan ko na siyang hubarin ang kaniyang coat at sinabit ko ito sa may coat-stand.
"Sobrang lamig. Galing pa ako ng Michigan. Ang lakas ng snow doon! Grabe!" Nagtanggal na ito ng gloves. Namumula-mula ang pisngi nito sa lamig. In fairness, lalong gumapo ang mokong. I can't help to see Stephen in him. Ngayon ko lang napansin na may konti silang similarities, sa kilay at ilong.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomantizmSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...