X - Beverly and Stephen's Agreement

37.3K 572 12
                                    

Beverly's POV

HANGGANG ngayon ay natatawa pa rin ako sa sinasabing kasunduan nila Mommy at Tita Kaye. Inaamin ko na kahit na hindi ako sang-ayon ay kinilig din naman ako. Sino ba ang aayaw sa Stephen na 'yon? Kaso kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang magka-gusto sa mas bata sa akin. Ayaw ko ngang maging isang sugar mommy, tuksuhin pa kaya akong isang cougar? No way!

Doon sa America, walang pakialamanan ang mga tao kung sinong karelasyon mo. E dito, pinapakialaman ka na, pagtsi-tsismisan ka pa. Sa States kasi yong mga single ladies doon lalo na ang mga diborsiyada, pabataan ng mga boylet. The younger, the better. It can make them feel young and alive daw kahit na nga ang iba ay pinagkukuwartahan lang. Basta masabi lang na may honey sila at masaya raw sila.

Mayroon din namang ibang cougar couples na genuine ang kanilang pagsasama, pero bibihira lang. Yon talaga, wala silang pakialam kung pinagtitinginan o pinagtatawanan sila, basta they are in love. Ganoon siguro kapag tinamaan ka ni Cupido, hahamakin ang lahat masunod lamang ang tinitibok ng puso.

Hay naku, kung sana bata-bata lang ako, baka magbago pa ang isip ko! Kaso, too late the hero na siya. Parang suntok sa buwan yang gusto nilang mangyari.

Wait a minute, bakit ko ba naman yan poproblemahin? What's the big deal about it? Nakakatawa talaga sila!

Napatingin ako sa salamin ng aking tukador. Ganoon ba talaga kalakas ng aking sex appeal at pumayag si Tita Kaye na ipagkasundo ako sa kaniyang only son? I can't imagine being paired with Stephen. He's too young for me!

Habang nakatayo ako at tinitingnan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa sa salamin, ay medyo na-depress ako nang makita ko ang mga bilbil ko. Ilang buwan pa lang ako nang dumatinng ako dito, pero ang laki na ng idinagdag ko sa timbang. Napaparami kasi ang kain ko lalo na ng kanin. Pag nag-diet naman ako lalo lang akong ginaganahan. One of these days, magwo-walking ako para mapagpawisan naman.

Siguradong na-turn off na ang Stephen na yon sa akin. E, ano naman? Bakit ba ako magpapa-affected? Basta, ang importante ay masaya ako!

Nilapit ko rin ang mukha ko sa salamin, tiningnan ko 'yong eyes ko, lumalaki na naman ang eye bags ko. Daanin ko na lang yan sa concealer. Pabili na nga rin ako kay Inday ng pipino sa palengke. Maganda daw kasi yon sa eye bags.

Naghanap-hanap din ako ng puting buhok kaso kaka-dye ko pa lang pala. Naku! lumalabas na naman ang mga laugh lines ko. Teka asan na ba yung Vit. C ko? Aba, ubos na ang dami pa nito. Makabili na nga lang din.

Habang ina-assess ko ang aking katawan ay nag-ring naman ang cellphone ko coming from an unknown contact.

"Yes? Who's this please?"

"Hello po? Ms. Beverly Llamado po ba to?" tanong ng lalaki na nasa kabilang linya.

"Yes, who's this?" Naku, ang tagal sumagot nito at uutal-utal pa kung magsalita. "Sino ka ba?" Napalakas na ang boses ko.

"Ate Baby, si Stephen po ito. Stephen Aquino."

Kita mo nga naman, ang aking future husband to be in my wildest dreams pala ang kausap ko.

"Ikaw pala Stephen. Kala ko kung sino na. Minsan kasi maraming makukulit na caller ang tumatawag sa akin. O, ba't ka napatawag, gabing-gabi na, ha?" tanong ko habang papaupo ako sa kama.

"Sorry po kung naistorbo ko kayo. Ano po kasi..."

Bakit ba para siya nininerbiyos?

"Ano nga iyon?" malumay kong tanong. Baka kasi nasisindak pa sa akin.

"Ka-kasi po nawawala po yong wallet ko, baka po nalaglag diyan sa inyo? Nandoon kasi yung driver's license ko po. P'wede po bang pakihanap?"

Habang nagsasalita siya, tumataas naman ang kilay ko. Aba at inuutusan ata ako ng mokong na 'to!

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon