IX - Ms. Sophisticated Sophie

35.4K 607 7
                                    

NAPAGOD sa pagmamaneho si Stephen, at sa sobrang pagod ay napaidlip ito sa sofa. Natrapik na naman sila habang sila ay papauwi.

Naabutan siya ng kaniyang Mama kaya siya ginising nito. Nakapagpalit na ito ng damit. "Iho, h'wag ka diyang matulog. Magbihis ka na at doon ka na sa kuwarto mo." Umupo ito sa may paanan ni Stephen.

Bumangon si Stephen at naupo. "Next time po Ma, kay Mang Ben na lang po kayo magpasama papunta do'n. Ang layo po kasi ng biyahe natin." Ang tutuo niyan ay nainip ito dahil hindi naman niya talaga mga kakilala ang pamilya ng kaniyang Mama. Lalo pa itong nainip dahil hindi niya ma-contact si Sophie.

"Ngayon lang naman ako nagpasama sa iyo. Simula nang naging kayo ni Sophie, wala ka ng time para sa akin." Pagtatampo nito sa anak.

Hindi nakaimik si Stephen, medyo nakonsensya sa paharing ng ina. Para hindi mag-tampo ay hinagod niya ang likod nito. "Sige Ma, babawi po ako." Napangito naman ang senyora.

"Alam mo, naiinggit ako sa kaibigan ko kasi ang saya-saya nila, di ba? Tayo, ang laki nga ng bahay natin, pero wala namang masyadong tao dito." Napabuntong-hininga pa ito.

"Kasi Ma, ba't hindi kayo nag-anak ng marami ni Papa?" Maging si Stephen ay nalulungkot sa malaki nilang bahay, ngunit nasanay na rin ito. "Hayaan niyo po, pag nakasal na kami ni Sophie, pupunuin ko ito ng maraming bata." Natawa pa si Stephen sa kaniyang pagbibiro. Napansin niya na nanahimik ang matanda. "What's wrong po?"

"Anong masasabi mo kay Baby? Mukhang mabait naman siya at mabuting anak, di ba?"

Nagtaka si Stephen sa tanong nito. "Hmm, kung naging kapatid ko 'yon, siguro lagi ako no'ng dadakdakan. Mas tigre pa ata po yon sa inyo."

"Dapat ganoong klase ang mapangasawa mo. Maraming alam sa buhay at madiskarte."

"Ano naman po ang ibig mong sabihin niyan, Ma?" May kung anong kaba pa siyang naramdaman.

"Well, kasi kanina nakita ko kung paano mag-alaga ng pamilya si Beverly. I admire her for that. Kung may mamanugangin ako, sana katulad niya."

Hindi niya ito inaasahang marinig. Ayun! Nakuha din niya ang gusto sabihin ng kaniyang ina. "Si Ate Baby, gusto niyong manugangin? Kanino?"

"Kanino pa, e di sa'yo!"

Napatulala siya sandali at saka niya nailagay ang palad sa kaniyang mukha.

"What's the matter? Dahil ba sa matanda na siya?" tanong ng ina.

"I don't want to be rude, but yes, she's too old for me. Besides, sa edad niyang yon paano pa kayo magkakaapo ng marami? Buti kung magkakaapo ka pa doon."

"Naisip ko rin yan. Kaso..."

Hindi niya na hinayaan pang makapagpaliwanag ang ina, "Yon naman pala eh. This conversation is over!"

"Listen first Iho!" Seryoso ang boses ng ina at nahalata niya na mayroon pa itong napaka-importanteng sasabihinn. "Nagkaroon kasi kami ng kasunduan noon ni Naz na pag nagkaanak kami, ipapakasal namin sila. Alam mo naman ang Mama mo may isang salita at ayokong masira kay Naz."

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. "Di na po uso yang sumpa-sumpaan na yan! Marami ng taong walang isang salita ngayon. So, just forget about it. Matagal na yon at may Sophie na ako. I'm serious with her. Like what I said, she's the one for me!" Napakunot pa ang noo niya.

"Alam mo anak, ang tunay na pag-ibig di lang sa ganda ng katawan o mukha nakikita. Minsan sa ganda din ng kalooban." Nilagay pa ng senyora ang kaniyang kamay sa dibdib.

"Sorry po Ma. As of now, what I feel for Sophie is real, and that I'm crazy about her. You know that!"

"Bakit? Nakakasiguro ka na ba kay Sophie? Malay mo, hindi kayo magkatuluyan. Anything can happen."

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon