MAAGA namang naiwi ni Stephen si Beverly sa bahay nito. Natutulog na ang kaniyang ina nang makarating ito sa kanila. Sa kaniyang paghiga sa kama ay naisip niya ang mga nangyari sa kanila ni Beverly. Doon niya nalaman na masaya pala itong kasama at sa umpisa lang naman ito nagsusungit. Mababaw din pala ang kaligayahan nito, dahil pumatok kay Beverly ang mga corny jokes niya. Samantalang kay Sophie ay hindi na ito bumibenta. Nasabi rin sa kaniya ni Beverly na wala na talagang itong balak mag-asawa. Hindi man sinabi sa kaniya ang dahilan, ay batid niyang may pinagdaanan itong matindi. Dahil dito ay tuluyan nang napawi ang kaniyang pangamba tungkol sa kasunduang kasal para sa kanila ng kanilang mga ina.
Nang matutulog na siya ay nakatanggap siya ng text galing kay Sophie. Sabik niya itong binuksan. Hindi niya akalain na magugulat siya sa kaniyang mababasa.
Two-timer! Sinong kasama mo kanina????
Sa kaniyang pagkabigla ay napabangon ito sa kaniyang pagkakahiga. Hindi niya akalain na makakarating kay Sophie ang naging date nila ni Beverly. Wala rin naman siyang napagsabihan tungkol dito. Hindi pa nga niya naikukuwento ang tungkol sa kasunduan dahil alam niya na magdudulot ito ng isang malaking problema sa kanila ni Sophie.
Nanginginig ang kamay ni Stephen sa pagta-type sa kaniyang cellphone. Tinanong niya kung paano ito nalaman ni Sophie. Hindi naman kaagad sumagot si Sophie kaya tinawagan niya ito kahit na alam niya na hindi siya nito kakausapin sa cellphone. Naririnig niya na panay lang ang ring ng cellphone nito at talagang wala itong balak sagutin ng nobya.
Bakit kasi ganyan ang mga babae? Ang hirap kausapin at paliwanagan lalo na kapag sinusumpong ng selos!
Muling nag-text si Sophie sa kaniya. Just look at your Fb. Someone tag you a pic together with your date! I'M BREAKING UP WITH YOU!!!
Lalo tuloy siyang nag-panic, hindi kasi kaagad nag-bukas ang kaniyang Facebook. Nang bumukas na ito ay agad niyang pinindot ang notification icon. Binasa niya ang ang laman at doon niya nakita ang isang notice na nakalagay: Tommy Suarez tag you a photo. Saka niya naalaala na nagkita nga sila ni Tommy.
Shit! That bastard! Lagot ka bukas pag nakita kita!
Ang litrato palang kinuhaan ni Tom ay ang pagpunas niya ng tissue sa bibig ni Beverly. Buti na lang at natakpan ng kamay niya ang mukha ni Beverly. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Tom.
Nagpalitan ng text ang dalawa.
Stephen: That's my aunt, hon! You can ask Ma about it!
Sophie: Do you think I'll buy that alibi? I hate you!
Stephen: Hon, don't do this to me. Let me explain!
Sophie: GOODBYE STEPHEN!!!
Sinubukan niya ulit tawagan si Sophie, pero sa pagkakataong ito ay pinatayan na siya ng cellphone. Alalang-alala na siya dahil ngayon lang ito nangyari sa kanila ni Sophie.
Kung bakit pinunasan ko pa ng tissue ang mukha ni Ate Baby. Naloko na!
Hindi ito mapakali kaya nagmadali itong sumugod sa kuwarto ng ina at kinatok ang pinto. Kasalukuyan, nasa kahimbingan na ang ina sa pagtulog matapos mapagod itp sa pag setup ng date nila. Nakailang katok na siya ngunit hindi pa rin nagigising ang matanda.
"Ma please open this door!" Nilaksan nan niya ang mga katok, pero wala pa ring sagot ang ina. "We need to talk, Ma! I have an important thing to tell you! It's about Sophie!" Kinalabog na niya ang pinto at yinuyugyog pa niya ng door knob.
Sa wakas ay pinagbukasan din siya ng pinto. "Ano ba yan Stephen? Bakit ka ba nambubulabog? Hindi na ba yan makapaghihintay ng bukas?" iritableng sagot ng kaniyang ina.
Biglang ibinalandra ni Stephen ang cellphone sa mukha ng ina para ipakita ang litrato nilang dalawa ni Beverly. "Can you please take a look at this photo?"
Inilapit pa ng matanda sa kaniyang mukha ang cellphone, at dahil kagigising lang niya ay ilang beses niyang kinusot ang kaniyang mga mata. "Wow! Nagpapicture pala kayo ni Beverly. That's nice, Iho. You're so sweet together! So what's the problem?" pangiti-ngiti pa nitong tanong sa kaniya.
Naiinis si Stephen sa ina dahil hindi nito makuha kung ano ang dating ng litratong ito para sa kaniya. "This is Facebook Ma! All of my friends saw this!" garalgal niyang sagot.
"O, ano naman ang masama sa picture na yan? I don't see any thing wrong with it." Binitiwan na nito ang kaniyang kamay. "Go to sleep, Son. I'm really tired and I have to wake up early. May sisingilin pa ako tomorrow. I also have a meeting with a foreign client early in the morning."
Napapadyak si Stephen ng paa sa sahig sa sobrang inis. "Because of this, Sophie is breaking up with me! Did you hear that?" Halos sinisigawan niya na ito dahil sa pagbabalewala ng ina. "'Ma, wake-up! And hear me out please!" Wala pa ring epekto sa senyora ang pagwawala ni Stephen.
"Eh di mabuti nga para hindi mo na kailangan makipag break sa kaniya! Kung hindi naman talaga kayo para sa isa't-isa, then let her go!" Napahikab pa ng malalim ito.
Tuluyan nang nasagad ang pasensiya ni Stephen kaya napasigaw na ito ng todo."Are you listening Ma? Will you please stop messing up with my life!" Bigla rin niya itong tinalikuran sa kaniyang pagkayamot.
Saka lamang naalimasmasan ang matanda. "What? Stephen! Come back here! Don't you walk out on me! I'm not yet done with you!" sigaw nito. Hindi niya na ito pinansin at padabog na pumasok na lang siya ng kuwarto. Sumunod sa kaniya ang ina ngunit ikinandado na niya ang pinto
Pagkapasok ni Stephen sa kuwarto ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Tom. Noon una ay seryoso si Tom. Bakit daw niya iyon ginawa kay Sophie. Akala pa naman nilang magbabarakada ay seryoso ito sa kaniyang nobya. Nang lumaon, nahuli niya si Tom at umamin na isa lang pala iyong biro. Prank lang daw nila iyon at nakipag-sabuwatan pa sila kay Sophie. Kahit na naiinis siya sa kaniyang mga barkada ay gumaan naman ang kaniyang pakiramdam. Si Sophie naman ay tumawag sa kaniya at panay lang ang tawa.
Naalala niya ulit ang inasal nito sa harapan ng ina. Nakonsensiya ito.
Tomorrow, first thing in the morning, mag sosorry ako kay Mama. I'm such a jerk!
Binalikan niya ulit yong tag photo niya sa Facebook, pero wala na ito. Nabasa rin niya na may naka-post sa timeline niya na galing kay Sophie. Isang litrato kung saan may isinulat si Sophie sa isang post-it note ng mga katagang , 'I love you Stephen!' at may smiley face na nakaukit. Pinindot niya ang like button at napangiti na ito. Mayamaya ay nakatulog na rin siya sa matinding pagod at pag-aalala.
Samantala nang gabi ding iyon, nakapagisip-isip ang senyora na hindi niya na ipagpipilitan ang kasunduan nila ni Naz, bago pa tuluyang mamuhi sa kaniya si Stephen. Makikipagkita siya sa kaniyang matalik na kaibigan sa lalong madaling panahon. Kakausapin din niya si Sophie at ipapaliwanag niya na ang babae na nasa picture ay ang tiyahin sa ama ni Stephen. Alam niya na makukumbinse niya ang dalaga. Napabuntong-hininga pa ito dahil kailangan pa tuloy niyang magsinungaling dahil sa kaniyang kahibangan.
___
Author's Note
Yan na nga bang mahirap sa mga magulang. Ang hilig talaga nilang mangialam lalo na sa lovelife. Isipin na lang natin na kaya nila yan nagagawa ay dahil iniisip lang nila ang kapakanan nating mga anak.
Sa mga nag-boto, nag-comment, nag-share, thank you! Thank you! Thank you!!!
(Edited 120516)
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...