IV - BFF Meet-up

46.8K 892 35
                                    

NAGLILINIS si Alice sa bahay nila Aling Nacion nang may kumatok sa gate. Binuksan naman ito ni Inday, ang Bicolanang kasambahay nila.

"Manay Alice, may bisista po kamo!"

"Papasukin mo na Day."

Pinapasok nga ng kasambahay ang bisita.

"Tuloy po kayo Ma'am. Ano po ang kailangan ninyo?" bungad ni Alice.

"Dito ba nakatira si Encarnacion Galang Llamado?"

"Dito nga po. Nasa taas po siya nagpapahinga. Sino po sila?" tanong ni Alice.  Itinigil nito ang pagpupunas ng mesa. "Maupo muna kayo."

Lumapit si Aling Kakay sa sofa. "Kaibigan ko siya noong high school. I'm Mrs. Rebecca M. Aquino. Tita Kaye na lang. Marcos ako nung dalaga pa." Bago maupo sa sofa si Aling Kakay, "Heto pala, may mga dala akong prutas para kay Naz." saka nito inabot ang bitbit-bitbit na malaking supot kay Alice.

"Nag-abala pa ho kayo pero maraming salamat po dito sa pasalubong ninyo." Kinuha ito ni Alice at inabot kay Inday. "Day, paki kuha na lang ng juice si Tita Kaye sa ref."

Agad namang sumunod ang kasambahay.

"Thank you, Iha."

"Nakakatuwa naman po ang apelyido ninyo! Related po ba kayo sa mga Marcoses at Aquinos?" pangiti-ngiting tanong ni Alice.

"Actually, hindi. Kaapelyido lang."

Naupo sa kabilang sofa si Alice. "Paano niyo po natunton ang lugar namin?" tanong ulit ni Alice.

"Actually, nakasalubong namin kayo papalabas ng hospital, sa may elevator kaso hindi na namin kayo inabutan sa labas. Sinundan na lang namin kayo ng anak ko hanggang dito. Nalaman ko rin sa kaniya, through his friend that your mom had a heart surgery, kaya sabi ko na babalik na lang ako, to give her some time." Napatango naman si Alice. "How's your mom now?"

"Ok naman po si Mommy ngayon. Hindi lang po siya nakakakilos masyado.  Buti na lang po nandito yong sister ko na nurse. Siya po ang nag-aalaga sa kaniya."

"Good thing you have a nurse in your family."

"Ay naku, tutuo po!" Napahampas pa si Alice sa ere. "Kauuuwi nga lang niyon galing US para lang po maalagaan ang Mommy," pagmamayabang pa nito.

"I see. Can I see her?"

"Sino po, si Ate?"

Napangiti si Aling Kakay.  "Your mom."

"Oo nga pala, si Mommy nga pala ang sadya niyo po," nahihiyang sabi ni Alice. "Kaso po, iniiwasan po muna sana naming tumanggap ng bisita para kay Mommy. Bawal po muna siyang ma-stress."

"Naku, gustong-gusto ko pa naman sana siyang makita."

Napansin ni Alice ang pagkabagsak ng mga balikat ng bisita kaya tumayo ito. "Sandali lang po at aabisuhan ko po muna si Mommy para makapag-kuwentuhan po kayo."

Napangiti naman ang bisita habang paakyat si Alice sa kuwarto ng ina.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba na si Alice at pinaakyat niya naman si Aling Kakay. Pinaalalahanan niya ulit ito. "Tita, 'wag lang po niyong e-excite si Mommy? Nasa first door to the right 'yong kuwarto ni Mommy"

"Ok Iha. I know what to do. I have a friend with the same operation."

"Salamat po Tita Kaye. Sige po."

Umakyat na ng hagdanan si Aling Kakay. Gawa sa kahoy ang hagdanan nila Beverly, ngunit ang kabuuan ng bahay ay gawa sa semento. Medyo kupas na ang pintura nito kaya't may kadiliman ang kaitaasan ng bahay kaya dahan-dahan ito sa kaniyang paglakad. 

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon